-Junely-Ilang minuto akong natulala sa loob ng cr bago ko naisipang sundan si Royce. Agad akong kumilos palabas doon at nakasalubong ko si Crista sa labas ng cr kasama si Zhary.
"Did you guys see Royce ? " natataranta kong sabi.
"Wala kanina pa bakit.? " nag aalalang saad ni Crista.
"I don't think she's in her right mind now. I need to find her. " nagpapanic kong sabi sa dalawa paalis na sana ako pero hinawakan ni Zhary ang braso ko.
"Why what happened? " alam ko kahit na sabihin nya sakin ng paulit ulit na galit sya kay Royce alam kong mahal nya parin ito at nag aalala sya sa ngayon.
"I will explain everything later, but as of now. Kailangan ko syang makita. " hinila ko ang mga braso ko na hawak ni Zhary.
"Sama kame. " agad na sabi ni Crista. May sarili din kameng problema ni Crista at kahit na nasa ganitong sitwasyon kame ngayon ay nasa isip ko pa ding syang kausapin matapos lang tong paghahanap ko kay Royce.
Tumango ako sa kanila at nauna ng binaybay ang masikip na daan palabas ng bar. Sa dami ng mga taong nag iinoman at halos yung iba ay sinasakop na ang daanan kaya nahirapan kameng lumabas ng mabilis sa bar. Gayunpaman narating namin ang labas ng walang nasasabing tao. Pagkalabas ng bar ay agad kong inikotan ang likod ng bar nagbabakasaling makita ko sya doon pero wala akong nakita kahit anino nya. Pinuntahan din namin ang parking area kong saan madalas syang naninigarilyo pero wala din sya doon."Royceeee!!! " tawag ni Zhary at napalingon kameng dalawa ni Crista ng mapansin namin sa tawid na naglalakd si Royce patungo sa bus station.
Agad kameng naglakad na tatlo para tumawid.
"Royyyccceee!!!!!! " sigaw ko ng malakas at lumingon sya sa amin.
"Nooooo!!! Noooo!!! Nagpapanic ang boses ni Crista at ganun nalang din ang pagpanic ko ng makita ko ang isang van na gulay gray na mabilis mabilis ang takbo. Ilang metro pa ang tayo sa kay Royce.
"Tabiiii Royceeee!!! Tabi!!!!!!! " ginamit ko lahat ng lakas ng boses ko para marinig nya ang mga sinabi ko. Isang malungkot na ngiti at kaway ang ginawa nya bago tuluyang umaalingawngaw ang isang malakas na pagbulusok ng sasakyan at kinaladkad nito ang nakatayong si Royce na kanila lang ay kumakaway sa amin. Pakiramdam ko tumakas ang kaluluwa ko sa buo kong pagkatao.. Nakita ng mga mata ko mismo ang pagkabangga sa katawan nya at dumiretso iyon sa poste ng kuryenteng andoon. Hindi ko maigalaw ang katawan ko ang makita ko ang mula sa kinatatayuan ko ang pagkaipit ng kanyang katawan sa gitna ng poste at yuping unahan ng sasakyan.
"N-nooo... N--oo... Royce... Royceeee!!! Royceeeee!!!!" Nakita ko agad ang pagtakbo ni Crista. Patungo sa lugar kong saan nakadikit ang katawan ni Royce. Hindi ko parin maigalaw ang buo kong katawan. Pakiramdam ko wala akong lakas para pumunta doon.
"Anyari Junely!!! Zharyyy! " agad nasalo ni Mel ang napaupong si Zhary na tulala din kagaya ko. Mula sa pwesto ko nakita ko ang pag palibot ng mga taong andoon sa aksidenteng nangyari. Inipon ko ang lahat ng lakas ko para makatayo at mapuntahan ang kabilang kanto.
"R-roooyceee... Royce.... " paulit ulit kong banggit ng pangalan nya. At habang papalapit ako ng papalapit. Nakikita ko ang kalahati ng katawan nyang puro dugo maging ang kanyang ulo na hindi na halos makita ang kanyang mukha dahil sa dami ng dugong umaagos doon.
"Royceeee!!! Bitawan nyo ako!!!! Royceeee.. Oh my goddd.. Pleaseeee! Help her!!! Royceeeee.....!!!! Nag wawala na si Crista habang hawak hawak sya ng mga tao doon para di makalapit sa aksidente . Wala sa sarili akong nagtuloy tuloy lang ang lakad palapit sa kanya. Pero bago pa ako tuloyang nakalapit ay may humarang na sa mga katawan ko.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...