Chapter 26

5 0 0
                                    

ELIJAH

Sinamantala ko ang bakanteng oras ko ngayong araw bago ako bumalik sa opisina. Pumunta ako dito sa Art Gallery kung saan madalas akong pumunta nuon pa man.

Natigil ang paglalagay ng bagong painting ng unknown painter kaya palagi kong binabalik-balikan ang lugar na'to nagbabakasakaling merong bago pero lalabas ako na dala ang mabigat na balikat.

Ang huling nakita ko ay ang painting na may string na bumabalot sa dalawang magkaibang kamay.

"Invisible String"

Wala sa sariling tumawid ako na hindi tumingin sa kaliwa't-kanan hanggang sa nakarinig nalang ako nang malakas na busina at ang kamay na humigit sa bewang ko.

Sa pagbagsak ng payong ko ay ang pagharap sa taong nakakapit ng mahigpit sa bewang ko.

Our eyes met, as if I was in the movie everything become so slow. Patak ng ulan ay mas lumakas, ang paligid ay tila lumabo.

"Magpapakamatay kaba?" sambit nito na kinabalik ko sa reyalidad. Umiling ako ng marahan at lumingon sa likod ko kung saan naka hinto na ang van.

Lumingon ako sa lalakeng may hawak-hawak sa bewang ko dahil humigpit ang kapit nito. Agad akong lumayo sa kaniya at pinulot ko ang payong na nalaglag.

Napatulala ako at parang natigil ko ang aking paghinga dahil sa lalakeng kaharap ko ngayon.

Hindi ako makapagsalita ni kumurap ay hindi ko magawa. He is staring back at me pero walang bahid na kahit anong emosyon sa muka niya.

I trace his face until my eyes fall in his eyes. Blanko at kung titigan ako ay parang hindi ako kilala.

"S-salamat" hanggang sa naisabi ko na ang dapat kong sabihin at agad na nilampasan siya. Hindi kona sinubukang lumingon pa. Alam ko sa sarili kong wala na ako sa kaniya, na baka nga nakalimutan na niya ako.

Nanlalabo ang mata kong sumakay ng taxi at pinadaretso sa condo ko malapit sa hospital. Kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil ngayon ang dating ng mga bisita at isa ako sa front liners to greet them.

Nang makapasok sa bahay ay agad akong uminom ng tubig dahil parang nanuyo ang lalamunan ko sa kaninang nangyari. Nanginginig pa ang aking kamay kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.

Tinawagan ko ang taong alam kong maiintindihan ako at wala pang dalawang ring ay sinagot na niya ito.

"Hellooo bossing" masayang bati nito sa akin. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Can you come over? Please" saad ko at medyo nanginginig pa ang boses ko.

Agad naputol ang linya at hindi naman tumagal ay narinig ko ang katok nito sa pinto. He smile at me as I opened the door.

Inangat niya ang isang kamay na may hawak-hawak na chocolate cake. Ngumiti ako nang bahagya at nagpasalamat bago siya pumasok ng tuluyan. Pinapanuod kolang ang ginagawa niya hanggang sa umupo na siya sa tabi ko dala ang isang slice ng cake at inabot sa akin iyon.

"What happenee?" bagas sa boses nito ang pagtataka at pagaalala. Hindi agad ako sumagot contemplating my answer kung paano ko sa kaniya sasabihin o kung dapat kobang sabihin ss kaniya.

I'll become insensitive kung sasabihin kong nakita ko kanina si Adrian, na nalaman kong isa na itong ama at may anak na at nakausao kopa ang anak mismo nito.

Naputol ang pagiisip ko nang may pumitik sa noo ko. "Dense na dense ka Doc, ano bang nangyari kanina mopa ako hindi iniimik" saad niya at nakakunot na ang noo.

"Wala namiss lang kita" lie! Paano ko siya mami-miss e palagi siyang nasa opisina ko. Hindi man siya nang gugulo ay anduon pa para matulog o tumambay.

"Ang clingy mo naman" birong saad nito na tumatawa kaya agad kosiyang nahampas. "Edi layas!" singhal ko dito na agad naman niyang pinatulan ng iling. "Kanina kasi..." tumingin ako sa kaniya na ngayon ay nakangiting nakatingin sa mata ko. "Kanina pumunta akong Art Gallery, wala paring painting na bago yung unknown" sambit ko.

