ELIJAH
Umabot din kami ng trenta minuto bago tumigil ang motor nito sa isang tabi.
Bumaba ako sa motor at inalis ang helmet at tyaka tiningnan ang paligid. Humampas sa muka ko ang marahan at malamig na hangin kaya napangiti ako.
Andito kami gilid ng kalsada medyo may kataasan ang parteng pinagtigilan namin kaya kita ko ang syudad sa hindi kalayuan kung saan kami galing.
Tiningnan ko ang baba nito at ilog ito na malayang umaagos.
Nilingon ko si Adrian na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Let's go?" sambit nito sa akin habang nakangiti na kinataka ko.
Ngumiti siya sa akin and I can't help but to smile. Tumingin ito sa kaliwang bahagi at itinuro ang isang burol malapit sa amin. "Tara dun" saad nito.
"Teka, paano tayo pupunta duon? May daan ba?" takang tanong ko dito. Tumango siya sa akin. "Do you trust me?" he softly said at seryosong nakatingin sa mata ko. As if convincing me to trust him.
Sa huli ay sinundan ko ito sa kaniyang paglalakad hanggang sa umabot kami sa isang makipot na daan paakyat sa burol.
"Let me hold your hand, para dika malaglag" saad nito na inabot konalang ang aking kamay sa kaniya.
As his hand hold mine libo-libong bultahe ng kuryente ang tila pumasok sa katawan ko kaya agad kong binawi ang kamay ko. What the?!?
Nagtataka at gulat itong nilingon ako. "Uh...kaya ko hehe" saad ko sa nahihiyang tono. Ano yun? Does he have a power? Bakit ganuon?
Its my first time holding a man's hand, sadya bang ganuon ang kamay ng lalake? Pero bakit kay Lolo? hindi naman.
Nagtuloy kami sa pagakayat sa makipot na daan. Hindi naman nagtagal ay naakyat namin ang taas at napasinghap ako sa nakita.
Para akong nasa pinaka taas na bahagi ng mundo, kitang-kita ko ang lalawigan kung saan kami pati narin ang ilog sa ibaba namin na malumanay at payapang umaagos.
Nakita ko ang isang puno na maayos at payapang nakatayo sa may bandang gitna. Malaki ito kaya naman natatakpan nito ang sinag ng palubog na araw.
Malamig ang hangin na humahampas sa balat ko kaya hindi ko napigilang pumikit at ngumiti dahil sa lubos na payapang pakiramdam.
Makikita din ang magandang pagtubo ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak at ang damo na sakto ang haba na hindi lumalampas sa paanan namin na mahinang sumasabay sa hangin. Tila sumasayaw ito kasama ng hangin.
ADRIAN
Kanina pa ako nakatitig sa lalakeng ngayon ay nakapikit at may ngiti sa kaniyang labi.
Hindi ko alam kung bakit ito ang napili kong pagdalhan sa kaniya e pwede namang sa ibang lugar nalang.
I look at the view sa harapan at napangiti. Dito ako pumupunta sa tuwing mabigat ang nararamdaman ko.
Kapag hindi ko kayang sabihin at ilabas ang nararamdaman ay dito ako pumunta para huminga at magpakalma.
Naaalala ko ang kaninang dahilan kung bakit ko idinala dito si Elijah.

BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasíaAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...