Chapter 24

4 0 0
                                        

ELIJAH

"Doc?" tawag ng atensyon ko ng isang intern ngayon dito sa pinagtatrabahuan kong private hospital.

"Hmm?" patanong kong saad at abala parin sa binabasa ko ngayong mga cases ng behavioral disorder.

"Ahh si Doc Alvin po kasi nir-request po na pumunta kayo sa conference hall after lunch for another discussion. Hindi niya daw po nasabi sa inyo iyong latest niyong hahawakan na case" magalang na sabi niya kaya umangat ang tingin ko dito at ngumiti.

"Thank you, Morris" sambit ko at tumango na to dismissed him. He just smile shyly bago nagpaalam sa akin.

Last year kona for my Master's Degree and Thesis Disertation. I am now seeing the light to be a professional Pscychiatrist.

May dare-daretsong pumasok sa office ko at pabagsak na humiga sa sofa ko sa gilid. Umirap naman ako nang marinig ang iritado nitong buntong hininga.

"What is it, yapper?" saad ko na kinalingon niya sa akin. Andito naman palagi yan sa opisina ko just to rant and yap random stuffs lalo na kapag meron siyang pasyente na ang kasama ay mas marunong pa sa kaniya.

"Ito kasing isa kong pasyente na bata may kasamang ina, aba at duon pa nag aamok sa opisina ko ang ina niya na gamutin koda agad ang anak niya!" asik nito sa inis na tono.

"Jasper, I don't know how you became a Degree Holder sa psychology course. Sobrang mainit ng ulo" saad ko dito at umiiling-iling pa.

Its true tho, kung dati naman ay hindi siya ganito ka iritable sa lahat at palaging well composed ngayon ay dakila na itong maingay.

"Says who slapped someone's father dahil nalamang abusive ito" natawa ako dahil sa natandaan kong eksena sa buhay ko.

It was my first case kaya halo ang kaba at excitement ko nuon, upon hearing their concern naginit ang dugo ko dahil itong bata ay nasa state na ng suicidal thoughts. Kasama niya ang kaniyang ina na umiiyak na.

Ngayon ka, may kumatok at pinapasok ko naman ito at nalaman kong ito ang ama at asawa ng mag-ina na ngayon ay nasa harapan ko.

Sa gitna ng aming session ay isasama ko sana ang bata sa lab room ko for private talk, pero itong ama ay sinabihan ng di kaaya-aya ang bata.

"Doc may gamot badiyan sa baklang yan? Yung mabisa sana" kina ko ang takot at pagkahiya ng bata sa galaw palang nito at sa emosyon sa mata at muka.

Walang sabi-sabi ko itonh nilapitan at sinampal.

That incident made my name known, duon ako nakilala for having a well-sticked principles and dignity.

Kilala din ako as one of the best Psycologist kasama si Jasper kaya naman hindi kami nahirapan makahanap ng mapapasukan.

Yun ngalang muntik nadin ako matanggal dahil sa naging aksyon ko.

I know I need to be more understanding and well patient pero hindi talaga kinaya ng pasensya ko ang ganuong eksena sa mismong harap kopa.

Nabalik ako sa reyalidad ng may pinatong na maliit na styrofoam sa harapan ko si Jasper.

"Its almost lunch, I heared meron kang meeting with Doc Alvin. Brace yourself with his hyfalutin words" natatawang biro at paalala nito sa akin na inirapan ko nalang pero natawa din kalaunan.

Doc Alvin is a great Psychiatrist pero madalas itong gumamit ng mga malalalim na salita na satingin ko ay unneccissary dahil hindi mo naman kailangan ng rarest words sa mundo para masabing isa kang magaling at propesyunal na tao.

I believe that one of the most kindest act you can ever give to someone na may concern at humihingi ng tulong sa'yo is to explain things in the basic and very simple way as much as it needed.

Iyon lang, dahil hindi lahat ng nagiging kausap at pasyente namin ay maykakayahan to understand every hyfalutin words around the world.

Especially in my case na I am a volunteer sa mga urban places around the Philippines. I am advocate of mental health awareness since college.

I am pushing this matter dahil naniniwala ako na when it comes to mental issues and health, we must do something to take that concern and response to it effectively.

I want the world to be open and mindful sa mga ganitong kaso sa tao, dahil mental is the source of all thoughts and physical actions. What you're inside reflects on the outside.

"Tama kana Elijah" saad ng lalake na ngayon ay inaayos na ang sarili dahil patapos na ang lunch break namin. "Tama kana rin Jasper, bumalik kana sa pasyente mo...." sambit ko "Oh! On a second thought, ikaw ata ang pasyente?" saad ko na kinaismid lang sa akin nito at lumapit bago itinukod ang dalawang kamay sa table ko kaharap ko.

"Yes, treat me with love Doc Tan" saad nito na may panglalandi. Natawa nalang ako sa inasal niya at umalis na ito habang kumakaway.

Sanay na ako sa ganiyang banat niya o minsang pasaring, nuong nag fourth year kami when we were in college he confessed to me.

We still manage to bring back the friendship we built, mabuti nga at malawak din ang pangunawa ni Jasper dahil handa siyang maging kaibigan ko.

Nalaman din niya that I had a thing with his friend Adrian, kaya nagalit ito kay Adrian dahil nawala at iniwan ako biglaan.

It was December, five days before Christmas we managed to greet each other through skype dahil nasa US na siya that time.

Mabuti pa ang painting, nakakaya kong bigyan ng meaning at interpretation ang mga ito. Pero yung nararamdaman ko nuon, hindi.

Nuong gumising ako sa umaga wala akong natanggap na messages, hanggang sa umabot na ng days and it turns into weeks to months, and then years.

Nuong una hirap na hirap ako, hindi talaga naging madali sa akin. Hindi ko alam paano umahon, hindi ko alam paano ako ulit ngingiti.

Ilang beses akong pabalik-balik sa condo niya, na kahit sa lobby nalang ako nakakatulog nuon dahil bawal tumambay sa tapat ng unit.

Nuong ilang ulit kong binisita ang mga pinuntahan namin nagbabakasakaling anduon siya.

Hanggang sa nasanay nalang din ako, that everyday is just a constant battle na ang kailangan kolang ay mag-survive. I manage ro survive, pero hindi ibig sabihin nuon magaling na ako. Hindi ibig sabihin nuon, okay na ako. 

I guess there are wounds that will lingers forever, that's why we call it scar.

It feels like the wounds inside of me still alive, its unfinished. Para bang ayaw sumara ng sugat ko.

Sa mga panahon nayun I am at my lowest dahil sa biglaan niyang pagkawala. Hindi ako pwedeng magpahinga, hindi ako pwedeng tumigil sa pagaaral dahil alam kong nahihirapan sila mama.

Kaya kahit ansakit, lunod na lunod ako kailangan kong tiisin. Kasi ako lang yung back-up. Ako yung inaasahan ng pamilya ko sa probinsya.

But then again, I am grateful dahil Jasper was there for me.

Si Samantha lumipat abroad, we still friends and may communication padin pero hindi niya sa akin binabanggit ang kuya niya. Si Adrian.

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon