UG 32 : Game 3

70 33 0
                                    

//3RD PERSON'S POV//

Mas naging mabilis ang paghahanap ng mga pulis kung saan nga ba maaring naroroon ang mga nawawalang kabataan na unti-unti nang nababawasan dahil sa laro. Bawat tao sa bansa ay iisa lamang ang pinag-uusapan,kung makakauwe pa ba sila ng buhay.

"Tinutukoy padin namin kong saang parte ng bansa sila naroroon. Ngunit malaki ang posibilidad na nasa ibang bansa ang islang kinaroroonan nila. Well do our best para maiuwe ng ligtas ang mga biktima"saad ng pinuno ng mga pulis.

Ang ilang mga kabataang manonood ay hindi mapigilan ang interes sa mga susunod na laro.Habang ang ilan ay hinihiling ang mabilis na pagdating ng tulong sa kanila ng mga pulis.

1.5 Million views

''UNKNOWN GAME 2.0 LIVE''

" Magsisimula na ang ikatlong game!"

shessh kawawa sila!"

"Kaya ayaw ko ng pumasok sa Alpha University!"

''why?''

''madaming namatay last month doon! "

''hindi sila nakagraduate!"

'' bat walang sounds?''

'' Hope they lived!''

***


YUMI

Tulala kaming apat sa maliit na silid na pinagpasukan saamin. Gustuhin man naming makatakas sa kamay ni Clifford ay napapalibutan ng maraming nakatagong baril ang paligid sa kung saang sulok.

Tahimik kaming apat at tila wala na sa sarili. Trauma sa lahat ng mga nangyari.Wala na si Arnold at si Danica. In a short period of time ay ramdam kong mabuting tao si Arnold. He didn't deserved kung anong nangyari sa kanila ni Danica.

They are poisoned.Alam kong naka live kami at malaki ang chance na napapanuod ito ng pamilya nila, They must been hurt,like hell.

Malakas ang kalabog ng malaking pintuan na pinagpasukan namin. Sinubukang buksan ito ni Anne ngunit bigo syang umiling saamin. Wala talaga kaming choice kung hindi maglaro sa ayw at sa gusto namin. Pamilyar na setting ang lugar na pinasukan namin kung saan kami kinulong dati ni Clifford sa abandunadon lugar.

Nilibot ang tingin sa apat na sulok ng kwarto at tahimik na pinagmasdan. Im pretty sure na ang ikatlong laro ay gaganapin dito. Maraming armas ang mga nakasabit sa taas ng dingding na ang iba ay pamilyar at hindi pamilyar saakin. May pana,katana,sword,knife,
shield at marami pang iba.

Mukhang alam ko na ang susunod na ipapalaro saamin...A bloody game kung saan kami mismo ang magpapatayan ayon sa kagustuhan ni Clifford.

''THIRD GAME WILL START IN A MINUTE"

''BUT BEFORE THAT, MAY ISA KAYONG BAGONG KASAMAHAN"

Nagtaka kami sa narinig na salita na nanggaling sa speaker. May bagong dadagdag? Please tama na. Kawawa ang magiging next payer sa mga pangyayaring hindi nya inaasahan katulad namin.

''Guys...'' napalingon kami sa pamilyar na boses sa bandang likuran ng ng malaking lamesa. Bumangon ito sa pagkakahiga nya sa sahig, sa likod doon. Mukha syang kinulong ng matagal na panahon. Gulo ang ayos ng mukha at damit nito. Pumayat din ang balingkinitan nitong katawan.

''Ally! sigaw ko at mabilis itong nilapitan. She's alive all this time!? Thank god!. Chineck ko ang kalagayan nito. May pasa ang mukha nito at namamaga ang bandang tuhod nito na tila pinalo ng ilang beses. Ginawa to ni Clifford sa kanya!?

''B-bes... I'm sorry kung pinag-alala k-kayo" humihikbing saad nito.

''N-no..p-papaano nangyaring buhay ka?... binisita kita sa puntod mo.." nagtataka kong tanong.

