Ara's POV
Dumeretso ako muli sa hospital, tinignan ko saglit si Kristell bago ako dumaan kay Mom. Room 118. Alam ko, kailangan ko siyang makita, pero sa totoo lang, gusto ko muna magpahinga. Pagpasok ko, nandun na si Ate, pero wala na akong energy para makipag-usap. Tinignan ko lang siya saglit, then nag-diretso ako kay Mom.
"Hey, Mom," mahina kong sabi habang hinahawakan ang kamay niya. Nakapikit siya, parang sobrang payat na niya compared sa dati. Nakakapanlumo.
Tumayo lang ako dun, tahimik, ramdam ko ang bigat ng paligid. "Kamusta ka, Mom?" Alam kong hindi siya sasagot, pero hindi ko mapigilan. Parang routine na lang—tanong, hintay, then nothing.
Narinig kong nagbuntong-hininga si Ate mula sa kabilang side ng room. Alam ko na gusto niyang mag-usap, pero parang ang dami kong iniisip. Si Kristell, si Mom, pati na rin 'yung mga bagay na iniwan ko para mag-focus dito.
Tumitig ako kay Mom, tinatanggal ko sa isip ang lahat ng noise. "Gagaling ka rin, Mom. Wag kang mag-alala. Nandito lang ako," mahina kong bulong.
"Ang sabi ng doctor, may cancer siya..." Napalingon ako kay Ate, and for a moment, I felt like everything stopped.
"Anong cancer?" Halos pabulong kong tanong, hoping I misheard her.
"Stage 1," she answered, trying to stay calm but her voice cracked. "Bago pa lang, pero kailangan ng immediate treatment para hindi lumala."
Parang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Anyway, kamusta na si Kristell? Nababalitaan ko yung nangyari sa kanya. Tss, grabe ang mga estudyante ngayon sa AIS," iiling-iling na saad ni Ate, nakatingin lang naman ako sa kanya ng walang emosyon.
"Dumaan ako sa kanya, stable na siya, tapos na operahan."
"Good to hear," sagot ni Ate, pero ramdam ko pa rin ang pag-aalala sa tono niya. "Sana maging okay na siya agad."
Pagkatapos kong bisitahin si Mommy, tahimik akong lumabas ng room. Habang naglalakad ako palabas ng ospital, bigla akong napatigil nang makasalubong ko si Enzo. Tiningnan ko lang siya ng walang emosyon, blanko ang mukha ko.
"Zahaira," tawag niya, parang may pag-aalala sa boses niya.
Hindi ako sumagot. Dumiretso lang ako ng lakad, parang wala akong narinig. Ayoko nang makipag-usap sakanya.
Napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Agad kong tinanggal iyon, sabay bigay ng matalim na tingin sa kanya.
"Don’t touch me," malamig kong sabi. Wala akong oras para makipag-usap, lalo na ngayon na punong-puno na ako sa dami ng problema.
"I know galit ka sakin dahil nagsinungaling nanaman ako sayo, but please... kahit ngayon lang, makausap man lang kita... nag-aalala ako sa'yo, baka pag na-stress ka hindi ka makahinga," sabi ni Enzo, ang boses niya seryoso pero may halong guilt.
Tumaas lang ang kilay ko, napailing at walang emosyon akong sumagot, "Enzo, I don’t need your concern. Kaya ko 'to." Diretso akong naglakad palayo, hindi ko na hinintay ang sagot niya.
Paglabas ko, doon ko naman nakasalubong si Zielle. Tulad ng dati, wala rin emosyon ang mukha niya, pero kilala ko na siya—siguradong sa isip-isip niya, minumura na niya ang mga gumawa kay Kristell.
Nagkatinginan lang kami sandali. Tahimik, pero ramdam ko na pareho kaming galit sa mga nangyari. Ayoko lang makipag-usap sa ngayon, kaya nagpatuloy ako sa paglalakad...
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
