ELIJAH
Ibang klase din talaga ang taong tao.
Kung kahapon ay maayos at desente itong kausap, ngayong nasa paligid ulit niya ang kaniyang tatlong tropa balik nanaman siya sa usual behavior niya.
What I mean in usual behavior ay iyong pilyo at maloko kung kausapin at tratuhin ako whenever ha has a chance.
Kagaya ngayon, sinusundo nanaman niya ang bugnot na natutulog sa pagkatao ko.
"Si sungit naman" sambit nito at nagtaas baba pa ang kilay nito. Tumalikod ako para hindi siya kaharap kaya tinawanan ito ng mga tropa niya.
Nilingon ko naman si Jasper na kinalabit ako sa kaliwang balikat ko. "Ano? pati banaman ikaw?" saad ko dito sa kalmadong tono. Hindi naman siya damay sa inis ko dito sa lokong durian na ito.
"Pinapatanong ni Adrian kung ano daw paborito mong kulay?" inis ko namang nilingon si Adrian na ngayon ay malawak ang ngiti ang ibinigay sa akin.
"Why do you care?" saad ko sa inis na tono. Bigla naman nawala ang ngiti nito na tila nasaktan sa sinabi ko. Naguilty ako, shuta naman!
"Kapag kay Jasper hindi masungit, sa akin ansungit. Crush mo ba ako?" at sumilay muli ang ngisi nito na kinainit ng dugo ko.
"Anlungkot ng buhay mo at gumawa kapa talaga ng illusion mo" saad ko sa naaawang tono kaya natawa sila Jasper at tila nawalan ng kulay at emosyon ang muka ni Adrian na kanina lang ay inaasar ako.
Saglit ko itong tiningnan bago ko ito inirapan at tumayo na. Istorbo naman!
Kapag talaga ako bumagsak mamaya sa quiz buong buhay kong isisisi sa kaniya iyon.Nagmamadali akong naglakad papunta sa library. Isang oras nalang at simula na ng last subject ko ngayong araw. Hindi naman siya ganuon kahirap, pero dahil madami siyang kailangan alalahanin ay talagang isa siya sa mahirap na subject ngayon for me.
Nang makapasok ako sa library ay tahimik akong pumwesto sa bandang likod para mas makapag focus ako bukod sa mas tahimik at tago dito, kaunting liwanag lang ang meron dito na nagmimistulanh sadya na dim lights.
Medyo sensitibo kasi sa maliwanag ang mata ko kaya naka photochromic lense ang salamin na suot ko palagi. Essential to lalo na at tirik na tirik ang araw sa labas.
"And for the last number, what is the meaning of El Mar Pacifico in Tagalog?" agad kong isinulat ang sagot ko sa papel na nasa harapan ko. Ito ang isa sa mga tinandaan ko.
It was named by Ferdinand Magellan who explored the ocean. El Mar Pacifico o mas kilala bilang Pacific Ocean which means "The Peaceful Sea" na napapalibutan ng bente tres na mga bansa.
Nag-unat ako nang opisyal na matapos ang klase bago ayusin ang gamit ko sa aking desk.
"Before I leave, meron kayong project na gagawin sa para sa subject ko. As a part of Philippines History, I want you to research about a certain culture ng isang syudad o probinsya ng bansa" paliwanag nito sa dare-daretsong pagsasalita.
"Ip-present niyo ito sa harap ng klase kaya maari kayong magisip sa kung paano niyo ito maipepresenta. Kung sa paraan ng pagkanta, painting, role play, o sa sayaw ay walang problema ito narin ang magiging ILS niyo sa subject ko."
Napabuntong hininga naman ako dahil sa narinig, project nanaman. Pangatlong Prof na ito na nag bigay ng project ngayong sem.
"Sa next meeting ko maibibigay kung sino ang kapareha niyo sa pag-gawa ng project." Linya ni Mrs. Castro bago ito tuluyang lumabas sa classroom.
Bagsak ang balikat kong lumabas ng school at nagtungo sa tinutuluyan kong dorm.
Hindi naman ito kalayuan sa kung saan ako nag-aaral walking distance lang kaya hindi ako nahihirapan. Tyaka less hassle.
Pumasok ako sa isang kanto at tanaw kona dito ang two story house. Disente naman ang tinutuluyan kong dorm, wala nga akong kasama sa kwarto dahil marami din ang apartment na nakapaligid dito.
Mas convenient nga naman ang apartment kesa sa dorm kung meron kang pera, kwarta, money, danyos, at salapi. Kung kagaya ko na hindi pinalad sa nabanggit at kapos palad, talagang kailangan humanap ng ibang paraan.
Naalala ko tuloy bigla sila mama sa Mindoro. Sinusuportahan nila ako sa pinansyal at ginagawa nila ang lahat para tulugan ako sa pag-aaral ko. Mabuti na nga lang at medyo malakas ang kapit ng utak ko dahil nagamit ko ito para makapasok sa iilang sinuwerteng mapili mabigyan ng scholarship grant at makapag-aral dito sa Unibersidad sa Manila.
Pumasok ako sa hindi kataasan na gate pero bakal ito. Kulay green. "Oh, ang aga mo ata ngayon Eli?" pagbati sa akin ni Ginang Lenny. "Ah opo, maaga po kasi natapos ang klase ngayon pero sobrang nakakapagod dahil sa homeworks at paproject" saad ko na parang batang nagsusumbong sa ina.
Kung tutuusin sumosobra ang swerte ko sa buhay dahil kahit kapos man aa pinansyal ay talagang swerte ako sa mga taong nakakasalamuha ko at mga pumapasok at nakikilala ko sa buhay ko.
"Ganiyan talaga, yung alaga konga din patuloy ang reklamo sa akin sa tuwing tumatawag siya" sambit nito nang naka ngiti at tinapik pa ang aking balikat.
Nagpaalam naman na ito na bibili siya sa labas para sa hapunan mamaya. Inalok ko itong sasamahan pero kasama naman pala niya ang kaniyang asawa.
Speaking of alaga ni Ginang Leni, sa pagkakatanda ko ay inalagaan niya iyon simula elementarya ito hanggang sa mag tapos ng high school. Umalis nga lang sila Ginang duon sa mansion dahil sa hindi kona alam ang rason. Dinaman ako masyadong chismoso para tanungin pa iyon.
Naiiling akong umakyat sa kwarto ko sa second floor para makapag bihis na at makapag handa na sa hapunan. Madami-dami akong isipin ngayon dahil sa sandamak-mak na homeworks na iniwan sa amin.
Mabilis naman natapos ang mga araw at ngayon ay ilamg araw nalang at november na, madadalaw ko si Tita Myrna.
May malapit kasing cemetery dito kung saan inilibing ang Tita ko. Matagal nadin naman itong nawala sa piling namin. Isa siya sa talagang tumutulong sa akin sa pag-aaral ko nuong elementary ako.
Sa umaga pinapapunta niya ako sa kanila para kunin ang ulam at mabigyan ako ng pera pambaon ko. Hindi man araw-araw iyon pero sobra ang pasasalamat ko dahil hindi ako nahirapan ng sobra dahil sa tulong niya.
Iyon nga lang ay maaga din siyang kinuha dahil sa sakit niyang tumor.
Humiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Hindi ako nakadalaw ngayon sa Art Gallery, sana bukas dalawa ang bagong lagay na painting duon galing sa unknown painter.
BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasyAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...