UG 1 : The Game

387 108 43
                                        


Hello my dear readers, if ever na nagustuhan nyo ang storyang ito ay pahelp na ivote and mag-comment din po kayo;) Let's share this story of mine to a lot of people and please support my writing journey. Thank you and enjoy reading!


Paalala: Isinulat ko itong storya na ito noong 16 yrs. old pa ang ate nyo kaya pakiusap kung napansin nyong ang daming grammar na mali ay intindihin nalang and kung ayaw nyo ang gantong type ng pagsulat ng kwento ay maari kayong lumisan ng payapa. Salamat!

***

"Life can be surprising sometimes and those surprises can change your whole life"

Yumi

I can feel the cold breeze that brushes my legs as I kept on looking at the mesmerizing scenery Infront of our School open court.

Mas ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin dahil sa suot kong skirt ng school uniform namin. It sent shivers to my legs.

Patuloy lang ako sa pagkain ng binili kong sandwich sa canteen habang hinihintay ang bestfriend kong si Ally.

Vacant namin.

Magkaiba kasi ang schedule ng klase  namin kaya napag-usapan namin na dito nalang magkita sa open court ng Alpha University.

It's refreshing, Nakakawala ng problema.

"Beshy ko!" napalingon ako sa sigaw ng pamilyar na boses.

"Ally" tipid kong bati at ngumiti sa kanya.

As a reserved type of person ay hindi parin talaga ako sanay na masyadong energetic ang bff kong si Ally.

"Yumi! Alam mo yung group dating app na sinasabi ko sayo?yung sikat sa university natin ngayon "

"Iyong Unknown Game ba yon?" saad ko habang natatawa sa name ng app na yun.

"Oo besh, balak ko nga sumali mamaya alam mo na malay mo may hottie akong makuha, pero need mo kong samahan dahil di ako papayag na ako lang ang maging taken satin ngayong school year,
Aba! College na tayo girl di naman masama na makipag date tayo noh" saad ni Ally habang parehas na tumatas baba ang kanyang kanang kilay.

"Ayoko, busy sa school and no time for love, sagabal lang yan Ally" mahina ko saad.

Natuto nako sa love.

Nagmahal, Sumugal, at Nasaktan.

Wala na nga atang matinong lalake sa panahon ngayon, marami man ang mag disagree sakin na meron pang matinong lalake ay baka bilang nalang.

Though I will not close any doors in the future, I'm still open to have a serious and healthy relationship at alam kong ibibigay yun nilord ng kusa ng hindi ko kailangang maghanap ng maling tao.

"Pleash my beautiful beshy para lang naman natin itatry, then if something goes wrong pwede naman natin iunistall ung app, pleash alam mo namang babalik nako sa Bikol next month, last bonding natin" ani ni Ally habang nagbebeautiful eyes sakin na alam nyang hindi ko mahindian.

"Alright just for today"

Pagbigyan na ang babaitang uhaw sa lovelife.

Wala naman atang masamang mangyayari and sabi naman nya ay uso sa school so that means mari nang nakatry at safe ito.

"YES! I'll send you the link , OMG! LOVE MO TALAGA ME! lets online mamayang 8:00 pm " nae-excite nyang sabi habang nakangiti sa harap ng phone nya.

UNKNOWN GAME..

UNKNOWN GAME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon