ELIJAH
"The struggles I'm facing~"
"The chances I'm taking~"
Pagkanta kopa habang naghuhugas ng kamay dito sa washroom.
Lumabas ako sa washroom and I went from singing to humming dahil ayaw ko namang magmukang bida-bida na inaangkin ang corridor na parang gumagawa ako ng concert.
Mabuti nalang at palagi kong dala-dala ang earphone ko para hindi istorbo sa mga nakapaligid sa akin tuwing gusto ko magpatugtog.
I'm busy humming while walking sa corridor patungo sa susunod kong subject ngayong araw. Last subject konaman na ito kaya mas energetic ako dahil mabibisita ko ulit ang Art Gallery sa kabilang street.
Hindi ko napansin ang lalakeng makakasalubong ko kaya ang ending nabangga ko ito.
Inaasahan kona ang pagbagsak ko kaya mariin akong pumikit dahil naramdaman ko ang senyalis ng pagtumba ko pero ilang segundo na ang nakakalipas wala parin akong nararamdamang semento sa pwetan ko.
Ang naramdaman ko ay ang brasong mahigpit na nakapulupot sa bewang ko kaya iminulat ko ang isang mata ko habang naka side ang ulo ko.
Bigla ko namang naimulat ang mata ko at nanlalaki pa ito bago tuluyang rumehistro kung sino ang lalake sa harapan ko.
Umayos agad ako ng tayo at pinagpagaan ang sarili kahit pa hindi ako nadumihan. "Uh..." iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Mula sa pagkatungo ko ng ulo ko ay sumilip ako sa kaniya only to find out that he's already looking at me.
Kung titingnan ay para akong bata na pinagagalitan ng nakakatanda, hindi naman nagkalalayo ang height namin pero muka kasi talaga siyang poste kung ikukumpara sa akin. Idagdag mopa ang malaki niyang pangangatawan kesa sa akin.
Hindi naman ako skinny, talagang malaki siyang tao. Nawala ang hiya at ilang ko nang maalala ang nangyari nuong nakaraang araw. Siya nga pala ang sumimgit sa pila.
Kunot-nuo kosiyang tiningnan na ikinagulat niya. Maya-mayang sumilay ang pilyong ngiti nito na kinabwesit ko.
"Magpapasalamat sana ko..." mahinang saad ko pero sapat na para marinig niya."Pero naalala ko, mas marami pala atraso mo sa akin" sambit ko at inirapan siya bago ito nilampasan. Akala ko tubig lang ang kumukulo, pati pala dugo pwede kumulo.
Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin nito ang pangalan ko. "Elijah!" inis akong lumingon dito. Tiningnan kolang siya, akala niya maiilang ako makipagtitigan sa kaniya. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin pero sinantabi ko muna ang isiping iyon dahil abala ako sa pakikipag laban ng titigan sa lalakeng pesti ngayong oras na'to.
"Late kana" saad niya na ikinalaki ng mata ko. Napatingin agad ako sa relo ko sa kaliwang pulsuhan at dare-daretsong tumakbo papunta sa classroom sa dulong bahagi. Rinig ko naman ang tawa nito na mas kinainis ko lalo. Kahit kailan talaga!
"Yey" mahinang saad ko nang matapos ang klase at madaling inayos ang mga gamit kong nakalatag sa desk ko.
Agad kong isinakbit sa balikat ko ang bag at masayang lumabas ng classroom pero agad na nawala dahil nakita ko ang lalakeng nakasandal sa tabi ng pintuan.
Nang makita ako nito ay may pilyong ngiti agad ang nag form sa labi niya na parang may binabalak nanamang katarantaduhan sa akin.
"Bakit?" takang tanong ko dahil nakatitig ito sa akin. "Assuming, di ikaw ang pinunta ko dito." Saad nito nakipag apir sa katabi ko. Napalingon ako dito at si Jasper pala, yung lalakeng makulit na kumokopya sa notes ko. Sinamaan ko siya nang tingin dahil pakiramdam ko ay niloko niya ako.
