ELIJAH
Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan hanggang sa naramdaman ko ang kamay na kumapit sa balikat ko.
"Lets go.." sambit nito kaya lumingon ako dito at ngumiti. "Five more minutes" saad ko dito.
Bumaba ang tingin ko sa damo at duon nakita ang pangalan na nakaukit sa lapida. Lumuhod ako at inalis ang iilang dahon ng puno na lumatak dito.
"Ngayon lang ulit naka bisita...naging busy e" mahinang saad ko at tuluyan nang kumawala ang mumunting luha sa mata ko. "Its been a week since you left us...hindi parin ako sanay.." iyak ko dito.
Naramdaman ko naman ang palad na humahagod sa likod ko.
"You were my first...but the universe saw you struggling that it took you...too early..." pabulong kong turan habang hinihimas ang lapida sa harapan ko.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto at ako na ang nag-aya na umuwi na. Nang makapasok kami sa sasakyan ay bahagya lamang akong ngumiti kay Aidan.
"He love you with all his heart..." sambit niya pa at sumulyap sa akin. "Simula nuong nakilala ka niya, madalas kona siyang nakikita nuon na nakangiti at masaya" he said it with a smile on his face.
"I know Kuya Ad, dahil kakambal ko siya. Its the first time na makita ko siyang ganuon kasaya. Nabanggit konaman sa'yo ang nakaraan namin diba?" His eyes fixed on the road habang ako naman ay sumulyap sa kaniya bago marahang tumango.
I thought Adrian has his own family but turns out it was Aidan's son. Iyong batang lalake na nagpupumilit na maging tutor niya ako.
Naalala ko ang kwento niya sa akin last year. Iyong araw na umuwi siya dito sa Pilipinas kasama ang mag-ina niya.
Ang nunal sa baba ng mata ni Aidan at ang scar sa may kilay nito ang pinagkaiba nilang dalawa. Matagal nang hiwalay ang magulang nila Adrian pero dahil mas may pera nuon ang ama nila kinuha nito si Adrian para ipagamot. Nagkaruon ng aksidente dati na naging dahilan ng minor injury ni Adrian sa ulo nito.
Pero nuong tumagal na ay napag alaman nilang meron itong brain tumor kaya madalas mamilipit sa sakit ng ulo si Adrian. Hanggang sa ang ina na nila mismo ang tumawag sa ama nila para humingi ng tulong dahil meron itong sapat na yaman para ipagamot si Adrian.
Si Adrian at Aidan ay anak sa pagkadala ng ina nila na si Ariel. Samantalang si Samantha naman at ang kambal ay magkapatid sa Ina. Hindi naman lubos na tanggap ang kambal ng bagong asawa ni tita Grace na si Mr. Dy ang head ng University kung saan ako nuon nag tapos ng kolehiyo.
Ilang taong nawalay sa kanila si Adrian. "Pumayag si Mama nuon dahil akala namin maipapagamot ni Papa si Adrian. But we're wrong, nuong binisita namin si Adrian sa puder ni Papa ay sobra itong namayat at tila lumala ang sakit. Duon namin nalaman na matagal nang naghihirap ang ama namin at kaya kinuha si Adrian ay para pagtrabahuin ito para sa alak at ibang bisyo niya" kita ko ang galit sa mata nito.
"Kaya nuong makuha namin siya, nag file si Mama ng kaso laban kay Papa hanggang sa makulong ito. Hirap si Adrian nuon makatulog lalo na ang makahiga dahil sa sugat na tinamo niya sa tuwing hinahampas siya ng latigo ng gago naming ama" tuloy na kwento nito sa akin.
"Alam moba kung kailan kayo unang nagkakilala ni Kuya Ad?" tanong nito sa akin.
"Nuong college, mukang babaero nga iyon mula dati pa e" alala ko sa unang encounter naming dalawa. "Tapos iyong sa cafeteria na sumingit siya sa unahan ko" pagsunod ko na kwento.

BINABASA MO ANG
Invisible String
FantasyAs someone who's been isolating itself and ignoring the amount of odds he can experience in love more than a painting. And I find myself - again and again - asking the same questions that have never been answered. Would anyone even notice if I were...