-Royce-
Wala sa sarili akong lumabas ng mall, hindi mo na ako dumiretso ng uwi sa bahay. Nagpunta ako sa seaside malapit laang sa mall kong saan, maraming namamasyal na mga tao doon. Tambayan iyon ng lahat ng mga lokal at turista. Doon hinayaan kong umiyak ng tahimik habang nag iisip kong tama ba ang gagawin kong desisyon na makipag hiwalay kay Zhary. Pero hindi ko alam kong ano ang idadahilan ko para lang maniwala sya. Paano ako makikipag break sa kanya kong ngayon palang nasa isip ko gusto ko ng mag makaawa sa kanya para wag lang syang mawala sa akin.
Pero nakabitaw na ako ng pangako. Pero di ba lahat naman ng pangako ay napapako? Lahat naman pweding hindi tuparin? Pwedi bang umuwi nalang ako ng ng bahay tapos dedmahin ang lahat ng narinig at sinabi ko tas parang wala lang nangyari? Pwedi bang ganun nalang? Gustong gusto kong maglasing pero hindi pwedi kase magtataka sya kapag umuwi ako ng nakainom at walang sinasabi sa kanya. Hindi pa ako handang umuwi sa bahay. Sana tumigil ang oras. Sana may milagro na magpapatigil ng oras para hindi na sumapit ang kinabukasan.
Huli ko na naalala na naiwanan ko na pala ang boquet at chocolates kong dala dala kanina sa mall. Kinapa ko ang singsing na nasa bulsa ko at mabuti nalang at andoon pa iyon. Inilabas ko ang tiningnan ang laman nun. Ni hindi manlang ako nabigyan ng pagkakataong maisuot iyon sa kanya. Paano ko pa ibibigay iyon sa kanya kong bukas makikipaghiwalay din naman ako. Sinarado ko ang kahon at ibinalik iyon sa bulsa ko. Para akong siraulong tumatawa habang tumutulo ang mga luha ko. Gusto kong tumawag ng mga kaibigan na pwedi kong makausap, pero alam ko mga busy silang lahat.
"Kong mahal mo si Zhary, sana iniisip mo ang kapakanan nya. ""Kong mahal mo talaga ang anak nya sana iniisip mo na mas kailangan sya ng anak nya. "
"Lumalaki ang bata ng wala sa tabi nya ang kanyang ina. "
Paulit ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga salitang nagbibigay ng masakit na pakiramdam sa akin. Alam ko ang pakiramdam ng walang magulang na lumalaki. Nakakainggit at hindi mo mapigilan tanungin ang sarili ko noon na hindi ba kame kamahal mahal kaya iniwan kame ng mga magulang namin? Paano kung iyon ang iisipin ni Gwen.
Kaunting sakripisyo para sa kinabukasan nilang dalawa. Pagpaparaya para sa ikabubuti nilang dalawa. Ako isa lang. Pero sila dalawa. Ano ang laban ko. Mahal na mahal ko si Zhary at kasama doon ang kanyang anak. Kong uunahin ko piliin ang pagiging makasarili ko, magkakalayo ang loob nilang dalawa.. Hindi ko pweding iwan ang mga nagpalaki sa akin para sumama kay Zhary at kasmang palakihin si Gwen, kame lang ni Riza ang meron sila. At hindi naman pweding nasa tabi ko lang palagi si Zhary kase kailangan sya ni Gwen. At tama ang mama nya. Kailangan nya ng normal na pamilya para sa kapakanan ni Gwen.
Kailangan kong magparaya para sa ikakabuti ng lahat. Kailangan ba talaga ng ganito ? Bakit pakiramdam ko, hindi ko kakayanin. Ngayon palang parang bibigay na ako. Parang gusto ko nalang tumalon at magpakalunod sa dagat sa harapan ko at takasan ang mundo. Akala ko mabibigyan ako ng mahabang oras para maging masaya sa feeling ni Zhary. Akala ko, aabot kahit isang taon lang ang kasiyahang meron kame sa gitna namin ni Zhary. Alam kong temporary lang ang meron kame pero bakit hindi ko napaghandaan. Hindi ko naiready ang sarili ko na ganito pala kasakit magparaya. Gusto kong subukang lumaban pero ngayon palang alam kong talo na ako. Sa pagiging babae ko palang talo na ako. Tumingala ako sa langit at itinukod ang mga braso ko sa simentong kinauupuan ko. Hinayaan kong dumaloy ang mga luha doon.
"Masyado kang masakit mag biro. Sabi ko naman sayo hindi kailangan magmahal tama na sa akin ang mga fling lang. Pero bakit binigay mo si Zhary. " sa totoo lang nagtatampo ako sa itaas. Kaya kinausap ko ang sarili ko habang nakatingin sa kalangitan. "Binigay mo tapos babawiin mo din. " tumawa ako, para na talaga akong nasisiraan ng bait. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon ang lalo lang akong napaiyak ng makita ko ang pangalan ni Zhary sa screen. Hindi ko sana sagutin pero hindi ako pinakinggan ng mga kamay kong kusa nalang sinagot ang tawag.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomansaZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...