Nag-peace sign ito sa akin na kinaismid ko nalang. Natatawa silang umalis hanggang sa nawala na silang dalawa sa paningin ko. Padyak-padyak akong bumaba papunta sa cafeteria na parang nag mamartsa. Akala mo kasali sa ROTC, sawalupad!
Madali akong pumunta sa counter at inorder kona ang sa tingin ko ay makakapag-pabusog na ngangalam kong sikmura.
Lumingon-lingon ako para makahanap ng pwesto at hindi naman ako nahirapan dahil kaka-unit ang studyante ngayon dito. Masaya kong tinungo ang pwesto sa bandang dulo, dahil bukod sa two seater ito katabi din ito ng glass wall kaya at sa labas nito ay ang malawak na field.
Nakangiti kong nginunguya ang pagkain ko nang bigla kong mapansin si ano nga name niya ulit? Sounds lang durian kasi talaga e tho hindi naman siya panget na lasa pero hindi kolang paborito.
Iwinaglit ko nalang ang isiping iyon at pinagmasdan siyang maglakad kasama ang tatlo pa nitong madalas na kasama, mga tropa niya.
Sa pagkakaalam ko, third year na siya pero may binalikan siyang isang subject dahil hindi niya ito pinapasukan dati at iyon ay ang subject kung saan kami magkaklase. Readings in Philippines History.
Nakatingin lang ako sa kanila. Kapansin-pasin ang pagkakaiba ng kanilang mga dating. Si Jasper, maputi na halatang mong may lahi na korean samantalang naman si Jerome ay pilipino ang datingan at si Evan naman ay may lahing poringer kumabag kano. Dahil sa asul nitong mata.
Napadako ang tingin ko sa timawa, he has this olive tan skin na halata mong alaga tapos ang kaniyang maitim at makintab na buhok. Siya din ang pinaka matangkad sa apat. Kung tutuusin muka siyang sikat na modelo sa ibang bansa.
Napatingin tuloy ako sa sarili ko, sakto lang naman ang pangangatawan ko may kaputiam ako at medyo may kasingkitan ang aking mata dahil sa ama ko.
Napalingon naman ako nuong may umupo sa harapan ko. "Dina ako nakapag paalam, muka kasing malalim ang iniisip mo e" sambit niya at ngumiti sa akin. Sa pag kakatanda ko kaklase kosiya.
"Wag mo sabihing hindi mo ako kilala?" eksahiradang saad nito at umakto pa na parang naoffend at sobrang nasasaktan.
Bahagya akong natawa sa inakto nito na kinatawa niya rin. "Pasensya na hindi kasi ako matandain sa pangalan e" nahihiyang saad ko at napakamot pa sa gilid ng ulo.
"No worries, papakilala ako ulit. You better remember me, Eli!" Saad nito na kinatango ko at mariin siyang tinitigan. Napangiti naman siya.
"My name is Samantha Dy, kung napapansin mo ay singkit din ako at maykaputian dahil yun sa ama kong chinese." Saad niya na kinatango-tango ko.
Susubo na sana ako ng panibagong pagkain nang marealized ko kung sino ang kaharap ko. Nanlalaki ang mata kong binalingan siya ng tingin.
"Hala?" gulat na saad ko na kinatingin niya sa akin. "Kaano-ano mo si Dean? Si Mister Dy?" magkahalong pagtataka at gulat na tanong ko sa kaniya na kinatawa niya.
"Ang OA ha? To answer your question, papa ko siya and pangalawa akong anak." Saad nito na kinatango-tango ko.
Kung pangalawa siyang anak sino panganay? Ang alam ko kasi isa lang anak ni Mister Dy.
Magtatanong pa sana ako pero nag notif na sa akin yung schedule ko.
"Art Gallery"
Nagpaalam naman ako sa kaniya pagkatapos niyang kumain, syempre inantay kosiyang matapos bago ako nagpaalam umalis.
Sabi niya ay madalas nadaw niya akong makikita dahil kaibigan niya nadaw ako. Alinlangan kopa itong tinanggap pero wala akong nagawa dahil kinulit niua ako ng todo. Tuwang-tuwa ako syempre kasi una kosiyang kaibigan dito.
Sawakas, hindi na boring ang school year ko.

BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasyAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...