CHAPTER 84: Choose one

27 9 0
                                        

Ara's POV

Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang marinig ang bulungan sa paligid. Hindi ko naman alam kung sino o ano ang pinag-uusapan nila, pero narinig ko ang ilang salitang malinaw.

"Ang guwapo daw talaga, parang model."

"Sabi nila, taga ibang school daw."

"Ang tanong, sino kaya ang hinahanap niya dito?"

Napakunot ang noo ko at bahagyang tumingin sa paligid. Halos lahat ng tao sa cafeteria ay mukhang abala sa usapan tungkol sa misteryosong bisita. Bakit kaya big deal? Guwapo lang, pinagkakaguluhan na.

Pero syempre, hindi rin maiiwasan ang curiosity ko. Sino ba 'yung sinasabi nila? At ano ang ginagawa ng isang "guwapong" lalaki dito sa L.U.?

Maya-maya pa, biglang bumukas ang pinto ng cafeteria, at parang napatahimik ang lahat. Napatingin ang mga tao sa isang direksyon. Out of curiosity, bahagya kong inangat ang ulo ko para silipin kung sino ang dumating.

At doon ko siya nakita. Tumayo siya sa may pintuan, suot ang simpleng black polo at jeans, pero ang lakas ng dating.

Si Matthew Lorenzo Villamor.

Nanlaki ang mata ko at muntik ko nang mabitawan ang sandwich ko. Anong ginagawa niya dito?!

"Shet siya yung sinasabi kong guwapo teh!" rinig kong excited na sabi ng isang babae sa kabilang table.

"Ang guwapo!!" hirit pa ng isa, halos mapatalon sa kinauupuan niya.

"True!! Parang artista!" dagdag pa ng isa na nakatitig kay Matthew na ngayon ay pasimpleng naglalakad papunta sa gitna ng cafeteria.

Parang may spotlight siyang dala dahil lahat ng mata nakatingin sa kanya. Ako? Napayuko ako at kunyari abala sa pagkain, kahit na ang totoo, gusto kong magtago sa ilalim ng table.

Bakit siya nandito?!

Naririnig ko pa rin ang ingay ng mga estudyante, halatang starstruck.

"Ang tangkad niya, teh!"

"Parang nasa K-Drama!"

"Siya ba yung ex ni Ara?!"

Napatingala ako sa huling sinabi, at tumingin ng masama sa nagsalita. Hoy, wala kayong pakialam sa amin, okay?

At sa malas na pagkakataon, nahuli niya ang tingin ko. Nagtagpo ang mga mata namin.

Ngumiti siya. Yung tipong nakakainis pero charm overload na ngiti. At pagkatapos? Diretso siyang naglakad papunta sa table ko.

"Hi, Ara," bati niya, casual pero naririnig ng lahat. "Missed me?"

Sa hindi ko malaman na dahilan, bigla na lang akong napatayo habang tumaas ang kilay ko. "Excuse me?!" mataray kong sabi, na parang wala akong pakialam kahit lahat ng tao sa cafeteria ngayon ay nakatingin sa amin.

Napangisi siya, halatang ini-enjoy ang reaksiyon ko. "What? I was just saying hi," casual niyang sagot, na parang hindi big deal na sinugod niya ako sa gitna ng cafeteria na parang may pelikula kami.

Naririnig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid, mas lalo akong nainis.

"Grabe, ang lakas ng chemistry nila!"

"Confirmed, sila nga dati!"

"Ang hot ni kuya!"

"Hindi mo ba alam ang meaning ng space?" balik ko sa kanya, sabay tumingin ng masama. "Pwede bang huwag kang gumawa ng eksena dito?"

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now