ELIJAH
Pinapanuod ko ang mga studyante from up here sa third floor.
Maaga kasi ako for my first subject today, mabuti nalang at free yung room kaya pumasok na ako at nag sound trip nalang sa usual seat ko. Andito ako sa tabi ng bintana kaya mas malaya kong nakikita ang harapan ng school kung nasaan ang oval field at ang entrance gate.
I am humming the song I am listening to. Hanggang sa hindi kona napigilan ang sariling sumabay na sa kanta.
Malakas ang loob ko dahil wala namang iba andito sa classroom bukod sa akin.
"Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik~"
"Ngunit nalulunod pa rin~"
Patuloy akong sumasabay sa kanta hanggang sa umabot ako sa last part.
"Paano ba patitilahin ang bagyo~"
"Kung gusto mo lang ay ambon~"
Iminulat ko ang aking mata at nanlaki ito dahil sa pagmulat ko ay isang pares ng mata ang nakatingin sa akin ng taimtim.
Napatitig ako sa mata nito dahil para itong kumikislap, as if he's looking to something that's very special para kumislap ng ganito ang mata niya o sadyang teary eye ang klase ng kaniyang mata?
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya at lumingon sa paligid, wala pa ang iba naming kaklase at kaming dalawa palang ang andito.
Agad kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko, normal naman ito pero parang gustong kumawala sa dibdib ko.
First year palang ay may gusto na ako sa kaniya, hindi dahil sa physical appearance nito pero dahil sa ugali nito.
He's just a weird one, tipong ang random niyang kausap he also has this attitude na kapag may sasabihin ka lahat ng atensyon niya nasa'yo.
He's kinda funny and comfortable to be with. Kaya hindi ako nagtataka na siya ang nagustuhan ko simula nuong una kong kilala sa kaniya hanggang ngayon.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya at hindi parin naaalis ang ngiti nito. Umirap ako nang makabawi ako sa sitwasyon namin ngayon.
Nahihiya man ay wala akong magagawa, nag feeling banaman na sariling kwarto. Napamura ako sa isip ko dahil unti-unting nab-build up ang hiya sa sistema ko.
"Jasper?" pagkuha ko sa atensyon niya. He just hummed waiting for my next statement.
Alam ko naman kung hanggang saan lang ako, alam kodin na straight siya. Hindi konaman balak na mahalin siya at gawing mundo, talagang gusto kolang siya. I am just thankful and grateful that he exist, hindi masyadong plain ang buhay ko. I got to experience to have a crush on someone.
"Pwede bang huwag mona akong titigan?" saad ko na hindi makatingin sa kaniya dahil nahihiya at naiilang na ako sa pagtitig niya.
Na concious tuloy ako, meron kayang dumi sa muka ko? Nakakahiya kung meron. Pasimple kong kinapa ang muka at nagpunas gamit ang panyo ko.
Narinig ko ang tawa nito. "Ang cute modin e ano?" saad nito na kinatigil ko. Hala? teka lang. Ramdam ko ang init ng muka ko kaya wala akong nagawa kundi takluban ang buong muka ko.
Inasar pa ako nito pero natigil ito nang may magsalita. "Agang-aga puro corny na nasa paligid ko" saad pa nito na kinalingon ko sa likod. Badtrip naman! Moment ko oh, kinikilig na e.
Naparolyo ako ng mata dahil sa paglingon ko ay ang naka ngising si Durian ang nakita ko. "Basag trip.." mahinang bulong ko na narinig pala ng nasa harapan ko kaya natawa ito.
Hindi naman nagtagal at dumating na ang prof namin. Ito na ang araw na sasabihin niya sino ang paired partner para sa project niya. Sana si Jasper ang mapunta sa akin, please lang ibigay mona ito sa akin.
Pikit kong hiniling at nag cross finger pa. Bukod kasi sa responsable ito, hindi rin siya mahirap makatrabaho sa mga prjects dahil naging kagroup kona siya. Plus point kasi isa siya sa Dean's List.
May kumalabit naman sa likod ko kaya napalingon ako dito na naka cross finger parin ang daliri. Pero nawala ang saya sa muka ko dahil sa taong nasa likuran kona.
"Ano nanaman?" inis na tanong ko at ibinalik ang tingin sa unahan. Hindi ito umimik agad pero bigla kong naramdaman ang presensya niya sa likuran ko.
"Anong paborito mong kulay?" tanong nito. Tumama ang mainit-init nitong hininga sa batok ko na nagpaangat ng balahibo ko.
It gives me chills sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko siya pinansin kaya bumulong ulit siya.
Ilang ulit siyang bumulong pero hindi kosiya pinapansin kaya sa hindi ko inaasahan na gagawin niya ay napatayo ako sa gulat at napasigaw pa.
"May problema ba Mr. Tan?" tanong ni Mrs. Castro sa mataray na tono na ikinakaba ko. Kinalma ko ang sarili bago marahang umiling at sincere na humingi ng pasensya bago binalingan ang nasa likuran ko.
"Alam mo? bwesit ka tala-" hindi ko natuloy ang sasabihin dahil iba na ang nasa likuran ko at si Samantha na ito. Yung mokong na Durian ay nabalik na sa kaniyang pwesto sa dulo.
Matino ba kapag pinindot ang tagiliran mo ng kaklase mong hindi mo naman ka-close para lang inisin ka? Asar akong inirapan siya na halos maduling na ako.
Kahit kailan ka talagang Durian ka, makakuha lang ako ng tyempo talagang sasagadin ko ang ganti ko sa'yong tao ka.
Muli ko itong binalingan ng tingin pero kinindatan lang ako nito. Gusto kosiyang bigyan ng middle finger sa sobrang asar ko pero diko magawa dahil nahihiya ako.
Nakakahiya kayang mag middle finger. Kaya ginawa ko, itinaas ko ang ring finger ko instead of middle one na kinatawa niya sa akin.
Humanda ka, antay kalang Durian. Makakabawi ako sa'yo. Mas matindi, mainam, at solid na bawi ang gagawin ko.
"The last pair would be...hmmm.." rinig kong saad ni Mrs. Castro. "Mr. Tan and Mr. Ferrer, you two will be the last pair..." nagpantig naman ang tenga ko sa narinig kaya agad sana akong aangal pero nagsalita ulit si Mrs. Castro.
"Mr. Guero, sama kanalang kila Mr. Tan. Hindi pala balance ang class na'to diko agad napansin my mistake." Pinal na saad ni Mrs. Castro. Hindi na ako umangal dahil nanaig sa akin ang katotohanan na. Jasper will be working with me, just don't mind the Durian and all is well.
Napabungsngis ako sa naisip ko kaya lang may tumamang papel sa ulo ko na kinainis ko. Hindi ko ito nilingon dahil alam konaman kung sino ang may gawa nuon.
Tiningnan ko ang pwesto kung nasaan si Jasper na kinangiti ko naman. Binalik niya ang ngiti at kumaway pa sa akin.
Ackkkkk! yung puso ko!!!! He's so cute.

BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasiAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...