-Junely-
Pumayag ako sa usapang ito kahit na alam kong magiging ganito ang sitwasyon. Gusto ko kaseng maging maayos ang lahat. Sabi ni Zhary nag usap na sila ni Mel about dito kanina. Sabi nya nagbreak na sila pero sa inaasta ngayon ni Mel, mukhang hindi papayagan ni Mel, na magkabalikan tong dalawa at sa inaasta ni Royce. She's not willing to explain everything to Zhary. Or talk about the break up at yun ang kinaiinis ko. She's trying to hide all the pain in her eyes. At naiinis ako kase nakikita ko yun sa mga mata nya ngayon habang nakatingin sa dalawang hindi na ata kame naaalala kong makapaglampunga.
Gusto kong hablutin si Zhary sa tabi ni Mel at ilayo doon. Ilang beses kong nakasalubong ang mga nasasaktan pag iwas ng tingin ni Royce sa dalawa. Pero wala syang ginagawa kundi tumahimik. Magpatuloy sa pag lalaklak ng beer na nasa harapan nya at manigarilyo. Sa totoo lang feeling ko ineenjoy nya ang sakit na nakikita nya sa dalawa na lalong nag painis sa akin.
Nagpaalam si Zhary mag c-cr kaya sinundan ko sya para kausapin. At nakikita ko ng tipsy na sya dahil ilang beses syang gumiwang giwang bago makarating sa cr. Pero bago sya nakapasok sa isang cubicle ay hinila ko sya sa gilid. Nagulat pa sya ng makita ako kase hindi nya ata talaga napansin na nakasunod ako.
"Ooh! Bakit? " nakangiti nyang tanung gamit ang tipsy na boses.
"Hindi mo ba talaga kakausapin si Royce? " kahit naiinis ako gusto ko padin itanung sa kanya ang tanung na yun na matagal ko ng gustong itanung. "Look Zhary, alam kong may mali si Royce pero, try mo syang kausapin ngayon. Tutal andyan naman sya. Ngayon lang kayo nagkita matapos nyong naghiwalay noon diba? " nakita ko agad ang pag gilid ng luha sa kanyang mga mata. Napalingon kameng dalawa ng marinig namin ang pag sarado ng isang cubicle sa unahan. Pero hindi namin iyon pinansin.
"Hindi ko alam kong kaya ko pa bang pakinggan muli ang mga sinabi nya noon sa akin. Nagagalit pa rin ako hanggang ngayon sa totoo lang Junely. Hindi ko nga alam kong kaya ko pa ba syang maayos na pakisamahan e. Nakita mo naman kong gaano ka bastos ang kaibigan mo. Isa pa hello! Kitang kita naman na wala ng pakialam sa akin yang kaibigan mo! Bakit pa natin ipipilit. Mukhang masaya naman na talaga sya! Nakakaputang ina lang kase parang wala lang sa kanya ang break up namin! Kita mo? She's not even affected kahit nalaman nyang kame ni Mel. " napabuntong hininga ako. Pinunasan nya ang mga luhang tumulo galing sa kanyang mga mata. Kahit ako naiinis kay Royce kase hindi talaga sya gumagawa ng paraan para maging maayos silang dalawa.
"Sinabi narin namin sa'yo na this plan might not work. Hindi namin hawak ang nararamdaman nya, sabi nga sayo ni Crista , baka di mo makita ang enexpect mong ipakita nya sayo. " I smoothly said it to her.
"Yeah I know! But I was just expecting even a small care about sa past namin. Pero wala. Parang wala lang sa kanya na tinanggap nya agad na kame ng dalawa ni Mel! Palibhasa manggamit! Walang alam sa nararamdaman ng tao! Magaling lang syang manakit at manggamit! Ni hindi manlang mag panggap! Putang ina talaga! Galit nyang saad.
Hinayaan kong pumasok sa cubicle si Zhary at naghintay ako sa kanya dito sa gilid. Pagkalabas nya ay galit na ang nakita kong nakabakas sa kanyang mga mata. Mabigat ang kanyang paghinga.
"Alam mo Junely! Hinding hindi ko na talaga kaylanman bibigyan ng pagkakataong makausap yang kaibigan mo! Pinagsisihan ko talagang nagkakilala pa kame. At kong ibabalik man ako sa panahong hindi ko pa sya kilala, sisiguraduhin ko talagang hinding hindi kame magtatagpo . Dito o sa susunod pang buhay hinding hindi ko na talaga gugustuhin na makilala sya! I hate her!!! I hate her so much! Fucking asshole!!! " galit na galit ang kanyang mukha kahit na sabay sabay ang tulo ng kanyang mga luha. At padabog akong iniwan doon, naihilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko. Mukhang malabo na talagang naayos pa ang gulo nitong dalawang to! Kase naman hindi ko maintindihan kong anong ginagawa ni Royce! Napapaisip na rin tuloy ako na talagang ginamit nya lang si Zhary kase hindi sya gumagawa ng paraan para makipag usap kay Zhary. Narinig kong bumukas ang unahang cubicle ng cr at napatigil ako doon. Ganun nalang ang gulat ko ng makita kong si Royce ang lumabas doon.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...