EPILOGUE

639 66 16
                                    

THEO

Six years later

"Mama! Congratulations!"

Sinalubong agad ng anak namin si Ales pagkalabas nito ng studio. May TV interview na naman kasi ang asawa ko para sa libro nito na ginawang pelikula.

Sobrang dami nang nangyari sa 'min sa loob ng anim na taon. Mas lalo pang sumikat si Ales bilang writer, at may anak na rin kaming lalaki. Si Ridge. Five years old na.

Nang makita ni Ales si Ridge na may dalang malaking bouquet ng bulaklak sa labas ng studio, lumapad agad ang ngiti niya. Kami mismo ng anak ko ang pumili no'n para sorpresahin si Ales.

"Oh, my Ridge, these are the most beautiful flowers I've ever seen!" Tinanggap ni Ales ang mga bulaklak sabay niyakap ang anak namin. "Where's Papa?"

"There!" Tinuro ako ni Ridge. Tsaka lang ako lumapit kasi kinuhanan ko muna sila ng litrato.

Niyakap ko agad si Ales at hinalikan sa pisngi. "Congratulations."

"Thank you. Ikaw talaga, ano na naman 'tong pakulo niyo ng anak mo?"

"Siya ang pumili niyan. Gusto niya, i-surprise ka ulit namin."

Ngumiti siya nang malapad, tapos pinanggigilan ang pisngi ni Ridge. "You really know how to make Mama smile, hmm? These flowers are perfect. Where do you want to go now?"

"To the beach!" Tumalon pa si Ridge kasi na-excite na naman.

"Okay, my little adventurer. Go to Tito Arkhe and Tita Sab na. Aalis na agad tayo."

"Yahoo!" Tumakbo na agad ang anak namin papunta kila Arkhe na kasama rin naming manood ng TV interview ni Ales.

"Kaya mo pa bang bumyahe?" tanong ko sa asawa ko. "Ang haba pala ng interview mo. Baka pagod ka na."

"I'm okay. Makakatulog naman ako sa sasakyan. I'll just go to the bathroom to freshen up. Mauna na kayo nila Ridge sa van."

"Sige. Wag kang magmadali, ah."

Kinuha ko muna 'yung mga bulaklak at dapat ihahatid na siya papunta sa banyo, kaso biglang may mga taong lumapit sa kanya para i-congratulate siya at magpa-picture.

Proud na proud ako sa layo ng narating ng asawa ko. Lalo siyang gumaling sa pagsusulat. Sikat na sikat na siya. Lahat ng libro ni Ales, bestsellers, at ang iba pa ay ginawa nang pelikula. Mataas na rin ang posisyon niya sa pinagta-trabahuan niyang publishing house.

Hinintay ko lang siyang matapos sa pag-aasikaso sa mga fans niya, at saka ko binalikan sila Arkhe.

Pupunta kami sa Pagudpud sa Ilocos. Simpleng bakasyon lang para makahinga. Matagal na nga namin 'tong pinlano, kaso hindi natuloy kasi nabuntis si Sab, tapos na-busy na silang mag-alaga ng bata.

May anak na rin sila ni Arkhe. Babae, si Cosette. Three years old na. Nauna lang kami ni Ales ng ilang taon. Kaya nga mas lalong sumaya kasi may pamangkin na ako, tapos may kalaro pa si Ridge.

Pagkabalik ko kila Arkhe, nilagay ko lang muna 'tong mga bulaklak sa loob ng van, tapos kinarga si Cosette at kinurot sa pisngi. "Na-miss ko agad ang paborito kong pamangkin, ah."

Natawa si Ark. "Paboritong pamangkin, e siya lang naman talaga ang pamangkin mo."

"Oo nga."

Malapit ang loob sa 'kin ng anak nila kasi madalas kaming magkasama ni Arkhe.

Lumago kasi lalo ang Third Base kaya kulang na lang, tumira na kami ni Ark sa iisang bahay dahil palagi kaming nagpa-plano. May bagong bukas pa kaming bar kaya sobrang busy talaga. Buti nga't natuloy 'tong bakasyon namin para makapagpahinga naman kaming lahat.

The Savage Boys Series #3: Theo AlvarezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon