Chapter 5

104 55 13
                                    

- Zhary -

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

- Zhary -

Sa kabila ng madaling araw na akong natulog ay maaga pa din akong nagising ito ata ang tinatawag na nilang body clock. Naglinga linga ako sa paligid. Ang bango ng kwarto ni Royce. It's has a woodly smell, it's same sa perfume na naamoy ko sa kanya kagabi. Wala manlang kahit isang picture sa loob ng kwarto nya. Tangin drawers, bookshelves na may iilang mga libro na nakalagay. Isang maliit na table katabi ng kanyang kama at isang couch na maliit din. Tumayo ako nang kama at inayos ang higaan. Wala manlang kahit salamin sa loob ng kwarto nya. Matapos kong ligpitin ay lumabas ako ng kwarto nya. Bumungad agad sa akin ang nakadapang si Royce na nasa sofa natutulog. Pinagmasdan ko sa likuran nya. Infairness talaga tong si Royce ang ganda ng katawan. She has a broad shoulders na talagang nagbibigay nang magandang angulo ng kanyan katawan as masculinity look. Natutulog pa din sya ng nakapuyod ang buhok.

"Oh gising ka na pala, halika na dito at mag almusal. " napatingin ako ng may biglang nagsalita sa kusina. Ngumiti ako ng makita ko ang isang matandang nasa 70 plus I think pero maganda pa din. Halata lang sa kanyang mukha ang kanyang edad pati sa kanyang mga puting buhok pero malakas pa din sya. Ang ganda nang kanyang mukha. Siya siguro ang lola nila Riza.

"Magandang umaga po Nay. " malambing kong sabi at lumapit ako sa lamesa at umupo. Naglapag sya ng plato at baso sa harap ko. Meron ng fried rice, fried chicken at hotdog. Meron din tinapay at scramble egg.

"Kong gusto mong magkape anak, mag timpla ka nalang meron na din naman mainit sa thermos. " sabi nya sa akin habang nagwawalis.

"Opo nay hindi po ba natin gigisingin si Royce. Hindi ba sya nangangalay sa posisyon nya matulog? " nag aalala kong sabi . Pakiramdam ko kase ako yung nanakit ang katawan sa subrang sikip ng hinihigaan nya.

"Sanay na yan dyan, lagi naman yan dyan natutulog lalo na kapag lasing. " nakangiti syang tiningnan ang natutulog na si Royce. "Bakit nag away ba kayo at sa labas sya natulog? " nagulat ako sa tanung na yun ni Nanay. Alanganin akong ngumiti.

"Hindi po, ewan ko bakit dyan sya natulog. Lumabas nalang sya bigla kagabi. Buti po okey lang sa inyo na natulog ako dito. " nakangiti kong sabi at nagsimula ng kumain ng almusal na nasa hapag. Uuwi na din ako ng bahay bago mag duty sa company kaya kailangan ko din makaalis dito ng maaga.

"Sanay na ako ng mga kaibigan ni Royce na bigla bigla ko nalang nakikita pag ka gising ko sa umaga. " natawa nyang sabi. Napangiti na din ako.

"Hmm, nagdadala din po ba sya ng mga karelasyon nya dito sa bahay? Hindi ko alam bakit pumasok iyon sa isip ko pero huli na ng marealize ko ang mga sinabi ko.

"Ikaw ang una. " nagulat ako sa sagot nya.

"Po?! " Hindi po ako girlfriend ni Royce. " nag alangan kong sabi.

"Ah, akala ko gf ka at yon ang sabi ni Riza, nakita ko din na sa kwarto ka nya natulog kaya akala ko girlfriend ka talaga, ay pasensya na... Ano nga pala ang pangalan mo?" Magaan ang pagkakasabi nya sa akin. Umupo sya sa harap ko ng matapos sa ginagawa nyang pagwawalis.

Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon