Ara's POV
Truce
Mukhang napansin ni Ezekiel ang presensya ko kaya tumingin siya saakin, bigla na lang kumunot ang noo niya ng dumapo ang mata niya sa aking pisngi kasunod ay sa aking braso. Now, I'm dead na.
Agad siyang tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. Napansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya—mula sa pagka-inis kanina, ngayon ay parang may halong kaba at galit. Tss, eto na ang sermon part two.
"Anong nangyari sa'yo, Ara?" mariing tanong niya habang tinignan nang mas malapit ang daplis sa pisngi ko. Kasunod noon ay ang sugat sa braso ko.
"Wala 'to, kuya. Nadaplisan lang," mabilis kong sagot habang umiwas ng tingin. Pero alam ko nang hindi niya basta tatanggapin 'yon.
"‘Wala ‘to’ agad? Nadaplisan? Sino may gawa nito?" tanong niya, halatang pinipigilan ang tono niyang sumabog. Hinawakan pa niya ang braso ko para mas inspeksyonin ang sugat, causing me to wince a little.
"Relax lang, Ezekiel. Kaya ko naman sarili ko, okay? It’s no big deal." Pilit kong ngumiti pero hindi iyon umubra sa kuya ko.
"Walang ‘no big deal’ dito! Ara, hindi ka ba nag-iisip? Kung ano man pinasukan mo, hindi na nakakatuwa." Nag-cross arms siya, obviously waiting for an explanation.
Napabuntong hininga na lang ako. "Kuya, please. Huwag ka nang magtanong. I handled it. Hindi na mauulit."
"Tss. You better explain, Ara. Kung hindi, ako mismo maghahanap ng sagot!" banta niya, but I know him too well. He’s serious.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa mga mata ni Ezekiel. Alam kong hindi siya titigil sa kakatanong, pero hindi ito ang tamang oras para malaman nilang may gang ako. Kung malaman nila, lalo na si Lola, malamang, grounded ako forever.
"Ezekiel, promise, wala ito. Nadamay lang ako sa gulo habang nasa labas ako kanina," mabilis kong palusot, pilit pinapakalma ang boses ko para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.
"Nadamay? Ara, ano bang mga pinupuntahan mo at nadadamay ka sa mga ganitong bagay?" Hindi pa rin siya kumbinsido. Kunot pa rin ang noo niya habang tumititig sa akin. "Seryoso ka ba? Lahat ng nadadamay, sugatan?"
"Hala, grabe ka naman! Hindi naman ganun ka-grabe 'to, daplis lang," depensa ko habang tinuturo ang sugat ko. "Tsaka, kuya, 'di ba sabi mo dati, 'wag na akong umasa sa iba para protektahan ang sarili ko? Ayan, ginawa ko 'yon."
"Tsh." Napailing siya at napaupo ulit sa sofa, pero halata pa rin sa mukha niya ang pag-aalala. "Ara, kung hindi ka pa ready sabihin ang totoo, fine. Pero alam mo kung ano mangyayari kapag nalaman nila Mama at Papa na may tinatago ka, 'di ba?"
"Tss. Relax ka lang, kuya. Hindi nila malalaman." ngumiti ako nang pilit para pakalmahin siya. "Promise, last na 'to."
"Basta, Ara, kung may mangyari ulit na ganyan at may masaktan sa'yo nang sobra, huwag mong i-expect na papabayaan ko lang 'yon. Kasi kung hindi ikaw, ako mismo ang magsasabi sa kanila," banta niya.
"Noted, kiel." Tumango na lang ako, kahit medyo kumakabog ang dibdib ko. This secret is harder to keep than I thought.
Napailing ako pero tumango na rin. Ayoko na rin ng mas mahabang sermon mula kay Kuya Ezekiel. Dumiretso ako sa cabinet para kunin ang first-aid kit at umupo sa sofa habang nililinisan ang sugat sa braso ko.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
