Chapter 7

123 61 7
                                    

-Zhary-

    Naiinis akong bumyahe papunta sa Imus branch kong saan nakaduty nila Royce. Halos buong byahe wala ako sa mood. Why the hell I didn't get her number. Aaahhh! Gusto kong pag pokpokin ang screen ng cellphone ko sa subrang inis. Paulit ulit kong inirapan ang picture ni Royce na nakasave sa cellphone ko.

   Halos isang oras pa ang byenahe ko bago nakarating. Subrang traffic from her house to the mall. Lalo akong nainis sa subrang init. Naka jacket pa mandin ako at nakaspagetti strap denim lang ako sa loob at denim pants, ayaw ko naman na kita yung buong balikat at braso ko habang nasa byahe. Tiniis ko nalang hanggang makarating ako sa mall. Pag  ka pasok na pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa second floor kong saan may kainan at may malaking aircon. Doon muna ako tumambay at nagpalamig bago tuloyan nagtungo sa store.

   Malayo palang ako nakikita ko na ang subrang busy na si Royce at junely mag serve at take order ng mga costumers. It's weekend kaya madaming tao na namamasyal at patok na patok ang milktea shop branch namin na to, lalo at kasadsagan ng summer. Ni hindi ako napansin ng dalawa na pumasok sa pwesto. Agad akong naupo sa maliit na space sa gilid for staff. Tahimik kong nilapag ang bag ko, at nag observe sa paligid. Nasa 20 mins na din akong nakaupo bago ako napansin ni Junely.

  "Good morning ma'am. " masiglang bati nya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at inaantay na lumingon si Royce sa kinauupoan ko pero di iyon nangyari. Napabuntong hininga ako. Pero actually pogi din talaga tong si Junely. Pero halata kong may something sila ni Crista I can't tell if there was talaga but I can sense. Ha?. Ano daw? Nababaliw ka na din talaga Zhary. Kong ano ano na yang naiisip ko.

  "Bakit nga pala andito ka Ma'am? Hindi ko alam kong seryosong tanung ba yun o biro lang galing kay Junely.

"Kailangan kong mag observe sa mga branches inuna ko lang talaga ang branch nyo. " anas ko sa kanya. Nag alangan syang ngumiti sa akin.

"Nakakatakot naman pala, paano kung hindi mo magustohan ang performance namin? Tatanggalin mo ba kame? " now i can tell that she is serious.

"Nah, wag ka mag isip ng ganyan. Hindi naman ako ganun kasama na magtatanggal agad ng empleyado ng walang dahilan. " natatawa kong sabi tsaka sya ngumiti ng maluwag.

"Mabuti naman Ma'am, kailangan ko pa naman talagang mag ipon para sa mga requirements ko. " agad din syang tumalikod sa akin matapos sabihin yun upang kumuha ng order ng bagong dating na costumer habang si Royce ay busy padin sa pag gagawa ng mga nakapilang order.

"Requirements? Bakit? Para saan ? Nagtataka kong tanung.

"Plano ko po kaseng mag abroad. Kaya nag iipon talaga ako ng pera. Baka sakaling palaring makaalis next year. " sagot nya habang palingon lingo sa akin.

"Ahh.. " naubosan ako ng sasabihin  ng mapansin kong nakatingin si Royce sa akin habang nakasandal na ngayon sa estanteng andoon sa tabi ng mga stocks. Tapos na ata ang ginagawa nya. Inirapan ko sya bigla. Nakita ko ang pagtaas ng kanyang mga kilay sa akin. Gusto ko ng dukutin ang kanyang mga mata.

"Saan ka ng pala mag lalunch Ma'am? Nabaling ang atensyon ko kay Junely.

" Bibili nalang siguro ako sa fastfood at dito nalang sa store kumain. Mag e 11 na din pala, gusto mo bili tayo? Samahan mo ako, libre na kita. " lumawak ang kanyang mga ngiti sa kanya. Humupa na din kahit papaano ang mga costumers na nag pipilahan kanina.

"Talaga ba Ma'am? Tumango tango ako. Agad nyang tinanggal ang apron na suot suot nya at nag ayos ng buhok.

"Oo naman tsaka you can call me Zhary, tayo tayo lang din naman ang  nakakarinig. " nilabas ko din ang maliit na salamin na dala ko sa bag at tiningnan ang itsura ko.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon