Chapter 38

4.4K 16 0
                                    

As usual, maaga na naman kaming nagising at maaga din kaming pumunta sa kusina para makapag-preapare ng masarap na breakfast para sa guests. Naglalakad pa lang kami papunta roon nang may tumawag kay Silver. Sabay kami na lumingon at napataas ang aking kilay nang makita si Angela na papalapit sa amin. Mukhang gusto niya talaga ang baby boy ko at mukhang inabangan niya pa kami para lang makita ito. 

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Silver kaya hinawakan ko ang braso niya at pinisil ito, just to give him a little comfort. Binati kami ng dalaga nang makalapit siya sa amin at niyaya nito si Silver na magkape. Syempre tumanggi siya dahil may gagawin pa kami at hindi na naman ito nagustuhan ni Angela. Bakit ba ang hirap maka-gets ng batang 'toh na ayaw sa kanya ng baby boy ko? Hindi pa ba 'yon obvious?

"Sige na, sandali lang naman tayo. Tita, please, payagan niyo na si Silver." Baling niya sa akin at bahagya lang naman akong ngumiti.

"Hindi ko naman siya pinagbabawalan, Angela, pero kung gusto ni Silver, okay lang sa akin. Basta bumalik kayo kaagad." Pilit kong sabi. Tumingin naman siya sa akin at nagtataka ang kanyang mukha. Tumango lang naman ako sa kanya. Ang mabuti pa ay pagbigyan na niya para matigil na ang kanyang kakulitan.

"Fine..." Suko niya na rin na sabi. "Babalik din kami agad, mommy." Irita niyang sabi at lumakad na siya. Lumawak naman ang ngiti ng dalaga at sinundan nito si Silver na hindi man lang nagpapaalam sa akin. Napahinga na lang ako at pumasok na ako sa kusina. Binati ko ang mga staff na naroon at nagsimula na akong mag-prepare. Wala pa yatang 30 minutes ay bumalik na siya na bahagya kong kinagulat. Binati niya ang mga kasama namin at nagsimula na rin siyang magtrabaho.

"Bakit ang bilis mo?" Tanong ko sa kanya at matalim naman siyang tumingin sa akin. Napataas naman ako ng aking kilay at malakas siyang bumuntong hininga.

"Well, nilibre ko lang siya ng coffee at sinabi ko sa kanya na tigilan na niya ako." Napakurap naman ako at binitawan ko ang aking hawak tapos ay humarap ako sa kanya.

"Did you say it in a nice way?" Tanong ko ulit at hindi naman siya makapaniwala na tumingin sa akin. "I know na makulit siya and she has an attitude pero sana sinabi mo ng mahinahon." Humarap din siya sa akin at napuno na ng inis ang kanyang mukha.

"I did, no'ng una, pinaintindi ko sa kanya. But I was so annoyed at pinipilit niya pa rin na lumabas kami. Kahit pa sabihin ko na mas importante ang ginagawa kong trabaho at wala pa akong balak na makipagrelasyon." Napapikit siya ng kanyang mga mata at malalim siya na huminga. "Sobrang kulit niya, mommy, I lost my cool. Hindi ako pumapatol sa babae pero muntik na. Bakit ka naman kasi pumayag? Do you want me to be with her? Ayaw mo na ba?" Bago pa siya may masabi na iba, tinakpan ko ang kanyang bibig. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila ko siya palayo sa staff na naroon para hindi nila kami marinig.

"Silver, ano ba yang sinasabi mo? Pumayag ako hindi dahil gusto ko na makasama mo siya. I did it para tumigil na siya sa pangungulit sa atin, sa'yo. Alam ko na kakausapin mo siya ng maayos para tigilan ka na niya." Hinawakan ko ang kanyang mukha at kung pwede ko lang siyang halikan, ginawa ko na para mapanatag siya sa nararamdaman ko sa kanya. "Gusto kita, baby..." mahina kong sabi. "Ayoko na mapunta ka sa iba, mahal kita, okay?" Natigilan muna siya tapos ay sumilay ang matamis niyang ngiti sa kanyang labi. Akma niya akong yayakapin pero umiwas ako at bumalik sa aking station. Sumunod naman siya at tumabi sa akin. May ibinulong siya sa aking tenga na nag-panginig sa aking laman at ngumiti lang ako sa kanya.

Sa lunchtime, napansin ko na parang hindi mapakali si Silver habang nagluluto na kami. Lagi niyang chinecheck ang mga ingredients at mga lasa na niluluto namin na pinagtaka ko. Tumingin ako sa mga kasama namin doon at lahat naman ay kumikilos. Laya lumapit ako sa kanya at bahagya kong hinawakan ang kanyang likod. Bigla naman siyang lumingon at nakatitig lang ako sa kanya.

MOMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon