Chapter 1

40 2 0
                                    

ELIJAH

Second year college here we go!

Natutuwa akong pumasok sa gate nang bigla akong harangin ng batuta ng guard. Nagtataka naman akong lumingon sa kaniya. "Bakit po?" magalang na tanong ko sa kaniya.

"ID mo, ijo?" tanong nito na kinataka ko. Kinapa ko ang dibdib ko at nagulat dahil walang lace dito.

"ID mo, nalaglag." Saad ng boses lalake sa likod ko na kinatingin ko dito. Agad ko namang kinuha sa kaniya ang ID ko at ipinakita sa guard.

Bumaling ako ng tingin sa lalakeng may dala-dala at nakapulot ng ID ko pero wala na ito. Gagi? Dipa ako nakakapag pasalamat nakakahiya naman.

Madali akong pumasok at hinanap ang lalake pero mukang mahihirapan ako dahil hindi konaman siya nakilala, ni hindi konga nakita ang muka niya ng maayos dahil sa taranta ko.

Mukang sa ere konalang ibubulong ang pasasalamat ko kay kuya. Mabuti pa at dumaretso na ako sa first class ko, ayaw ko namamg malate sa unang araw.

"Elijah Max Tan, nineteen years old" maikli at magalang kong pagpapakilala sa mga kaklase ko at prof namin. Transfer ako kaya mas doble ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Madami pa ang mga sumunod na nagpakilala sa akin bago tumayo ang lalake sa likod. Siya ang huli na magpapakilala. Lahat ng mga babae ay agad na nagbulong-bulungan pati narin ang mga gays.

Hindi naman maipagkakaila ang itsura niya. Moreno, matangkad, at pogi. Ito bayung tall, dark, and handsome? Natawa ako sa naging ideya ko.

He cleared his throat bago nagsalita. "Uh...Adrian Matt Ferrer" baretono at malalim ang boses nito. Hindi ko agad napansin na nakatulala pala ako sa kaniya kung hindi pa ito kumindat. Wala sa sariling naparolyo ako ng mata at binalik sa harapan ang tingin.

"Malamang...babaero to." Mahinang bigkas ko. Sa muka palang naman, hindi naman sa pinapangunahan ko pero parang ganuon narin. Nag-simula na agad ipakilala ng prof namin ang mga projects at mga aasahan namin sa subject niya.

Kaya unang subject palang sa unang araw, para na akong nakipag marathon dahil sa pagod. It was draining, dahil sa mga diniscuss niya regarding sa projects.

Matamlay akong naglalakad patungo sa cafeteria ng school. Kung sana may kaclose ako kahit isa ngayon para naman hindi masyadong nakakaboring ang school year ko dito.

Napabuntong hininga naman ako nang makita ang dami ng studyante sa cafeteria. Wala naman akong choice but to be there dahil gutom na ako.

Mabuti nalang at mabilis ang usad ng pila dahil kung hindi? Mas gugustuhin kong mamatay sa gutom.

It was my turn to order ng may biglang sumikit sa unahan ko. Natabunan ako dahil sa katangkaran nito at maskuladong pangangatawan.

Nauntog pa ako sa likuran nito dahil sa biglaang pagsingit niya sa pila. Wala akong narinig na angal man lang kaya umangat ang tingin ko. Nakatalikod ito sa akin kaya sinilip ko ang nasa counter.

Malawak ang ngiti nito na parang hindi niya napansing inhuman act ang ginawa nang lalakeng nasa harapan ko even sa mga nakapila sa likod ko ay parang walang napansin.

"Ah teka lang ah?" pagsasalita ko at kinalabit ko ang lalakeng humarang sa akin. Umalis ako sa pila at tinabihan ang lalake na ngayon ay nakatingin na sa akin pati ang ibang mga nasa pila tyaka ang nasa counter. "Ako iyong nauna, tapos sumikit kalang. Kaya ako dapat ang oorder." Saad ko sa nagtataka at kalmadong boses.

Medyo nakatingala pa ako na kinausap ang lalake hanggang sa napagtanto kong siya pala iyong lalake kanina sa classroom. Yung kumindat sa akin. Ano nga name nito? Parang it sounds lang durian e.

"Its my turn, so go back to your line" saad nito sa malalim at seryosong tono. Kumunot naman ang nuo ko dahil sa sinagot nito sa akin. "Aba! Ate nakita mo naman po diba na ako yung nauna?" tanong ko dito ngunit hindi ito umimik at parang hindi pa ako narinig.

Tiningnan ko muli ang lalake na ngayon ay naka ngisi sa akin kaya inirapan ko ito at bumalik na sa likod niya.

Umabot pa ata siya ng ilang minuto bago nakapag decide sa kaniyang order at bago siya umalis ay nilingon niya ako na may pilyong ngiti. Sa inis ko ay dumila ako bilang pang-asar pero tinawanan lang ako nito na mas kinainis ko. Putakte siya, gagantihan kita.

Marahan akong naglalakad papuntang gate exit dahil tapos na ang aking last subject for today. Tatlo lang naman ang subject ko at ang lalayo ng agwat kaya wala akong nagawa kanina kundi ang magtambay sa library.

Saktong tapak ko sa labas ng gate ay bigla bumusina ang isang sasakyan na nasalikuran ko. Inis akong lumingon dito pero agad nawala ito nang makita kung sino ang nasa sasakyan. It was Mr. Dy, ang Dean ng University.

Agad akong ngumiti at nag bow pa bilang pag-galang sa kaniya. Nilingin ko naman ang guard sa likod ko at ngumiti rin dito. "Good afternoon po" magalang na saad ko na ngiti ang kaniyang iginanti sa akin.

Buti nalang talaga at wala akong isinigaw kanina nuong nagulat at inis akong lumingon sa sasakyan sa likod ko dahil baka makita ko ang sarili ko na nangangalakal ngayon.

Isa ako sa mga scholar ng University, nakikinabang ako sa donations ng Dy Clan. Kaya kung maaari, sinasala ko dapat ang ugali ko kapag kaharap sila.

Maaga panaman kaya agad akong naglakad patungo sa coffee shop na madalas kong puntahan malapit dito.

Pagkapasok ko palang ay agad na yumakap sa akin ang lamig na galing sa aircon at napuno ang ilong ko sa amoy ng kape. Napangiti ako dahil sa comfort na ibinigay nito sa akin.

Agad kong inorder ang usual taste ko na Ice Coffe Latte at lumabas na. Malawak ang ngiti kong tinitigan ang may kalakihang building sa kabilang street.

Agad akong nagtungo dito, mabuti nalang at pupwedeng ipasoi ang drinks dito kaibigan ko nadin ang guards dito dahil halos araw-araw ako dito nabisita.

"Meron po bang bagong portrait or painting? yung gawa nuong unknown painter?" tanong ko kay Kuya Jeffry na madalas kong makita na mag bantay dito.

"Meron, kakadala lang kani-kanin" saad nito na nakangiti. Lumawak naman ang ngiti ko at nagpaalam agad sa kaniya para matingnan ang bagong gawa nitong painting.

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon