ELIJAH
We're at the last game sa first day namin dito sa camp. Simula din kagabi ay hindi kona masyadong inisip ang naging usapan namin ni Adrian.
Siguro nga ay kinalumutan niya ako, tuluyan niyang kinalumutan ang meron sa amin.
Minsan ay napapatingin ako sa kaniya na agad akong napapaiwas dahil nakatingin din siya sa akin.
"Ysha and Kelvin, punta na kayo sa harapan kayo na ang player." Anunsyo ni Jasper kaya tinuon kona sa harapan ang atensyon.
We're playing guess the word inspired by showtime, iyong tompakners na kailangan parehas ang inyong sasabihin sa isang category at exact topic.
"The Category is.....prutas na nag sisimula sa letter...M! 1...2...3...Go!"
"Mircale Fruite!" Ysha.
"Mangga!" Kelvin.
"Ang arte naman! Mangga lang e!" angal ni Kelvin kay Ysha na kinatawa namin.
"Miracle Fruite is very sikat kaya" depensa naman ni Ysha na mas kinatawa namin. "Mas sikat ang mangga" ganti ni Kelvin.
"Okay! stop na. Next category is....kitchen ware! 1...2...3...Go!"
"Sandok!" Kelvin.
"Frying Pan!" Ysa.
"Ayaw kona nga! Pwede ba mag palit ng kapartner? Ang yayamanin ng sagot." Birong saad ni Kelvin na kinatawa agad namin samantalang si Ysha naman ay inis na bumaling sa kaniya.
"Duh! you need frying pan to cook!" sambit ni Ysha kaya agad naman umalma si Kelvin. "And you need sandok para mahalo ang niluluto mo" ginaya pa ni Kelvin ang tono at kung paano magsalita si Ysha kaya naman mas nainis ang babae dito.
"I'm cooking fried chicken!" agad na depensa ni Ysha.
Napuno ng tawanan ang aming huling laro kagaya sa mga nauna naming ginawa ngayong araw. Hapon na ng napag pasyahan naming mag bonfire mamayang alas syete sa tabing dagat kaya naman bumalik muna ako sa cabin para magpahinga.
Habang naglalakad ako papunta sa cabin ay narinig ko ang tawag sa akin ni Jasper kaya lumingon ako dito.
"Hmm?" tanong ko dito at tuluyang humarap sa kaniya. "Samahan mo akong bumili ng souvenir" tumango nalang ako dahil wala naman akong gagawin e.
Hindi paman kami nakakalayo ngunit may tumawag nanaman sa pangalan ko. "Elijah!" inis aking lumingon dito na ngayon ay naglalakad na palapit sa aming dalawa ni Jasper.
"Can I come with you?" tanong niya na nakatitig sa akin. Binalingan ko ng tingin ang katabi ko na ngayon ay mariing nakatitig kay Adrian. I was about to speak when Jasper came first.
"Sure, no problem" saad nito sa seryosong tono. Natataka naman akong tumingin kay Jasper na ngayon ay nginitian niya lang ako ng tipid.
He hold my hand, tatanggalin ko sana pero humigpit ang kapit niya dito at tumingin sa akin. "Just this one, let me Eli." Pagsabi niya na kinasang ayunan ko.
I am transparent and honest with Jasper, alam niya na kaibigan at hanggang duon lang ang tingin ko sa kaniya. Alam niya na hindi ako handa at ayaw kong sumubok muli dahil sa nakaraan ko.
BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasyAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...