Chapter 10

9 0 0
                                        

ELIJAH

Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya nuong nakaraang gabi.

Tatlong araw na ang nakakalipas pero yung sinabi niya sa akin, hindi pa naaalis sa sistema ko.

Tahimik kami pareho hanggang sa nakauwi. Sa may tapat lang ako ng University nagpababa, nagpumilit pa itong ihatid ako mismo sa dorm pero umakto nalang akong galit dito.

Kasi....hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Ang random niya. Hindi kodin alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya o isa nanaman yun sa hirit niya tapos gagamitin niya sa pangaasar niya sa akin.

Bigla naman sumagi sa isip ko ang nangyari bago siya umalis nuon.

"Crush nga kita e" matapos kong umamin sa kaniya na isa akong bakla ay ito ang kaniyang isinagot. Hindi ko alam kung ma o-offend ako o maiinis sa kaniya.

"Here" nakakunot ang nuo ko nang tingnan ang kamay nitong may hawak-hawak na white rose. Saan niya naman ito nakuha?

Tinanggap ko ito at inamoy at wala sa sariling napangiti. "Bagay sa'yo" saad nito na kinaangat ng tingin ko sa kaniya. "Itong bulaklak?" takang tanong ko sa kaniya. Natatawang tumango ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I meant your...s-smile" nauutal nitong sambit ngunit nakatitig ito sa mata ko at pansin ko ang namumula nitong tenga. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

"Okay" maikling sagot ko na kinatawa niya bago ginulo ang buhok ko. "Come closer" linya nito na agad ko namang ginawa. What he did next stilled me where I stood.

He hug me at ipinatong nito ang baba sa ulunan ko. Hindi ako makagalaw sa ginawa niya pero maya-maya naman ay kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin.

Hindi siya makatingin sa akin ng daretso. "Mom told me na ang yakap ay isang mabisang gamot sa sugat na hindi nakikita" sabi niya at ngumiti sa akin. "Condolence" he said it with a sad tone.

Napahawak naman ako sa dibdib ko nang maramdaman kong kumakabog ito na parang kakawala sa dibdib ko ano mag oras. Hindi ba masisira ang ribcage ko dito?

"Okay kalang ba?" tanong sa akin ni Sam na ngayon ay kaharap ko dito sa cafeteria. Tumingin naman ako dito at tumango. "Namumula ka oh, sigurado kaba gusto mo samahan kita sa clinic?" sensiridad nitong suhesyon at akma na siyang tatayo pero pinigilan ko agad ito.

"Uy hindi na, ano kaba. Mainit lang talaga" saad kopa dito. Pinaningkitan niya ako ng mata na parang hindi ito kumbinsido sa naging sagot ko.

Sa huli ay bumuntong hininga nalang siya at tumango. "So, sino pa nakakaalam?" tanong niya sa akin at tiningnan ako ng seryoso bago uminom sa kaniyang milk tea.

"S-si Adrian." Mahina kong saad. Agad naman itong napaubo at gulat na napatingin sa akin. "Seryoso kaba? T-teka.." bakas sa muka niya ang pagkagulat at nalilito ako nitong tiningnan.

"How? When? Teka bakit siya?" naguguluhan ko naman itong tiningnan. "Anong bakit siya?" takang tanong ko dito na kinakunot ng kaniyang nuo. "Bakit siya ang nagustuhan m-mo?" naguguluhan din nitong tanong sa akin kaya natawa ako.

"Wala akong sinabi na may gusto ako sa kaniya, okay? Ansabi ko bukod sa'yo alam din niya na I am gay." Paliwanag ko dito na kinatango-tango niya sa akin.

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon