Chapter 13

78 41 10
                                    

-Zhary-

  Lumabas ako kase kanina pa sya hindi pumapasok sa loob. Nagsisimula na kameng uminom sa dito sa loob ng bar pero wala pa rin sya. Nagyosi lang naman sya pero bakit ganun katagal. Kaya naisipan ko na syang puntahan sa labas. Nakangiti pa akong lumabas pero hindi pa man ako nakakalapit ay nakita kong may kasama syang babae, halos magkasing tangkad lang sya. Lagpas hanggang balikat at buhok, maputi at maganda. Agad akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. I know I'm beautiful enough not to feel insecure but somehow, I feel betrayed. I don't know kong bakit ganun ang nararamdaman ko. Tatawagin ko sana sya pero nakita ko ang unti unti pagyakap sa kanya ng babae. Hindi ko alam kong bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit pa sa kanina kahit na nasasaktan ako sa mga nakikita ko. Tumigil ako sa gilid nilang dalawa at nagbabakasaling tumingin sya sa kinaroonan ko pero hindi nangyari. Hindi ko din madinig ang pinag uusapan nila.

  at aminin ko man o hindi,pero nagseselos ako. Ang masakit doon kase wala akong karapatan. Hindi nya ako binigyan ng karapatan para makaramdam ng ganito. Even though she said she like me, but that's not mean we have a commitment for each other. Kahit na sinasabi ko sa mga kaibigan nyang kame na, pero alam ko sa sarili kong walang sinasabing ganun sa akin si Royce. Kaya alam ko sa sarili kong hindi ko kayang pang hawakan ang salitang gusto nya ako, para lang makaramdam ng pagseselos. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong masaktan. Kahit ilang beses kong pigilan ang sarili kong maiyak pero tinatraydor ako ng mga luha kong nag uunahan pumatak.

  "I hate you. " alam ko sinabi ko lang yun sa utak ko, pero nakita ko ang biglang paglingon ni Royce sa kinaroonan ko. Naiinis ako sa kanya sa ginagawa nya sa akin. Bakit kailangan pang sabihin nyang gusto nya ako tapos ganito lang ang makikita ko.

  "Z-zhary... It's n-not what you think. " sinubukan nyang humakbang sa akin, pero umatras ako. Ung sakit na nararamdaman ng puso ko ay parang sumasakal sa akin. Agad akong tumalikod ay patakbong binaybay ang daan papasok ng bar. Punong puno ang mga pisngi ko ng mga luha. Hindi ko alam kong sumunod sya sa akin, pero mabilis kong narating ang mesa kong saan nakapwesto kame ng mga kaibigan nya. Agad kong tinungka ang nasa baso na inalisan ko kanina bago ko sya puntahan. Nasa gitna ng dance floor ang mga kaibigan nya. Maliban kay Cristah, Junely and Sherwynne.

"Oh Ma'am anyari asan si Royce? Okey ka lang? " nag aalang tanung ni Junely sa akin ng mapansin nyang umiiyak ako.

"Buiset yang kaibigan mo! Naiinis ako sa kanya! " hindi pa nya tinatagayan ulit ang baso ko kaya ininom ko ang baso ni Crista na may lamang alak.

"Oh, oh... Teka lang Ma'am dahan dahan ka. Ano bang nangyari? Asan ba si Royce? Nag away kayo? " sunod sunod na tanung ni Crista sa akin. Pabagsak akong naupo sa upuan at sinusubokan kong kalmahin ang sarili ko kase ayaw kong makita ng mga kaibigan nilang lahat na umiiyak ako. Wala namang dapat ikaiyak! Pero putang ina! Sapat na ang inis ko at wala akong magawa kundi umiyak.

  "Zhary." Napatingin ako kay Royce na bagong pasok, hindi ko namalayan na andito na agad sa harap ko. Masama ko syang tiningnan. "It's not what you think. Can I explain? " mahinahong tanung nya sa akin.

   "Anong can I explain! Mukha mo! " naiinis kong sagot sa kanya.Mukhang pagsisinungalingan mo lang ako kung mag eexplain ka. Kase kalmadong kalmado ka lang. Mukhang sanay na sanay ka na sa mga ganitong eksina.

  "No need! And I don't care. " inirapan ko sya. Wala akong naririnig sa tatlong kaibigan nyang nasa harap ko nagpapalit palitan ng sila ng tingin sa amin ni Royce bawat may nagsasalita sa amin.

"You don't care tapos ganyan ang tuno mo. Magpapaliwanag nga kase ako, makinig ka mona. " she started to control her voice to raise up.

"Wala nga akong pakialam, hindi mo kailangan mag explain. Wala kang kailangan ipaliwanag. " at dahil hindi parin sinasalinan ni Junely ang baso ko inabot ko ang beer na malapit sa kanya para sana tunggain pero agad nya iyon hinawakan dahilan para mapatingin ako kanya.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon