CHAPTER 36: INTERHIGH

29 10 0
                                        

Zahaira's POV

Interhigh na, nasa Manila ako ngayon, papasok sa laban na inaabangan ng lahat. Pagpasok ko sa entrance, ang dami nang tao na nagsisipasok. Nang tuluyan na akong makapasok, halos malaglag ang panga ko-napakalaki ng loob, mas malaki pa sa AIS na kilala sa Laguna.

Sobrang daming estudyante ng AIS dito, tiyak na nandito sila para suportahan ang basketball team. Naalala ko pa noong junior high, nagkaroon din kami ng interhigh, pero hindi naging maayos ang laro dahil sa mga nagkapikunan. Nakakalungkot isipin na nagresulta pa ito sa gulo.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang daming mga gusali, parang maliligaw ako. Hindi ko alam kung saan ang silid ng mga taekwondo, kaya nagdesisyon akong magtanong. Lumapit ako sa isang babae, at mabuti na lang ay mabait siya-sinabi niya agad kung saan ang silid.

Pagpasok ko sa silid, andito na rin ang mga kasama ko sa taekwondo. Wala pa silang suot na uniform, at ganoon din ako, kaya nag-pull back lang ako ng ponytail at inilagay ang bag ko sa locker. After noon, mabilis akong lumabas ng silid. Na-realize ko na ngayon ang laban nila Enzo, kaya't hindi na ako nag-atubiling manood.

Kahit pa na nilalayuan ko sila ay kailangan ko pa rin manood, miss ko na rin ang mga ungas lalo na si Enzo ilang days kaming hindi nagkita sa iisang school dahil busy ang lahat sa pag-eensayo.

Nasa entrance pa lang ako ng gymnasium ay hindi na ako makapasok
sa sobrang daming mga estudyante at
mga bisita ang pumapasok ay masikip
na ang daanan at wala na ata silang
balak magpadaan pa. Napairap ako
mauubos ata ang pasensya ko dito pero
gusto ko ng makita ang mukha ni Enzo,
miss na miss ko na siya nahihirapan na
nga ako na hindi siya pansinin tapos
papahirapan pa ako na hindi siya makita
aba bro unfair non ah.

Napabuntong hininga ako pumunta sa
gilid at nag cross-arms wala akong choice kundi hintayin na kumunti ang
mga napasok, ngunit para akong
binuhusan ng yelo dahil sa hindi
malamang dahilan ay hindi ko magalaw
ang aking katawan, nakatingin lang ako
sa lalaking kanina ko pa gustong masilayan, naka jersey na siya na kulay
Navy blue which is color ng AIS.

Ang dating nakasimangot na mukha ko
ay napalitan ng paghanga, ang guwapo
guwapo niya sa suot niya at napansin
ko din na nagbago na ang hair style niya
mukhang nagpagupit lalo tuloy siyang
gumwapo. Mukhang sa ilang days
naming hindi pagkikita ay nag-gygym na
siya masyado ng lumaki ang katawan niya hindi ko mapigilan mapakagat sa
labi ko, since hindi ko magalaw ang
aking katawan ay umiwas na lamang ako ng tingin. Hayup sa tukso

Sunod sunod akong napalunok, nang
makita kong wala ng masyadong
pumapasok ng mga tao ay mabilis
akong pumasok sa entrance at nag-
hanap agad ng mauupuan. Bigla
naman tinawag ng tagapag-salita ang
team nila Enzo at napagtanto kong siya
pala ang captain yiee bagay sakanya!

Umugong pa lalo ang ingay sa loob ng gymnasium, parang may concert na nagaganap sa sobrang lakas ng mga sigawan at cheer ng mga tao. Napatakip ulit ako sa tenga habang pilit na tinitiis ang dami ng noise, lalo na't ang katabi ko mukhang number one fan ni Enzo.

"Can you chill for a second?" bulong ko sa aking sarili at umirap

Binalik ko na lang ang tingin ko sa court, kay Enzo, at napakunot ang noo ko nang makita siyang nagpa-palinga-linga. Parang may hinahanap siya. Nagulat pa ako nang biglang tumigil ang paggalaw niya, at sakto, nagtagpo ang mga mata namin. Oh no.

May kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nung ngumiti siya. Seriously, ano ba 'to? Ngayon ko lang ulit nakita ang ngiti niyang ganun-yung tipong effortless pero nakakagulo ng sistema. Nakakahiya lang dahil naramdaman kong biglang tumahimik ang mga tao sa paligid, at lahat ng atensyon ay napunta sa amin.

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now