''p-puntod ko? Kinidnap ako ng mga tauhan ni Clifford ng malaman nyang nasa Ospital ako d-dinala ng taong tumulak saakin..."

Pagod ko syang pinagmasdan.This problem... hindi natatapos at hindi nareresolba.Hindi pa nga namin nalalaman kung sino ba ang tumulak kay Ally sa second floor. Sa ipinaparating ni Ally ay parang hindi si Clifford o ang mga tauhan nya ang tumulak rito.

''sinong tumulak sayo Ally? Nakita mo ba?''  desidido kong tanong.

'' S-si A-anne'' ano?

"What?!" sigaw naming tatlo.Paano nangyari yon?

'' What the hell are you saying!?'' galit na anas ni Zach ng marinig ang sinabi nito.

''Its true! I'm s-saying the truth ! At nagtataka din ako kung bakit nya nagawa saakin yun!'' naluluhang saad ni Ally.

Naguguluhan kong pinagmasdan si Anne na tila nagulat sa narinig kay Ally. Sino ang talaga ang nagsasabi ng totoo.

''totoo ba yun Anne?'' kinakabahan kong tanong ngunit hindi ito nagsalita. Natatakot.

''Are you seriously asking her that Yumi!? You know Anne hindi nya magagawa yun! "galit na sigaw saakin ni Zach.

For the first time , nasigawan nya ako. Hindi ko maintindihan pero parang may parte saakin na nawasak sa mga salitang binitiwan nya.

''Hindi ko sya sinisisi Zach! Bakit ba!? satinggin mo ba ako yung tipo ng tao na magjujudge agad sa isang tao dahil lang sa isang salita ng kaibigan ko!?

''Oo!" hasik nya.

"Wow! hindi pa talaga kita kilala!"

" guys stop it! Walang magagawa ang pag aaway nyo!" pigil ni Toff.

''I'm not a bias person.. nagtatanong lang ako" nasasaktan kong saad sa mahinang boses.'

'Pero sa pinapalabas mo parang may pinoprotektahan ka. Kung aaming inosente si Anne ay hindi ko sya kokontrahin doon. Kaibigan ko kayo lahat pero, kaibigan ba talaga ang tingin nyo saakin?''

I'm seriously hurt right now. Yun ang makikita sa expression ng mukha ko. Parang wala na akong mapagkakatiwalaan sa kanila ngayon.

'' What happened sa trust na matagal nating nabuild?''alalang saad ni Toff.

''Hindi ko alam , muli na namang nawasak'' pagod konng saad dito.

Naluluhang pinunasan ni Anne ang walang tigil na pagagos ng luha nya.Habang si Ally ay pilit akong pinakakalma.

'' Baka nga. It's better this way. Alalahanin nyo nalang ang sarili niyo at huwag na huwag nyong isisisi ang lahat kay Anne. Tama na '' mapait na saad ni Zach.

"Baka nga, Nandito tayo para mailigtas ang sari-sarili nating buhay. Let's end this friendship right now." Saad ko.

"Guys ano ba'ng nangyayari?!" galit na sigaw ni Toff. Napansin ko ang pag-iyak ni Anne na tila gustong magsalita nguni't walang lakas na sabihin kung ano ang gusto nyang sabihin

" Your right, Let's win this game fare and square. Matira matibay" seryosong saad ni Zach.

Nagtagumpay si Clifford na pag-away-awayin kami. Nagtagumpay siya na sirain ang ang trust na nakapaligid salaming magkakaibigan.




" LET'S CUT THE DRAMA HERE!"

" LET THE THIRD GAME BEGIN!"

" POLICE GAME!"

" Lahat ng players ay kukuha ng tag-iisang papel na nakarolyo sa loob ng maliit na golden box na nasa harapan ninyo. Ang makita at mabasa nyo roon ang magsisilbing papel nyo sa larong ito. Ang nag-iisang rule ay bawal nyong sabihin o ipakita kung sino kayo"

" Easy right?"














UNKNOWN GAME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon