ADRIAN
Lihim kong pinagmamasdan ngayon si Elijah na kunot nuong nakatutok sa kaniyang sinusulat.
"Ang ganda" saad ko na pati ako ay hindi ko inaasahang masasabi ko iyon kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya nang lumingon ito sa akin na nagtataka.
"Ano kamo?" saad nito at pinagpatuloy ang kaniyang pagsusulat nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukang dinaman niya ito narinig ng malinaw. Tiningnan ko itong muli at napangiti. "Sabi ko ang ganda ng view" I said softly at nang lingunin ako ulit nito ay umakto akong nagpalinga-linga sa paligid.
"Ahh oo buti nga suggest ka na dito gumawa ng project, teka nag message naba si Jasper?" tanong nito sa akin at kita ko ang ngiti nito sa labi nang banggitin niya ang ngalan ng kaibigan ko.
Am I being dumbass kung pati kaibigan ko pagseselosan ko? Fuck you, Jasper!
"On the way nadaw siya." Malamig at maikli kong tugon sa kaniya at nagsimula na akong gawin ang parte ko.
Naiirita ako diko alam kubg bakit. Wala naman talagang girlfriend si Jasper, sinabi kolang na meron kasi..kasi nakakainis.
ELIJAH
Natigilan ako sa pagsusulat dahil sa malamig na tono nitong sagot sa akin.
Ano nanaman bang problema nito? Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagsusulat.
Kahapon ay napagusapan naming simulan na ang project para matapos namin agad ito dahil mapapasama sa amin kung matatambakan kami.
Andito kami ngayon sa loob ng Art Gallery kung saan ako madalas tumambay at magpalipas ng oras kakatingin at analisa sa mga paintings na naka display dito.
Andito kami sa parteng dulo kung saan merong table, para kasi itong mini Library and Art Gallery. Isang beses lang ako nakapadako dito dahil nuon ay under renovation ang section na ito hindi na ako ulit nakabalik pa dahil abala ako nuon sa pag-aabang ko sa mga new paintings.
Napagusapan namin na through paintings with a twist ang gagawin namin to present our project. The three of us also agree sa idea ko na ang Mindoro ang gawin naming subject as our cultured province representation.
Mula sa scrapbook na puro paintings ang laman duon namin ipapakita ang iba't-ibang culture ng Mindoro. It was also interactive kind of scrapbook where we can adjust and move certain objects para mas maayos nilang maintindihan kung paano at ano ang ginagawa ng isang Mindoreño o mas kilala sa tinatawag namin ditong Mangyan.
Hindi naman ako nahirapan dahil parehas silang attentive and cooperative, and surprisingly si Adrian ang nag prisentang mag paint para sa scrapbook na gagawin at si Jasper naman sa materials while I do the descriptions and researching for backgrounds.
First week sa susunod na buwan ang presentation namin kaya kailangan nanamin matapos agad ang project para maiwasan namin ang cramming.
Abala ako sa pagsusulat at hanap ng source of informations nang dumating na si Jasper. Agad naman nagliwanag ang muka ko dahil nakita ko siya.
Hindi naman ako patay na patay sa kaniya, tyaka nirerespeto ko naman siya lalo na at nalaman kong may girlfriend ito. Talagang inaadmire kolang siya kasi ang ideal niya maging partner, yun ang nakikita ko.
"H-hi.." saad ko nang umupo ito sa tabi ko at kaharap namin si Adrian ngayon na tahimik lang at nakatutok ang atensyon sa binabasa nitong libro.
Madalas kong lingunin si Jasper at paminsan-minsa'y nag tatama ang tingin naman kaya agad akong umiiwas dito.
"Patingin nga ng naisulat mo" saad ni Jasper at lumapit sa akin hanggang sa magtama ang balikat namin dahilan kung bakit ako napaigtad ng kaunti.
Inilahad ko sa kaniya ang white bond paper na pinagsulatan ko. "Ganda ng penmanship mo, El" he said while looking at me na kaagat kinainit ng pisnge ko.
"H-hindi naman....salamat" nahihiya kong saad na kinatawa nito. Bumaling ako kay Adrian na pabagsak na binaba ang libro sa lamesa at tila galit na galit ito.
"Tapos kana ba diyan?" tanong ko kay Adrian na umiling lang bago tumayo. Nagtataka akong tumingin sa kaniya at itong si Jasper naman ay napatingin narin sa kaibigan.
"Saan ka tol?" tanong ni Jasper. "Bibili kape, may matamis akong nakain kanina nasusuka ako" saad nito sa inis na tono. Kaya kumunot na ang nuo ko. Problema nito?
"Okay, ingat" saad ko at bumalik na sa pakikipag usap kay Jasper. Hindi pa umaalis si Adrian kaya tiningnan ko ulit ito at seryoso itong nakatingin sa akin.
"Uh....b-bakit?" kinakabahan kong tanong dahil parang any time kapag namali ako ng pagsalita ay masasapak ako nito.
"You want coffee?" saad nito at umiwas ng tingin. Nagtataka man ay tumango nalang ako at nagpasalamat. "Pre ako din, gusto ko" saad ni Jasper at kumikislap pa ang mata nitong saad.
"Bumili ka, malaki kana" saad nito at naglakad na papalayo. Nilingon ko naman si Jasper na iiling-iling habang may ngisi sa labi. Buti hindi siya na offend? Kung ako yun F.O agad.
"Dika ba nainis?" tanong ko kay Jasper dahil diko mapigilan ang sariling kyuryusidad. "Nagseselos lang yun" saad nito at tumingin sa akin bago natawa dahil tiningnan ko siya na parang puzzle na ang hirap unawain.
"Ha? kanino naman?" nagtataka at naguguluhan kong tanong sa kaniya. Umiling lang ito bago tinutok ang atensyon sa sinulat ko kanina.
Ilang minuto pa ay bumalik na si Adrian na may dalang dalawang coffee, yung isa ay Ice na ibinigay niya sa akin.
"Palit tayo, Durian" sambit ko na kumunot naman agad ang nuo ni Adrian at natatawang tinuro ni Jasper ang kaibigan.
" Thought you like Ice coffee?" takang tanong ni Durian sa akin. "Oo nga, pero gusto ko ng Hot Chocolate na binili mo sa akin before" saad ko habang mariin siyang tinititigan. "Nainuman ko na..." Adrian.
Kita ko ang pamumula ng tenga nito kaya nagtataka ako kung mainit ba? Hindi naman kasi may aircon naman e. "Okay lang, itong akin naman hindi pa e" sambit ko at inabot na sa kaniya ang Ice Coffee ko.
"S-sure" saad ni Adrian at hindi makatingin sa akin ng daretso habang iniabot ang kape niya.
"Am I interuppting somenthin'?" biglang tanong ni Jasper kaya napatingin ako sa kaniya, mag sasalita na sana ako sa kaniya pero naunahan na ako ni Adrian.
"Gago mo" saad nito sa inis na boses na kinatawa naman ni Jasper.
Naguguluhan akong pinagmasdan sila dahil sa palitan nila ng tingin. Anong meron? diko gets?

BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasiAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...