CHAPTER 12

43 15 0
                                        

Reishary's POV

Nagpaiwan kaming tatlo dito sa classroom ng tumunong ang bell lahat ng mga classmate namin ay dumeretso na sa cafeteria at kami
ang naiwang tatlo, si Zahaira at Matthew. Speaking of Matthew hindi nako nagulat na bumalik na siya dahil nakita ko siyang pumasok sa campus kanina at dumeretso sa office ng Dean, nung una ay nagtataka ako at naguguluhan din kung bakit siya nandito sa AIS, nung junior kasi siya lumipat siya sa Riverstone International Academy.

Totoong siya ang dating President Council ng AIS siya rin ang tinuturing hari ng school na ito ngunit dahil nga sa pag transfer niya sa ibang school  ay nagkaroon ulit ng botohan bilang president at vice president, isa ako sa lumaban bilang president council
dahil sinabihan rin naman ako ng Dean, ngunit masyadong kilala si Mikha at siya ang nanalo, sa vice president naman nanalo si Zahaira.

Nang malaman nilang nag transfer na si Matthew ng ibang school, natuwa ang Section A, hindi ko alam ang buong detalye kung anong nangyari sa pagitan ni Matthew at Michael pero isa lang naman ang kutob ko
kung bakit sila nag-away. Wala ng hari sa school kaya ang pumalit non ay si Adrian, kaso...nawala na lang siya hindi nag paramdam lahat kami ay walang idea kung nasaan siya, except kay Zahaira. Ng mawala naman si Adrian ang pumalit na hari
ay si Michael, kaya ganon na lang siya
kayabang at kalakas nung sumugod siya sa classroom namin, wala akong nagawa non dahil hinawakan agad ako ng mga bruha.

Nagulat nga din ako kung bakit mag karelasyon si Zahaira at Matthew napansin ko kasi nung sabihin ni Matthew na mag karelasyon sila ay parang hindi tanggap ni Zahaira, kaya hindi ako naniniwala na mag
karelasyon sila at saka nag-aaway sila, imposible din kay Matthew.

"Anong pag-uusapan natin? bakit kasama pa ang ungas nato?" Asik ni Zahaira at saka inirapan si Matt bumuntong hininga lang si Matthew at tumingin saakin na blanko ang
mukha well hindi na ata magbabago ang ganyan puro ngisi, at blanko lang naman ang pinapakita niya ni hindi ko pa siya nakikitang ngumiti dahil palagi siyang seryoso.

"Sabihin mo na, don't waste my time." Mariin sabi ni Matthew at saka siya sumandal sa upuan, bumuntong hininga ako at nag baba ng tingin

"Hindi ko alam kung saan mag sisimula"

Pinutol ni Zahaira ang sasabihin ko.

"Just say what you have to say, you're wasting my time. I still need to get my order" Iritable sabi ni Zahaira napabuntong hininga ulit ako napakainipin ng dalawang to, hindi ko alam kung bakit nagtagal si Zahaira maging vice president.

"I need to go to Korea and study there" Deretsahan kong sabi, dahan dahan ako nag-angat ng tingin at nakita ko si Zahaira na seryoso na ang tingin habang si Matthew ganon pa din, nakacross-arms pa nga eh.

"Bakit sa korea ka mag-aaral?" Kunot noong tanong ni Zahaira,nakagat ko ang labi ko at saka huminga ng malalim.

"Yun ang gusto ng grandfather ko" Tugon ko

"What will happen to Section B, Reishary? What about us? We need you" Malumanay na sabi ni Zahaira at hinawakan ang kamay ko, kita ko ang pag-aalala niya, tama siya anong mangyayari sa section B pag nawala ako?

Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko, sa totoo lang ayoko naman talagang mag-aral sa Korea pero ayoko rin sawayin ang gusto ni Hal-abeoji (Grandfather)

Lumingon ako kay Matthew, ganon pa rin ang mukha niya, hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko kanina, pero kailangan ko si Matthew kailangan siya ng Section B,gusto ko siya ang pumalit na maging PRESIDENT ng SECTION B.

"M-Matthew?" Tawag ko, nahihiya ako pero kailangan kong gawin to,ayokong maging kawawa ang Section B, hindi ko alam ang gagawin ko sa aking sarili pag may nalaman akong hindi maganda sa section nato.

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now