Ara's POV
New year
Papunta ako ngayon sa bahay nila Matthew, ngayon daw inaanunsyo na mag fiancé na talaga sila Matthew and Catherine, ayoko sana dumalo kaso new year naman ngayon and mas maganda na rin siguro to para makapag move on.
Nandito na ako ngayon sa mansion nila Matthew, madami ng tao kahit nasa labas pa lang. Pagpasok namin nakita ko kaagad ang mga ungas, kumpleto ah. Sila Chad, Gab, Kokoy, David, Nathan, Zion. Marami ng tao, halos hindi pamilyar saakin ang mga mukha, malamang ay mga tiga-korea ang iba dahil may halong Korea sila Matthew.
Dumiretso ako sa lugar kung saan nagaganap ang salo-salo. Ang mga ilaw, mga dekorasyon, lahat ay nagpapakita ng kasiyahan, pero sa loob ko, parang may kabuntot na bigat. Hindi ko maitatanggi, kahit anong gawin ko, nararamdaman ko pa rin ang sakit.
"Wine po?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng Waiter, tss kakadating ko lang wine agad? pero sige new year naman eh.
"Sure, salamat," sagot ko ng pilit na ngiti, habang tinitingnan ko ang mga tao sa paligid.
"Hija?" Tumingin ako kay Tita Mitzi.
"G-Good evening po, Tita..." nagpilit ako ng ngiti, kahit na ang sakit ng nararamdaman ko. Parang bawat salitang lumalabas sa bibig ko, nagsisinungaling na ako.
"Good evening din! Naku, mabuti at dumalo ka..." sabi ni Tita, na may ngiting nakakainis. Hindi ko alam kung insulto ba 'yon, o kung talagang nagmamagandang-loob lang siya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o magalit.
"Tita!" Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Catherine, bagay na bagay sa kanya ang puting dress niya, parang ang saya saya niyang tingnan. Kasama niya ang mga kaibigan niya, o mga kasama yata ni Matthew. Hindi ko na alintana. Ang mahalaga ay siya ang nakatambal ni Matthew.
Saka ko narinig si Tita na nagtatanong kay Catherine. "Where's Matthew?"
"Nandun sa classmate niya, Tita..." Tugon ni Catherine, pero agad na nawala ang ngiti niya ng mapansin niya ako. Bago ako makapag-react, ngumiti siya ulit, pero ang pilit. "H-Hi, Ara..."
Tinitigan ko siya sandali, hindi ko na pinilit magpakita ng kahit anong emosyon. "Hi," sagot ko, na may kalakip na malamig na ngiti. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa kanya. Parang gusto kong magsalita ng masasakit, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Hindi na niya iyon kailangan.
Tumingin ako sa paligid, habang sinusubukang maghanap ng paraan para makawala sa presensya nilang lahat. It's the same cycle, it's always the same thing-feeling ko parati na lang akong naiiwan.
"Tita, I'll just-" naputol ang sasabihin ko nang may bigla na lang lumapit na isang waiter at mag-alok ng pagkain. Halos gusto ko na lang umalis, pero hindi ko kayang magmukhang rude.
I took a deep breath, and smiled again, pretending like everything's fine.
"Tita, punta lang-" naputol nanaman yung sasabihin ko ng biglang dumating sila Matthew, at ang mga ungas. Napabuntong hininga ako sa inis, kasi wala na naman akong pagkakataon na makaalis. Gusto ko na lang talagang magtago sa isang sulok at magpanggap na hindi ko sila kilala.
Si Matthew, parang walang pake, dumaan lang siya at hindi ako tiningnan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas okay na lang yun. I didn't need his pity or whatever he had left to offer.
"Uy, Ara dumalo ka pala!" Nakangiting sabi nung friend ni Catherine, si Trina, hindi ko nanaman alam kung kaswal lang ba yon o insulto. Sobrang fake ng ngiti ni Trina, parang gusto niyang gawing biro yung pagiging 'okay' ko na nandito ako sa harap nila.
YOU ARE READING
Stay With Me
Narrativa generaleSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
