Ara's POV
Maayos naman ang naging resulta ng event, at kahit pagod, napapangiti pa rin ako dahil natapos namin iyon nang maayos. Pero ngayon, papunta ako sa classroom dahil sa message ni Nathan na mag-uusap daw kami. Iniisip ko na siguro tungkol iyon sa fake relationship namin.
Pag naiisip ko talaga yung deal namin ni Nathan na maging fake relationship kami para lang matigil ang kasal nila ni Catherine, naiirita ako. I'm so annoyed sa sitwasyon na to. Bakit ba kasi ako pumayag sa kalokohang 'to? Puwede namang No ang sagot ko dati.
Pagdating ko sa classroom, nakita ko siyang nakatayo sa may bintana, nagmumuni-muni. Mukha siyang seryoso, na para bang may pinoproblema siya. Lumapit ako at tinapik siya sa balikat.
"Hoy, ano na? Ano na namang drama 'to?" biro ko pero halatang may halong inis ang tono.
Tumingin siya sa akin, at sa isang segundo, parang may gustong sabihin pero nag-atubili. "Ara, we need to talk."
"Oo nga, kaya nga andito ako, 'di ba?" Umupo ako sa desk sa harap niya at nag-cross ng arms. "Ano na naman 'tong usapan natin?"
"Pumunta sa bahay si Kuya Maverick yung kuya ni Matthew and he knows our relationship is fake."
"Weh? pumunta rin sa bahay si Kuya Maverick."
"Tsk. Kailangan natin ipakita sakanila na close tayo sa isat-isa, pag nalaman nilang fake ang relationship natin malamang wala ka ng chance para maayos yung sainyo ni Matthew."
"Paano kaya nalaman agad ni Kuya Maverick? Grabe naman yung instinct niya," sabi ko habang umiiling, pilit iniintindi ang sitwasyon.
"He's not just sharp, Ara," sagot ni Nathan, halatang frustrated. "Kuya Maverick is always watching. Kaya nga noong council days namin ni Matthew, lagi niyang alam kung sino ang hindi gumagawa ng tama. Ganun siya ka-observant."
"Eh paano ka nga nahuli? May ginawa ka bang suspicious?"
"Tingin mo ba?" Tumitig siya sa akin nang seryoso. "Ang dami na siguro niyang napansin. Wala tayong masyadong interaction kapag walang tao, tapos parang napipilitan lang tayo kapag may ibang nakatingin. Alam mo na."
Napahinga ako nang malalim. "Okay, fine. So anong plano mo ngayon? Gusto mong maging extra sweet tayo in front of him?"
Tumayo siya mula sa upuan, nagkamot ng ulo, at tumingin diretso sa akin. "Ara, kung hindi natin ayusin 'to, malalaman niya lahat. And once he tells Matthew, hindi lang ikaw ang masisira-pati ako."
Napatingin ako sa kanya nang matalim
"Nathan, una sa lahat, ikaw ang nag-umpisa ng deal na 'to. Kaya kung nasasangkot ako dito, hindi ko problema kung paano mo 'to aayusin. Sabihin mo na lang kung anong gusto mong gawin, pero siguruhin mo na hindi ako magmumukhang tanga, okay?"
Tumawa siya, pero halatang pilit. "Hindi ka naman magmumukhang tanga, Ara. Tiwala ka lang sa akin."
"Trust? Sa'yo?" Tumayo ako at tumawa nang may sarcasm. "Nathan, this is literally your mess. Kaya ikaw ang maghanap ng paraan para linisin 'to. Ang role ko dito ay mag-show ng 'fake love' lang, hindi maging emotional support mo."
Umupo ulit siya, halatang naubusan ng sasabihin. "Fine. Just... be prepared. We need to step up our game. Lalo na ngayon, alam kong hindi titigil si Kuya Maverick hangga't hindi niya tayo nahuhuli."
YOU ARE READING
Stay With Me
Ficção GeralSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
