-Royce POV
"Alam mo Junely! Hinding hindi ko na talaga kaylanman bibigyan ng pagkakataong makausap yang kaibigan mo! Pinagsisihan ko talagang nagkakilala pa kame. At kong ibabalik man ako sa panahong hindi ko pa sya kilala, sisiguraduhin ko talagang hinding hindi kame magtatagpo . Dito o sa susunod pang buhay hinding hindi ko na talaga gugustuhin na makilala sya! I hate her!!! I hate her so much! Fucking asshole!!!
Para akong sinaksak ng ilang milyong kutsilyo ng marinig ko ang lahat ng mga sinabi nya. Ilang beses akong pumikit at kumuyom ng kamao para lang pigilan ang mga boses kong gustong gusto ng humagolgol ng iyak.
Pakiramdam ko wala na akong karapatan pang magsalita o magpaliwanag pa ng totoong nangyari at dahilan ng hiwalayan namin ni Zhary. Nag decide narin naman syang paniwalaan ang gusto mga nakikita nya. Kanina ng makita ko sya buong akala ko magkakaroon ako ng pagkakataong makapag paliwanag sa kanya ng lahat lahat ng nangyari para mapawi manlang ang sakit na nararamdaman nya kahit kaunti, o malinis ko manlang ang pangalan ko at masabi sa kanyang ang totoong dahilan o totoo kong nararamdaman.
Pero siguro nga huli na talaga ako, hindi na din ako binigyan ng oras at panahon makapag paliwanag. Lalo na ng sabihin ni Zhary na she's dating Mel. Pakiramdam ko binagsakluban ako ng mundo. Pinagkaisahan ako ng tadhana at ng mundo. Anong nagawa kong kasalanan para pagdusahan ang ganito kasakit na parusa? Advance karma ba to sa ginawa kong pag iwan sa kanya? Did she really ever cared for me? Yes she did! But you lose her! Ilang beses ko pang sinabi at pinaintindi sa sarili ko ang lahat lahat para magkaroon ng lakas ng loob para huminga.
But im losing myself now. Pakiramdam ko kaunting kaunti nalang ang titirang katinuan sa ko sa sarili bago ako tuluyang mabaliw sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit ang mga kaibigan ko, masamang tao na ang tingin sa akin. Kapag ba sinabi kong may malalim akong rason kaya ko iniwan si Zhary pero hindi ko sasabihin kong ano yun may maniniwala? Wala! Walang maniniwala.. Pero ayaw kong masira ng tuloyan ang Communication ni Zhary at ng pamilya nya.
Gustohin ko mang magpaliwanag pa pero huli na ang lahat. Napuno na ng galit ang kanyang puso. Maging ang mga taong nakapaligid sa akin ay iba na din ang tingin sa akin dahil sa nagawa kong pananakit sa kanya.
Sinusubukan kong kalmahin ang sarili ko bago lumabas sa pinagtataguan kong cubicle. Pero ang isiping wala na akong babalikang Zhary pagluwas ko dito ay gusto ko nalang manatili dito sa loob at wag ng lumabas pa, para humarap ulit sa kanila. Wala na akong lakas para humarap sa kanilang lahat at ipakitang okey lang ako. Kase hindi na ako okey. Gusto ko ng masiraan nalang ng bait sa sakit na nararamdaman ko.
"K-anina ka pa dyan? " Tanung ni Junely sa akin,matapos nyang magulat ng makita akong lumabas sa cubecle. Pinilit kong maging kalmado na para bang hindi ako apektado sa mga nangyayari kahit sa totoo lang gusto ko nalang maglaho. Kase subrang sakit na..
"Bakit? Nag aalala kang malaman ko na plinano nyo talaga ang pagkikitang ito at hindi lang aksidente? " tiningnan o sya salamin. Natigilan naman sya dahil sa hindi nya siguro inaasahan na marinig ko ang lahat. Wala namang kaso sa akin kong set up o aksidente kase gusto ko rin naman talagang makausap si Zhary kahit sandali lang.
"Pre, gusto lang namin magkaayos kayo. " mahinahon nyan sabi sa akin, pero bigla kong naalala ang tungkol sa kay Zhary at Mel na nagpahina ng tuhod ko. I feel like I'm going to die from this pain. Ang bitawan si Zhary para sa kinabukasan nya at sa ikakabuti ng pamilya nya, at halos ikamatay kona. Tapos dinagdagan pa na kaibigan ko mismo ang ipapalit nya sa akin.. It's not just a pain. It's a double kill heartbreak from all of the people surrounds me. Saan ako lulugar.? Pakiramdam ko lahat ng nakapalibot sa akin walang ibang gusto kundi kunin ang taong nagbibigay ng saya at liwanag sa mundo ko. Kaya naman nagagalit din ako sa mga kaibigan ko. Imbis na pigilan nila si Mel, eh hinayaan lang din nila si Zhary at Mel magkalapit.
BINABASA MO ANG
Breakeven (𝐆𝐱𝐆)-(𝐌𝐀𝐒𝐂)
RomanceZhary April Monluis is a senior manager in a small company with a few branches in town. Pero bigla nalang nag resign ang kanyang supervisor ng walang abiso sa kanya kaya wala syang choice kundi mag ikot sa buong branches to take care of all the inve...