Zahaira's POV
Napalingon ako sa likod ko ng may pumalakpak, si Heaven, nakangiti ito.
"How sweet," parang sarkastik niyang sabi habang lumapit sa akin.
"Heaven..." usal ko, nag-aalangan.
Ngumisi siya. "Sa tingin mo, bakit kaya ganon ang inasta sayo ng Enzo mo kanina?"
Kumunot ang noo ko, pero hindi ako nagsalita. Tila may nag-aalab na galit sa dibdib ko.
"Aagawin ko siya sayo," dagdag niya, tila nagmamayabang.
"What?" tanong ko, naguguluhan.
"Tutal, inagaw mo naman siya sa akin. Sa akin naman talaga siya eh. Sumingit ka lang. Kwento dapat namin to, pero sumingit ka lang."
"What are you talking about?" nalilitong tanong ko, naguguluhan sa sinasabi niya.
"Malalaman mo rin ang lahat. I think mas better if ang Enzo mo ang magsabi sayo," sabi niya na may halong pang-aasar.
Kumagat ako sa aking labi, nag-iisip. Anong ibig sabihin ni Heaven? Bakit parang may iba pang kwento na hindi ko alam? Masyado akong naguguluhan at naiirita.
"What's your point, Heaven? Bakit ka nandito?" tanong ko, tila walang pakialam sa mga sinasabi niya.
"Just wait and see," sagot niya na may halong ngiti. Umalis siya at iniwan akong nag-iisip.
Tumingala ako sa paligid, naaalala ang mga sinabi ni Enzo kanina. Ang dami ng tanong sa isipan ko, ngunit sa huli, hindi ko na lang pinansin ang lahat.
Umuwi ako sa mansion, at habang naglalakad papasok, parang naglalaban ang mga naiisip ko. Lahat ng sinabi ni Heaven kanina ay naiikot sa isip ko, kahit sa pagkain, hindi ako nakapag-focus.
"Zahaira, kumain ka na!" Tawag ni Mommy habang nakaupo sa dining table. Nakita kong may mga paborito kong ulam sa harap, pero tila wala akong gana.
"Uh, later na lang," sagot ko, umiwas ng tingin. Nakita ko ang panghihinayang sa mukha niya, pero hindi ko na ito pinansin.
Dahil sa lungkot at galit na nararamdaman, hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari sa school. Pati na rin ang mga titig ng mga kaklase ko, lalo na kay Enzo. Sa totoo lang, nabubwisit ako sa kanya. Bakit ba siya ang nag-aalala sa suot ko? Para bang may karapatan siyang ipagtanggol ako, samantalang kasama naman siya ni Heaven.
Pumasok ako sa kuwarto at humiga agad sa kama.
"Haaay..." mahaba kong hikab, tila ba ang bigat ng mga nangyari sa buong araw. Parang ang daming stress na ayaw bumitaw sa akin. Ang fun run, kahit na sinubukan kong maging masaya, ay tila hindi pa rin natanggal ang lungkot sa puso ko. Pinilit ko ang sarili kong mag-enjoy, pero sa tuwing tumitingin ako kay Enzo at kay Heaven, lalo lang akong nadidismaya.
K • I • N • A • B • U • K • A • S • A • N
Maaga akong nagising, kaya nag-toothbrush, naghilamos, at nagpalit na lang ako ng damit. Lumabas ako ng kuwarto, nasa dulo kasi ang kuwarto ko at madadaanan ko pa ang kuwarto ng mga pamilya ko. Bababa na sana ako nang marinig ko ang boses ni Dad at Mom sa kuwarto nila. Nakaawang kasi kaunti ang pinto, kaya dinig ko.
Ayaw ko man pakinggan, pero may parte sa akin na gusto ko rin! Tsk. Basta! Sa huli, marahan akong lumapit sa pinto at sumilip. Nakita ko ang mukha ng mga magulang ko-seryoso.
"Kailan natin itatago kay Zahaira ang totoo, Yousef?" tanong ni Mom, umiiyak ba siya?
"Kakagaling lang ng anak natin sa sakit, Yazmina. Baka makaapekto lang 'yun sa puso niya pag sinabi agad natin..."
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
