Ara's POV
"Asan na ba kasi yon?" Bulong ko sa aking sarili, kanina pa kasi ako nag-iikot-ikot dito sa Luna University para hanapin si Alcantara. May meeting kasi kami at siya na lang ang kulang.
Hanggang sa pag-atras ko, may nabangga ako. Mabuti na lang, nahawakan agad ang braso ko para masalo ako.
"Careful." Tindig balahibo ang pagkakabulong ni Matthew. Hindi ko maiwasan mailang lalo na ramdam ko ang init ng kamay niya. Tumayo na ako ng maayos at hinarap siya.
"W-What are you doing here?" Naiilang kong tanong, nakakailang kasi ang tingin niya.
"Looking for you, after ng klase namin dumeretso ako dito sa Luna University para yayain ka sana kumain sa labas and... it's obvious na may hinahanap ka. Who?" Tanong niya habang tinititigan ako, parang may kasamang kakaibang pag-uusisa sa mga mata niya.
Para bang gusto niyang malaman kung ano ang ikinakabahala ko, pero hindi ko pa kayang magbukas ng tungkol sa mga bagay na 'yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko, pero tila ba may ibang matinding pakiramdam ang dala ng presensya niya.
"P-Pwede bang mamaya na lang tayo lumabas? may meeting kasi kami.."
"Kami? who?"
"Mga officers."
Hindi siya sumagot pero tinitigan niya ako, tinignan niya ang parte ng mukha ko at nakakailang yon kaya nagbaba ako ng tingin pero nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at iangat yon para magtama muli ang paningin namin.
"Ara," tawag niya, ang boses niya ay mas malambing kaysa dati. "I miss you so much."
Natigilan ako, napamaang at hindi makapagsalita.
Tumikhim ako at nagpilit ng ngiti. "May hahanapin pa kasi ako eh, mamaya na lang Matthew."
"Enzo." Bigla niyang sabi natigilan ulit ako.
"Ha?"
"Why don't you call me Enzo? I miss you calling me Enzo, Belle."
Sa hindi malaman na dahilan ngumiti ako ng matamis "Mamaya na lang Enzo."
Nakita ko ang pagdapo ng mga mata ni Enzo sa mga labi ko, at alam kong may kakaibang meaning ang mga salitang iyon para sa kanya. Nakaramdam ako ng ilang segundo ng kahinhinan, pero pinilit ko parin maging maayos. Hindi ko kayang magpakita ng kahinaan sa kanya, lalo na't alam kong may maraming hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin.
Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko "Yeah, maybe mamaya na lang." Ang lapad ng ngiti niya. Ngumiti na lang ulit ako, lumapit siya saakin at hinalikan ako sa noo bago ako panoorin maglakad papalayo.
Habang naglalakad ako, hindi ko mapigilang mag-isip ng mga bagay na dati naming ginagawa. Yung mga simpleng bagay na nagbibigay ng saya, yung mga maliliit na galak na parang wala sa oras, pero ramdam mong buo kayo. I miss it. I miss him.
Kahit na nagsimula akong mag-move on, at kahit na anong pilit ko na iwasan siya, parang hindi ko pa rin kayang kalimutan, tss malamang manliligaw ko na siya kaya hindi na ko makakapag move on lalo na nang naramdaman ko yung haplos ng kamay niya sa pisngi ko kanina. Parang bumangon lahat ng alaala namin.
Damn it, bakit ba?
Nasa harap na ako ng building, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin siya. Teka lang, may meeting ako, kailangan ko mag-focus.
Pinilit ko tumahimik ang isip ko, pero sa kabila ng lahat ng nangyari, isa lang ang malinaw. I miss him. I miss us.
Pagpasok ko, nagsisimula na sila, at natigilan pa ako ng makita si Alcantara. Nakasandal siya sa chair, kagat-kagat ang dulo ng ballpen habang nakikinig kay Ms. Allazar. Teka, hinahanap ko siya kanina... I thought siya yung late, ako pala.
Nagmadali akong umupo sa pwesto ko, medyo nahihiya dahil ako pa pala ang nahuling dumating.
Tumingin ako kay Alcantara at bumulong "Kainis ka, hinahanap kita akala ko Ikaw Ang late."
"May sinabi ba akong hanapin mo ako?"
Umirap na lang ako.
~ To be continued...~
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
