UG 26 : Trapped

69 41 0
                                    

3RD PERSON'S POV

Mabilis na kumalat ang pagkawala ng sabay-sabay na mga dating mag-aaral ng Alpha University.

Kabi-kabila ang mga balitang pinapalabas sa telebisyon tungkol sa pitong mga nawawala

Allen Toff Lopez
Mike Dany Aquino
Dion Zach Martinez
Anne Crisostomo
Danica Cruz
Arnold Vincenzo
Yumi Marbellia

Mabilis na nag-flash sa screen ang litrato ng pitong mag-aaral.Ang ibang mga nanood ay nagulat sa nalaman at pinalagdasal ang ligtas na pag-balik nila.

Ang bali-balita ay iisang dahilan lang ang rason kung bakit sila sabay-sabay na nawala. Ang misteryoso at napakadelikadong app na kumitil ng maraming buhay noong nakaraang buwan.

Ang bawat pamilya ng mga pitongg binata't dalaga ay malaki ang hinihinging tulong sa taong makakapagbigay impormasyon sa kinaroroonan ng walang awang kumidnap sa kanilang mahal na anak. Magbibigay ng malaking pabuya ang makakapagsabi ng kahit anong impormasyon.

Lumabas ang mukha ng isang may itsurang pulis na hinihingan ng pahayag ng mga taga media.

"Officer Reymond, ano pong masasabi nyo sa kalagayan ng mga nawawala"

Malalim itong napabuntong-hininga at tila nahihirapang magsalita tungkol sa bagay na iyon." As of now ay hindi ko pa masasagot ang tanong nyo. But we'll make sure na gagawin naming kapulisan ang makakaya namin upang malaman kung sino ang may pakana ng lahat ng ito"

Mabilis na natapos ang interview na walang kaalam-alam na ang taong hinahanap nila at kinatatakutan nila ay nasa harapan nila. Mapagkunwari at Mapanlinlang.

Sa kabilang dako ay ang mga nakuhang manlalaro ay ipinadala sa malayong isla kasama ang mga mag-aasikaso ng laro na tapat na naglilingkod kay Clifford.

Ibinagsak nila ang katawan ng mga manlalaro sa malambot na puting buhangin kung saan magkakalayo silang inilapag katulad ng iniutos ng kanilang amo.

Papalapit na ang paglubog ng araw kaya't mabilis nang nagsialisan ang mga trabahador upang bumalik sa kanilang pinanggalingan.

Bukas din ay agad ng magsisimula ang panibago at mas ka hindik-hindik na laro kung saan mapupuno ng dugo at sigawan ang tahimik at payapang isla na kanilang kinatatayuan.

***

Yumi

Napabangon ako sa aking mahimbing na pagkatulog ng matinong ang ingay na nanggagaling kung saan.

" Wake up my dear players! Day One is getting started ! "

Nilibot ko ang paningin sa tila paraisong islang kinaroroonan ko. Sa itaas ng coconut tree ay may mga cctv na nakakabit at speaker na naglalakihan kung saan nanggaling ang anunsyo kani-kanina lamang.

I'm trapped,we're trapped.

Galit at pagkamuhi ang naramdaman ko ng malamang si Clifford na ang inaakala kong isang mabuting kaibigan at police ay isa palang kriminal! Siya ang Game Maker!

Mabilis na nabalik ang atensyon ko sa islang ito ng makarinig ng malakas ng sigaw sa kalapit kong lugar.

I can recognized this voice! Si Danica!

UNKNOWN GAME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon