UG 41 : Final Game 1.5

25 10 0
                                    

//3RD PERSON'S POV//

Halos mabulabog ang mga aso at pusa sa tirahan ng kani-kaniyang amo nila na ngayo'y nagsisigawan sa pinapanood nilang live sa cellphone. Ang iba ay kinonekta ito sa telebisyon para mas malaki ang mapanuod.

Inakala ng ibang matatanda na may laban si Manny Pacquiao dahil sa nakakarindi ng sigawan na lagi nilang naririnig tuwing may laban ito.

UNKNOWN GAME 2.0

20M VIEWS LIVE

"INTENSE!!!"

" Grabe akala ng mama ko May laban si Pacquiao!"

"Yung lola ko din!"

" Omg!!! Akala ko makakatakas na sila!"

" Me too!! Kaso magaling sa hakan ung babaeng nakablurd!"

" Yung game maker yon! Babae pala.noh akala ko lalake!"

"Grabe pagkasama lalake agad?"

"Medyo? "

"Malapit na daw ang mga police sa isla! Naka byahe na sila dahil mabilis na nawala na ang bagyo!"

"That good news! Btw paano mo nalalaman ang ganoong balita? Police ka ba?"

"Uhm no, my dad is the chief officer, Nakikibalita lang ako"

"Sanaol"

"Hashtag mabubuhay silang tatlo!"

"It's starting!"

"Omo! Anong plano nilang gawin!?"

"Parang dehado silang tatlo! Paano nila makukuha ang kwintas kung May baril ang kalaban?!"

"Using only their strength will be the death of them, they need a proper plan to execute"

"May matalino nanaman, opo bobo na kami"

" Sana nga!"

***

YUMI

Mabagal naming pinaikutan si Alyanna na tila mas natutuwa sa aksyon namin.
" Wow.... Kinda look like an action movie" Hindi namin ito pinansin at nag-usap kaming tatlo gamit ang aming mga mata.

Hindi namin batid nguni't tila naiintindihan namin ang bawat isa. Siguro dahil sa sabay kaming tatlo nakipaglaban sa maraming payaso kanina. Ang teamwork namin ay naging koneksyon para mabasa namin ang kilos ng bawat isa saamin.

Umatake si Clifford na agad na ikinagulat ni Alyanna nguni't agad nyang nabunot ang baril nahawak at itinutok ito kay Clifford. Malakas na naglabas ito ng baril na tumama sa tabi ni Clifford. Habang abala si Clifford na guluhin ang isipan ni Alyanna ay agad kong kinuha ang arnis na hawak ko kanina para magamot mamaya.

Mabilis ding lumapit si Zach kay Alyanna at akmang kukunin ang kwintas nito nang mabilis itong sikuhin nito ang mukha ni Zach na dahilan para dumugo ang labi nito.

Tinutukan siya ni Alyanna ng baril at pinatamaan ang puso nito nguni't agad na nakaiwas si Zach kaya ang paa nya ang nabaril.

Malakas siyang napadaing at nahirapang lumakad papalayo. Akmang magpapaputok ulit ito ng bala ng mabilis na kumilos ang kamay ko at inihagis ang isang arnis na hawak ko.

Malakas itong tumama sa mukha nya na naging dahilan para mabitawan nya ang baril na hawak. Mabilis na lumapit si Clifford at dinaganan ito at kukunin ang kwintas nguni't agad na nakalaban si Alyanna at kinuha ang pocket knife nito at sinaksak ng maraming beses si Clifford sa tiyan nito.

UNKNOWN GAME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon