Chapter 16

9 0 0
                                        

ELIJAH

Nakatitig ako sa mga obstacle race ngayon sa harapan ko.

Kung alam kolang na ganito ang aabutan ko sa pag-gising ko sana tiniis konalang na malagutan ako ng hininga.

Napatingin naman ako sa kabilang linya na sana hindi konalang ginawa. Jelai is clinging to Adrian's arm at parehas silang nakangiti.

Sana talagang nakidlatan nalang ako kagabi edi sana hindi ko nakita to! O sila nalang kinidlatan masyadong nakakaloko ang ngiti e.

May humarang namang kamay sa muka ko kaya natabunan nito ang dalawang panira sa araw ko.

Napaangat ang tingin ko at napagtantong si Jasper pala ito na nakangiti sa akin. Napabuga nalang ako nang hangin bago siya nginitian at tumingin sa harapan.

Partner kami ni Jasper ngayon dahil nag randomize head count kami kanina para sa morning activity at pagtapos nito ay sisimulan nanaman ang iba pang mga activities na inihanda nila para sa aming mga studyante.

By partner pero sumakto talagang si Adrian ay kay Jelai? Madapa sana sila!

Inis kong tinitigan ang unang obstacle course na nasa harapan ko. A five pair of tire na kelangan naming tumakbo sa bawat butas nito sa gitna and the second is the mud race bago sa kahoy na kailangan ng balancing sumunod naman ang monkey bars at ang huli ay race recap kung saan kailangan umakyat sa isang pataas ng malaking lubid na style net at bumaba sa kabila.

Napabundong hinga ako dahil medyo kinakabahan ako sa ganito, hindi talaga kasi ako mahilig sa ganito lalo na at hindi naman ako active physically.

Puro ako arts at libro ang hawak, kung sana jogging lang okay sa akin to.

Weee? Kanina nga pangalawang ikot palang hindi kana makahakbang e.

I internally rolled my eyes dahil sa katotohanang mahina talaga ako sa physical activity.

Muli kong nilingon ang pwesto nila Adrian na ngayon ay nakatingin na sa amin.

Kumunot ang nuo niyang bumaba ang tingin sa kamay na nakaakbay sa balikat ko. I look up to see Jasper smiling while looking at the obstacle course.

Hindi kona binalingan pa ng tingin ang pwesto nila Adrian dahil nawawala lamang ako sa mood.

Nang magsimula ang race ay agad kaming nagsimulang tumakbo ni Jasper. He sometimes held my hand for support dahil pansin nito ang paghihingal ko.

Nang makaabot kami sa balance ay napatigil ako dahil kinakabahan akong umapak duon.

Nakita ko naman na hawak-hawak ni Adrian si Jelai sa kamay at tila inaalalayan ito nang maigi kaya walang sabi-sabi akong tumapak sa kahoy at agad na nakalampas duon.

Hanggang sa race recap ay dare-daretso akong umaabante na nasalikuran ko si Jasper.

Nang maabot namin ang kabilang side ay agad akong naghugot nang hininga dahil nuon kolang naramdaman ang pagod.

Sa huli kami ay second place samantalang si Adrian at Jelai ang nanalo.

Naramdaman ko naman ang presenya sa likod ko nang lingunin ko ito ay si Jasper pala kaya ngumiti lang ako sa kaniya bago binalik ang tingin sa harapan.

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon