Chapter 14

8 0 0
                                    

ELIJAH

Hindi ako nakatulog kagabi ng ayos, kaya ito nag-mamadaling magbihis.

Kakalabas kolang sa gate at dali-daling tumakbo papunta sa University. Good thing malapit ang dorm ko dahil kung hindi? Malamang hindi na ako makakaabot pa sa bus.

Apat na araw na simula nuong sinimulan kong iwasan si Adrian. At sa apat na araw nayun, it was easy for me to avoid him, but it is my feelings that makes it hard for me.

Parati kosiyang naiisip sa mga maliliit na bagay, na kahit yung pangaasar niya sa akin ay nami-

Erase! Erase! Hindi ko siya namimiss.

"Mr. Tan! Finally you're here!" Saad ni Mr. Kynalicoat dahil siya ang incharge sa arranging ng students sa respective bus and seats. "Goodmorning, Sir. I'm sorry nalate po ako" paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

"Seat No. 9, sa blue na bus." Saad niya at agad akong nagpasalamat. Agad akong nagtungo sa blue na bus at matapos ilagay ang gamit sa compartment ng bus ay hinanap kona ang seat ko.

Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kinatatayuan ko. Hindi ako makahakbang ng panibagong step dahil sa nakita ko.

It was Adrian who's sitting on seat No. 10.

"Guys, since kompleto na ang laha-" hindi ni Sir natapos ang sasabihin dahil nakita ako nito na nakatayo sa gitna.

"Mr. Tan? nakaapak kaba ng glue at dimo na maihakbang ang paa mo?" saad ni Sir na agad kinatawa ng mga studyante sa loob kaya lumingon ako kay Sir at ngumiti.

Kilala si Sir Kynalicoat sa pagiging kwela nito kahit pa sa klase niya kaya naman marami din ang studyanteng gusto ito na maging guro nila.

Bahagya kong pinatong ang kanang kamay ko sa kaliwang balikat ko at hinimas ito ng dalawang beses as if someone is comforting me bago bumuntong hininga.

Kaya mo'to. Just don't look and never speak.

Naglakad ako patungo sa upuan ko ay teka bakit iba dating sa akin ng salitang "upuan ko". Natampal ko ang nuo ko dahil sa utak ko.

Nakita ko si Adrian na nakatingin sa akin. Pinagmamasdan ang bawat galaw ko hanggang sa makaupo ako sa tabi niya.

"Mali ka ng inuupuan" saad nito kaya napalingon ako sa kaniya. "H-ha?" takang tanong ko at napalingon sa hawak kong card pati sa gilid ng upuan ko.

Magsasalita sana ako pero nauna na siya. "You should seat here" he said and tap his thigh while smirking at me. Hindi ko alam ang sasabihin ko at alam kong namumula na ang muka ko.

Hindi sa kilig kundi sa galit, talagang kaya niyang lumandi kahit saan at kahit kanino? He already has a girlfriend, tapos ganito siya? What a jerk!

"Psst" pagtawag sa atensyon ko na hindi ko kilala na nasa unahan na seat kaya napalingon ako dito. Its Jasper kaya naman napalitan ng ngiti ang kaninang nakabusangot kong muka.

"Gusto mo?" alok sa akin ni Jasper ng water and muffin. "Thank you" I said while smiling saying you saved my stomach.

"Attention! Attention!" Pagsasalita ni Sir sa unahan na kinatingin namin agad sa kaniya.

"Sa camp natin, dalawang tao ang kayang ma-occupied ng isang cabin kaya kung sino ang katabi niyo ngayon sila ang makakasama niyo sa cabin at sila din ang magiging partner buddy niyo for the next four days" paliwanag ni Sir na kinanlumo ko.

Nilingon ko ang katabi ko na tila tuwang-tuwa sa nangyayari dahil sa ngising aso nito habang nakatingin sa unahan.

Napabuntong hininga ako at tila nawalan ng gana sa tour na'to.

"Almost eight hours ang byahe bago tayo makarating sa camp kaya kung may iihi, umihi na muna dahil ang next stop natin ay malayo-layo pa" agad akong tumayo at bumaba sa bus.

Pagkapunta ko sa cr ay agad akong napatingin sa salamin. Halata ang puyat ko dahil sa eyebags ko mabuti nalang at nakasalamin ako kaya hindi masyadong halata ng iba.

Pagbalik ko sa bus ay wala si Adrian kaya nakahinga naman ako ng maluwag. Agad akong umupo at sumilip sa bus na sana hindi kona ginawa.

Bakit ba mahilig umihi ang mga driver sa gilid ng bus? Meron naman pating malapit na cr dito niya pa napiling umihi.

Agad kong inilagay ang neck pillow sa aking leeg at kinuha ang earphones. Agad kong hinanap sa playlist ko ang gusto kong pakinggan ngayon Five Four Seconds By Rihanna and others hehe. Good thing nasa tabi akong bintana kaya ito main character atake ko dito.

I was humming a song happily kaya diko naramdaman na nasa andito na pala si Adrian hanggang sa umandar na ang sasakyan at nagsimula na ang byahe namin papunta sa camp.

Naging masaya ang byahe dahil halos buong byahe ay tulog ako. Nakabawi din ng tulog!

Napabukas ako nang mata dahil sa marahang tinatapik ang balikat ko at ang malimbing na tawag sa pangalan ko.

Napatingin ako sa bintana and it was night already, napahikab ako na mabilis kodin naitikom ang bibig ko dahil sa narinig ko.

"Punit naman e" saad ni Adrian at natatawang umiling kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Pake mo? baho lang ng hininga mo e" saad ko dito na kinatigil niya sa pagngisi.

Nanlaki naman ang mata ko dahil nilapit niya ang muka niya sa akin na halos maduling na ako. His smirk became wider dahil sa namumula kong pisnge ngayon.

He look at me with intense stare hanggang sa bumaba ang tingin nito sa labi ko, I unconciously bite my lower lip dahil sa kabang nararamdaman. Ilang araw ko siyang iniwasan only to go back to zero. Asar!

"D-don't do that.." saad niya sa paos na boses bago bumalik ang tingin sa mata ko at nang magtama ang mata namin tila nalulunod akong napatitig sa mata niya.

"How's the smell? It did stink?" saad niya na agad kong naramdaman ang buga ng hininga niya sa bibig ko at dumaloy ito sa ilong ko.

I thought the world is unfair, pero nang maamoy ko ang hininga nito ay mas naramdaman ko ang kadayaan ng mundo.

Why!? Bakit amoy fresh and minty ang hininga niya? Amoy dito ang comfortable scent na parang hindi nagbabaho ang bibig niya.

Wala naman sa sariling napailing ako sa sagot niya na kinangisi niya. Agad naman nanlaki ang mata ko dahil sa pagiling ko kaya nang makabawi ako ay agad ko siyang inilayo at bahagya kopang nasampal ang pisnge niya.

"Alam mo bagay sa'yo ang pangalan na durian, ampanget ng lasa nun e" saad ko just to insult him para maalis sa akin ang atensyon dahil sobra na akong nahihiya.

"Pitik" saad ng boses at nakita ko ang camera na kakaalis lang ng pagkatutok sa amin at malawak ang ngiti ni Alistair at may nang aasar na tingin sa pagitan namin ni Adrian.

"Kayo ha...mamaya nayan sa loob ng cabin" saad nito at natatawang lumakad palabas ng bus. Mag poprotesta pa sana ako pero agad naman ako natigil dahil nagsibabaan na ang ibang mga kasama namin sa bus.

So we're here na pala, let's enjoy the camp!

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon