YUMI
"And that's how I ended up making this anonymous game! Magnificent right?" tila proud nyang saad.
"It's actually bullshit" Zach coldly commented.
Malalim na buntong hininga ang inilabas ko sa kwentong inilahad nya saamin.
"I can't blame you sa mga nagawa mo dahil sa masamang experiences mo kay Ally, other students at sa University natin. But this game? Sobra na!" galit kong saad.Taimtim nyang ininom ang basong hawak nya at seryosong pinagmasdan ako. I tried to read her mind but I really can't. Magaling syang magtago ng emosyon.
" Kung sainyo ay madaling kalimutan ang mga bagay na iyon saakin ay hindi. You didn't experienced it, bullying by my twin sister are kind of unpleasant and awful." walang kangiti-ngiti nitong saad.
" Ally's dead now, so stop this game dahil maraming inosenteng tao kanang nadadamay" Zach said habang nakaluhod ang dalawang kamay na agad ko ding hinawakan para pakalmahin ito.
"Kinda true...but I'm still having fun!" Nagulat kami nang bigla nyang ihagis ang basong hawak saamin na agad na nasalo ni Zach na dahilan para mabasag ito sa kamay nya.
Impit akong napaaray sa maliit na bubog na tumalsik sa ibang parte ng mukha ko.
Gulat kong kinuha ang kamay ni Zach na ngayong duguan at puno ng basag na bubog galing sa basong nabasag."What the?!!" inis na saad ni Zach at tahimik na ininda ang sugat na natamo.
"you guys only have 40 minutes bago ang ikatulong laro. You can visit your police friend and heal those wounds" ngiti nyang turo saamin.
Mabilis kong inalalayan si Zach at nilakad ang kinaroroonan ni Clifford kung saan ito dinala ng mga trabahador ni Alyanna.
"Don't mind me, kamay lang to" ani ni Zach.
" May bubog! Gagamutin natin yan bago magsimula ang game" saad ko.Mabilis kaming nakarating sa isang silid kung saan itinuro ng trabahador ni Alyanna.
Binuksan ko ang asul na pinto at nagulat sa nakita sa loob. Malalaking monitor at maraming computer ang nakasabit sa gilid ng isang sulok ng pader. Nagawang pinagmasdan ko ang kaibigang inakala kong isang masamang tao.
"Clifford! Thank god your okay!" I said at mabilis itong nilapitan.Mapait itong napatingin saamin ni Zach at halata ang pagkagulat sa mukha nito ng masilayang puro dugo ang katawan namin.
Mabilis na kinalagan ni Zach si Clifford na mahigpit ang pagkakatali ng makapal na tali sa katawan nito. " You okay?" Zach asked.
" Obviously no, haha " pagod na tawang saad nito. " This game? Is sick, nagawa pa akong baliktarin bilang isang mamamatay tao" he added.
"I'm sorry.." I said.
" No.. walang May kasalanan. Kasalanan lahat ni Alyanna, I know she have mental issues. Kailangan nya nang magamot dahil ang pag-iisip nya? It's not freaking normal" he seriously said at saglit na nag-unat ng katawan.
"I guessed I'll be part of this final game?" He calmly said.
"That's not funny"
"We don't have any choice. We'll play this last game together. Lahat tayo ay mabubuhay" pagsisigurado nyang saad saamin.
" I hope so"
"Now let's clean your wounds before the final game" harap ko kay Zach at inuutusang maupo ito sa upuan na malapit.
" You don't have to" hindi ko na pinansin ang sinabi nya at naghanap ng first aid kit sa kwarto. Sana meron nga akong mahanap, cause it's kinda impossible.
Malaking ngiti ang ibinigay ko kila Zach ng may mahanap sa likod ng monitor. Agad kong ginamot ang sugat nya at pagkatapos ay ang mga sugat ko naman.
Nagpalit kami ng damit ng may makitang ilang damit sa isang tabi na mukhang pinasadya saamin. Pinili nila ang tila pang warrior na damit kung saan madalas kong nakikita sa mga fantasy movies habang pinili ko ang nag-iisang pambabaeng damit na kasya saakin.
Pinagmasdan ko ang sarili sa monitor ng nakapalit ng damit. I haven't showered after ng mga larong naipanalo namin. I'm wearing a warrior semi pants and dress kung saan mukha din akong lalabas sa isang fantasy-action movie film.
"Not bad. Kung mamamatay man tayo atleast maganda ang porma natin" Clifford joked na agad naming sinamaan ng tingin.
''PLAYER'S ZACH, YUMI AND THE NEW ADDITION CLIFFORD, 5 MINUTES BEFORE THE FINAL GAME"
" We'll win this game" I said at mahigpit kaming nagyakapan na tatlo.
"Mabubuhay tayo!"
"Mabubuhay tayo!"
"yeah"
***
UNKNOWN GAME 2.0
10M VIEWS LIVE
" Omg the final game is starting na!"
" Sana mabuhay sila!"
" I heard na nahanap na ata ng mga police ang location nila"
"Weh?! Saan!?"
"You'll be shocked "
" Pa showbiz, saan beh?"
" Hula ko talaga sa ibang bansa eh"
"Oo, lahat ata ng island sa Philippines maraming Marites"
"Truee di ka makakaligtas"
" Saan po"
"Paload po 50 lang "
" In the Philippines, sa bandang Bicol region daw. Private island"
"Hala?! Sa Bikol ako"
" Not sure pa eh, i-che-check pa ng mga otoridad"
" Sana umabot sila bago matapos ang game!"
"Too late, it's already starting"
" Welcome my Dear Players!
Final game will start in 1 minute "" Before the game begins, I wanted to announce something important "
"Only one player will win and get out of this game alive"
" 3 Vs 3 "
"Hala"
"Why naman game maker ha?!"
"Naiiyak ako!"
"No!"
![](https://img.wattpad.com/cover/372332922-288-k768153.jpg)
BINABASA MO ANG
UNKNOWN GAME (COMPLETED)
Mystery / ThrillerThey thought it's just all normal A Normal Game A Dating app A Boring app Little did they know this will change their whole live's A Group Dating Game? Or maybe not since It's an UNKNOWN GAME Are you ready to play?