"Seryoso ka talaga? Inaantay mo iyon hanggang ngayon?" pageeksahirada nitong saad na kinatango ko at nakagat ko ang ibabang labi ko dahil nakapag sinungaling nanaman ako.

White Lie!

Hindi ko kayang sabihin ang totoo, alam kong masasaktan ko siya. Ayaw kong maramdaman niya na sa tuwing hindi ako okay lalo na at ang dahilan ay si Adrian, siya ang lalapitan ko.

Jasper is more than that, he deserves more. Kung kaya kolang na siya nalanh ulit ang crush ko, na siya nalang ang mahalin ko gagawin ko. Dahil hindi deserve ni Jasper ang maghintay ng ganito, na pareho naming alam na hindi ko siya masasalo.

Nang makarating kami sa Hospital ay naghahanda na ang lahat para sa parating na mga bisita. Bigla kong naalala iyong kailangan kong iassist for a week. Napairap ako sa naisip at bahagyang napa sapo sa noo.

"Thank you" sambit ko nang tumabi sa akin si Jasper. Kunot ang noo niyang nilingon ako. "Earlier, don't overthink" saad ko na kinatawa niya. "Okay lang, para saan pa at crush mo ako nuon" saad nito na agad kong ginatungan. "Look how universe play, we stand in twisted faith" saad ko na may kahulugan kaya naman namumula siyang umiwas ng tingin sa akin.

Narinig namin ang mga sasakyang isa-isang nagsitigil sa harapan ng hospital kaya agad kaming napaayos ng tayo ni Jasper. Nasa gitna kaming bahagi ng mga frontliners kaya hindi agad namin makita ang mga bisitang dumating.

Napansin ko ang nalaglag kong ballpen sa sahig kaya ito'y pinulot ko. Ang lace ng suot kong sapatos ay bahagyang natanggal kaya naman natagalan akong umangat ng tingin.

As I look up para akong na estatwa sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw. Tila nawala sa katawan ko ang dugo at kahit pagsasalita ay hindi ko magawa. Ako nalang ang naiwan sa loob at silang lahat ay nakalingon sa akin hinihintay kong aabutin koba ang kamay ng kaharap ko ngayon na nakalahad ang isang kamay sa harapan ko for a hand shake.

Tiningnan ko si Jasper na walang emosyon ang muka pero nuong makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay bahagya siyang ngumiti ay tumango sa akin. Bumalik ang tingin ko sa harapan ko na ngayon ay matamang nakatingin sa akin.

Nanginginig kong inabot ang kamay nito at nang maglapat ang balat namin at magdaop ang aming palad ay nanghina ang tuhod ko na tila may libo-libong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko.

Bahagya akong napaatras at kung sa minamalas nga naman ay nawalan ako ng balanse dahil nadin sa nanghihina kong binti.

Mas nanginig naman ang kaluluwa ko dahil ang lalakeng nasa harapan ko ngayon ay mariing nakatitig na sa akin at ang kaniyang isang braso ay nakapulupot sa bewang ko para hindi ako tuluyang mapasalampak sa floor.

"Careful" malalim at kalmado nitong sambit malapit sa aking tenga. Naramdaman ko ang kaniyang hininga na tumama pa sa aking leeg at ang scent nitong bumalot sa ilong ko.

Hindi nagbabago ang kaniyang amoy, ang manly scent at pheromones na nilalabas ng katawan niya ngayon ay kagaya sa dati.

Agad akong gumawa ng espasyo sa pagitan namin nang makatayo ako ng maayos at tumingin kay Jasper na ngayon ay mariin lang ang titig sa lalakeng nakatalikod sa kanila.

"Doc?" pagtatanong niya sa pangalan ko na kinakunot ng nuo ko.

Talaga bang tuluyan niya akong nakalimutan after how many years? Is he that dense na hindi niya man lang ako na recognize? I am offended and hurt pero hindi ko ito ipinakita sa kaniya.

Instead, I extend my hand before smiling. "Elijah Max Tan" he shake my hand and nod. "Adrian Matt Ferrerz."

Maikling saad niya bago ako tinapik sa balikat at dumalo sa mga nagkukumpulang doctors and engineers sa harapan.

Invisible StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon