ELIJAH
Nasa kalagitnaan kami ng discussion nang magvibrate ang telepono ko.
Pasimple ko itong sinulyapan at nakita kong si Mama ito. Tatawag daw siya importante lang.
Bago paman ako makapag tipa ng reply ay may humablot na sa aking telepono at pabagsak itong pinatong sa kaniyang lamesa. Nanlumo ako nang mapansin ko ang screen ng telepono ko na may basag na.
"I told you many times. Sabi ko walang gagamit ng cellphone sa klase ko." Saad nito sa galit na boses kaya napayuko ako.
"Mr. Tan naman! Ikaw ang isa sa mga top notcher dito sa University simpleng instruction hindi mo naintindihan? Talaga bang matalino ka?" nanunuyang sambit nito kaya mas nakaramdam ako ng hiya idagdag mopa ang mga matang nakatitig sa akin ngayon.
Mahina akong humingi ng paumanhin dito at napatingin sa lalakeng mahinang humahagikhik sa likuran ko.
I saw Hanz na isa sa mga lalakeng madalas akong kulitin hiding his laugh kaya inis ko itong tiningnan na kinangisi niya lamang. Matapos ang klase ay agad kong hinabol ang prof ko at humingi ulit ng dispensa bago nakuha ang cellphone.
Ilang ulit kopang kinalog-kalog ang telepono ko bago ito tuluyang gumana. Unang kita ko palang sa screen ay kapansin-pansin ang cracked nito sa gilid kaya medyo naiiyak na ako.
Regalo kasi ito sa akin ni Lolo nuong grumaduate ako ng senior high kaya sobrang halaga nito sa akin. "Sorry..." mahinang saad ko at agad na binuksan ang lockscreen.
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig at parang hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nabasa kong sunod-sunod na text ni Mama at ang ilang beses nitong tawag sa akin.
"Sagot ka nak...."
"Nak hinahanap ka ni Lolo sagot mo twag k"
"Wla na si Lolo mo Nak ikw huli niyang tinatanong kng kmusta daw ba ikw"
Tumingin ako sa paligid dahil nanlalabo na ang aking dalawang mata. Agad akong tumakbo papunta sa cr at pumasok sa cubicle.
Nagtipa agad ako ng text at tumawag kay Mama. Nanginginig ang kamay kong inaantay ang pagsagot nito sa tawag ko.
Nang masagot nito ang tawag ay rinig ko ang pagiyak ng kapatid ko sa kabilang linya pati narin ang mahinang pagsinghot ni Mama.
"Nak....w-wala na si Lolo" sambit ni Mama sa pautal-utal at mahinang boses.
Tila walang pumasok sa isip ko at katahimikan lang ang tanging nasagot ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil wala namang boses ang kumakawala sa bibig ko.
Pinunasan ko ang luha ko at tumango-tango kahit pa hindi ito nakikita ni Mama sa kabilang linya.
"Nak..." tawag ni Mama sa pangalan ko. "P-po, Ma?" saad ko sa paos at nauutal na tinig. Narinig ko naman ang pagiyak ni Mama sa tahimik na paraan.
Si Lolo ang unang tumanggap sa pagkatao ko. Ang unang lalake sa buhay ko na lubos akong minahal. Ang unang lalakeng nagparamdam at nagpaunawa sa akin na merong totoong pagmamahal.
Bagamat malapit ako kay Mama, iba ang koneksyon ko sa aking Lolo. Siya ang palaging takbuhan ko nuon paman. Siya ang pumoprotekta sa akin sa tuwing iniinsulto ako o nilalait ako.
BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasyAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...