Yumi
"your okay now?" maingat na tanong ni Zach.
I can't believe na si Zach na ang pinaka-malamig atang lalake sa Alpha University ang makakapagpagaan ng loob ko sa mga nangyari.
Tipid ko itong nginitian "Salamat, kung wala ka baka kung ano nang nagawa ko"
"I'll take care of you" seryoso nitong saad.
Huh? " B-bakit? " Taka kong tanong.
We dont even like each other to the point na hindi kami nagpapansinan. No communications. So pano nya nasasabi yun.
"I just want to" bored nyang sagot.
"Pepare yourself tonight, the fact na patay nga si Mark.. It only means na naghihiganti sa atin ang Psy nayan because of Mark." seryoso nyang saad habang nakasandal sa tabi ng puno.
I still can't believe na patay na si Mark.
The man I onced loved..
"Because we did something bad and wrong to Mark" dugtong ko.
Ako, I don't trust Mark enough and didn't even noticed his tragedy.
Si Toff .. na dinrug si Mark with the help of Beatrice dahil din bina-black mail ni Toff ito.
While others, I still don't know.
But all I know right now.
One of us..
Killed..
Mark..
Seryosong nilapitan ako ni Zach habang nasa bulsa ang kanyang dalawang kamay.
" Don't trust anybody..your friend and even me "
***
GABI na ng makauwe ako ng dorm. Nababagabag parin ang isipan ko sa mga posibilidad na may isang mamatay tao sa mga itinuturing ko ng kaibigan.
At si Mark ang biktima.
Hindi ko napigilan ang mga luhang nagsisimula na namang dumaloy sa aking pisngi na mabilis ko ding pinunasan.
Ang sama kong tao!
Ang sama kong girlfriend!
Paano't hindi ko man lang napansin ang mga pinagdadaanan ni Mark.
Kinagalitan ko sya for 2 freaking years! Nang wala naman siyang maling ginagawa!
Pinilit kong ipikit ang aking mga mata ngunit sa bawa't nanaisin ko ay lagi ko lang nakikita ang mukha ni Mark.
Malungkot ito at tila humihingi ng tulong..
Nang hustisya.
And tonight I've made up my mind!
I'll find out who killed Mark Orialles..
My Ex- boyfriend..
Dali-dali kong sinuot ang blue navy jacket ko at lumabas ng dorm. It's already 8:00 pm kaya malamig na ang simoy ng hangin.
Sinigurado ko munang walang guard ang nagbabantay sa tapat ng dorm namin saka pumuslit palabas.
I need to Investigate right now!
Hindi ako pinapatulog ng konsensya ko sa nangyari kay Mark.
I-f I j-just let him e-explain..
Sana buhay pa sya..
It's my fucking fault kung bakit sya ngayon namatay ng walang hustisya.
I quickly hide sa likod ng puno malapit sa dorm ng mga babae ng may isang pamilyar na babae akong nakita na mabilis na naglalakad palabas din ng dorm namin.
Halatang nagmamadali ito at tila kinakabahan.
Shit! Si Ally yun ah!
Anong gagawin nyong ngayong madilim na?!
I know she's scared to go out lalo na kung wala s'yang kasama.
Napilitan akong sundan sya ngayon. I'm supposed to go to Zach's dorm para makausap sya sa sinabi nya kaninang umaga.
That I shouldn't trust him also..
There's a gut feeling inside of me na I should trust him.
That I could trust him!
Taliwas sa mga pinagsasabi nya. I know that behind that scary guy na laman ng Underground Battle ay May mabait na taong nakatago rito.
I always noticed it. Sa kapatid nya at sa kaibigan nya. He's just scared to show he's true feelings.
Back to Ally , I noticed na papunta ito sa gate ng University. Shit! Lalabas sya?!
Alam nyang sobrang delikado ngayon dahil alam naming anytime ay aatake si Psy tapos lalabas sya mag-isa?
For pate's sake! She's my bestfriend!
Ano nalang mangyayari sakin kung pati sya mapahamak? I'll probably be corpsed sa sobrang kakakaba.
Bukas pa ang isang gate kaya madali syang nakalabas kaagad. Nagpara ito ng taxi at mabilis na sumakay.
Dali-dali rin akong nagpara para masundan sya.
"Pasundan nalang po ung taxing yon" utos ko s driver at tinuro ang sinakyan ni Ally.
Kinakabahan ako sa kung saang parte ba ang pupuntahan ni Ally. Technically malayo ang bahay nya 4 hours ang byahe so hindi sya dun pupuntan
Kung boyfriend naman nya ang pupuntahan na wala sya saking kinukwento ay asahan nyang kukutusan ko sya ng bente!
Tumigil ang taxi sa tapat ng seven eleven malapit sa University namin mga ilang kanto lang din.
"Dito na po tayo maam" ani ng driver. Binigyan ko to ng bayad at nagpasalamat.
Baka nagutom lang si Ally kaya binili ng midnight snack.Pero bakit tila nagmamadali sya?
Pinagmasdan ko itong pumasok sa loob at naupo saglit sa upuan . White glass ang salamin kaya kitang-kita ko ang kanyang ginagawa.
Napanganga-nga ako ng makitang may pamilyar na lalake ding papasok ng seven-eleven.
Nakasuot ito ng uniporme at halatang kakagaling lang ng University namin.
Si Toff.
***
Who killed Mark Orialles
Louie ?
Dany ?
Toff ?
Zach ?
Anne ?
Ally ?
Danica ?
Yumi ?
***
Vote
Follow
Share
Comment
Thank you 💜
BINABASA MO ANG
UNKNOWN GAME (COMPLETED)
Misterio / SuspensoIn a world where reality blurs with virtual obsession, a mysterious game emerges, shattering the norms. "Echoes" promises connection, but delivers manipulation. Players are drawn in by promises of love, friendship, and self-discovery, but soon find...
