-Zhary-
Kanina pa talaga ako nagtutulog tulogan lang kahit na gustong gusto ko na syang yakapin. Akala ko titiisin nya akong mag isa pero nagulat nalang ako, nakaalalay na sya sa akin pauwi. Sa totoo lang wala na talaga akong maalala. Sa subrang daming alak ang nainom ko kanina wala na akong matandaan kong paano at ano ang nangyari bakit bigla nalang ako nasa bus na nakatulog sa balikat ni Royce. Inalalayan nya ako papasok sa kwarto namin, pagdating namin ay nilapag nya ako sa kama. Kahit alam ko na lahat but i pretend to sleep. I want to know, kong ano ang gagawin nya habang akala nya wala akong malay.
"Shitt! Sino ba nagsabi sayong maglasing ka?! " naririnig kong sabi nya sa akin habang ako nakapikit. Pretending to be asleep. Narinig ko ang pagtunong ng kama, hudyat iyon na tumatabi na sya sa akin. Humahalo sa hangin ang amoy ng kanyang shampoo at pabango. Pakiramdam ko nahihilo ako sa amoy na yun. Kumikiliti sa ilong ko. Alam ko naiinis sya ngayon. Naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa baywang ko. Ihinarap nya ako sa pwesto paharap sa kanya. Naramdaman ko rin ang pag angat ng ulo ko, at pagpatong nya ng ulo ko sa balikat nya. Naririnig ko ang kalmadong pintig ng puso nya. Ang mga maiinit nyang hininga na dumadampi sa noo ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit. Nagsumiksik ako sa dibdib nya. Mahapos kong ibaon ang mukha ko sa dibdib nya at yakapin sya ng mahigpit ay, naramdaman ko ang kanyang mga kamay na humahapohap sa akin buhok.
"I'm sorry kanina, hindi ko lang napigilan ang sarili kong sumigaw. I'm so sorry. " malambing nyang bulong sa teynga ko. Hindi ako sumagot. Alam kong iniisip nyang tulog na ako. Kase ang alam nya lasing na lasing ako, pero hindi! Okey na ako. At alam ko na ang ginagawa ko ngayon. "I love you so much baby.. I love you so much and my heart ached for that. Hindi ko alam kong paano ipakita sayo o iparamdam sayo ng tama ang pagmamahal ko, pero sana.... Sana wag kang magsasawang mahalin ako. Kase hindi ko alam kong kaya ko bang mabuhay ng wala ka sa tabi ko. " yung nag uumapaw na galit kanina ay, parang bigla nalang naglaho.. Ang malambing na mga boses nya ay bumubuo ng aking pagkatao. Hindi ko mapigilang tumingala sa kanya. Hindi naman sya nagulat na gising ako.
"Hindi ako mawawala, bakit iniisip mo yan? Kaya nga ayaw kong umuwi sa amin, kase ayaw kong isipin mong hindi ka mahalaga sa akin. " ngumiti sya sa akin.
"Hmm.. Hindi na kita pipilitin kong ayaw mong umuwi. Pasensya ka na talaga kanina. " hinaplos nya ang mga pisngi ko. Napatingin ako sa kanyang malambot na mga labi. Nararamdaman ko din na unti unting bumibigat ang kanyang paghinga. Unti unting bumaba ang kanyang mga mukha, tinawid nya ang kaunting espasyo sa gitna naming dalawa at binigyan ako ng isang matamis at kaaya ayang halik. That kiss is so smooth, kind and full of love.
"It's okey, hindi naman na ako galit sayo. Kanina lang. " nakangiti kong sabi matapos ang matamis na halik na binigay nya sa akin.
"Good. Now sleep na, anong oras na. Goodnight. I love you." kasabay ng mga katagang yun ang isang mabilis na dampi sa noo, sa mata, sa pisngi, sa ilong, at sa labi ang kanyang binigay sa akin.
"I love you too. " sagot at mahigpit syang yinakap. Nakayakap na din sya sa akin at pumikit. Pumikit na rin ako at nagsumiksik muli sa dibdib nya para matulog. Doon ako sa ganung posisyon komportable. I love her so much. At sa totoo lang, hindi ko din alam kong bakit ayaw kong umuwi. Naiintindihan ko namana ng point nya. Pero kase sa ngayon alam kong kailangan nya ng karamay, alam ko kahit na hindi nya sabihin , alam kong nahihirapan sya sa paghahanap ng trabaho. Iniisip nya ang mga financial support nya para sa pamilya nya lalo pa at nangungupahan lang sila ng bahay. Maintenance pa ang kanyang grandparents na kailangan nya bilhin palagi. Kaya hindi ko sya kayang pabayaan nalang. Alam ko nahihirapan sya pero ayaw nya lang sabihin. Lalo na at hindi naman sya nakapag kolehiyo kaya nahihirapan syang makapasok sa mga company. Everytime na umuuwi syang bigo ay parang dinudurog ang puso ko. Her failure is my failure too. Her pain is my pain. Ganun ko sya kamahal. Sa ngayon may mga kapated naman akong hindi pababayaan ang anak ko at mga magulang ko. Pero sa ngayon si Royce, walang ibang katuwang maliban kay Riza at ako.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...