UG 39 : Finale Game 1.3

43 10 1
                                        

//3RD PERSON'S POV//

Malakas ang sigawan nang mga manonood sa nasaksihan na pangyayari na tila sila ay nasa isang action movie.Halos hindi sila makahinga nang makita ang nakakakabang mga kaganapan na maaaring kumitil sa buhay ng tatlong natitirang manlalaro.

UNKNOWN GAME 2.0

15 M VIEWS LIVE

"Yumi,Zach and Clifford deserve to live!"

"Oo nga!"

"Don't worry base sa nakalap ko malapit na silang matunton ng pulis..medyo matagal lang ang landing ng eroplano since mabagyo, delikado"

"Sana nga, this game is crazy and I can't believe na ang ibang tao ay natutuwa sa napapanood nilang ito!"

"Those people are Psychopath's!"

" Saan pupunta si Zach my love's?!"

" I think sa control room!"

"What is control room po hehe?''

"Di ko sure but alam kong ito ung may control sa buong system ng isang lugar..control room nga ang name haha"

"That's a good thing!"

"Tama! Pag napatay nila ang system sa buong isla ay malaki ang chance na makatakas sila!"

"Only if they can find a boat or the police can rescue them in the right time before the Game maker and his/her minion finds them"

"Pagdadasal ko ito!"

"Anong Team ba kayo ? Team ZaYu and Team YuFFord ba kayo?"

"Seriously?!"

" Don't make a loveteam bro! Buhay na nila ang nakasalalay! Grow up!"

" Wait!! Si Clifford and Yumi magkikita na!"

" Omg!! Umaarangkada ang Team YuFFord!"

"Beh, pagamot ka na din"

***

Clifford

Mabilis kong tinanggal ang piring sa mga mata ko at napaamang sa kinalalagyan ko ngayon. Really? Dito talaga ako pinuwesto?

Dahan-dahan ang bawat pagpaplano ko para makaalis sa bombang nakatapak sa kaliwa kong paa. Alam ko kung ano'ng klaseng bomba ito dahil napag-aralan namin ito sa Police Academy. Isang maling galaw ay sasabog ito kung hindi ko ito made-defuse.

Kailangan ko ng matulis na bagay para maputol ang wire dahil mabilis na umaandar ang timer nito. Fifteen minutes bago sumabog ito.

Saglit at dahan-dahan ang kilos ko upang kapkapan ang bulsa ko na umaasang mayroon itong matulis na bagay na maaari kong magamit,nguni't sa kasamaang palad ay wala.

Shoot! 10 minutes nalang ang natitira. Agad kong kinapkapan ang damit ko kung saan agad akong napangiti ng makitang may pin na makatipid dito kung saan lagi ko itong dala-dala sa bawa't misyon ko.

Agad kong tinanggal ang matulis na pin at maingat na yumuko para idefuse ang bomba. Ang pulang wire ang pinutol ko at malalim akong napabuntong hininga nang makitang huminto na ang timer ng bomba.

Agad akong kumilos para makaalis sa kinaroroonan ko at tinakbo ang daan kung saan kaming tatlo magkikita. I don't care kung anong pinapalaro sa amin,Our main focus ang goal for today ay ang makatakas. Sapat na ang isang impyernong araw na naranasan namin ngayon.

UNKNOWN GAME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon