CHAPTER 88

23 9 1
                                        

Ara's POV

Finally!!! Sa loob ng apat na taon, natapos ko ang pag-aaral ko bilang college! Kahapon ay graduation namin, at ngayon, andito kaming mga kaibigan ko sa Palawan! Magpapahinga muna ako bago ako mag-take ng board exam!

Andito lahat ng kaibigan ko, pamilya, at pamilya ni Matthew—si Tita Mitzi, Tito Marton, Maxine, Kuya Maverick, si Mama, Papa, Kuya, at Troy! Andito rin si Aling Melissa, si Ate Zariah, Zarina, and of course si Fia.

Sinama ko ang Phoenix—Zielle, Shawn, Claude, Kristell, Farrah, Alyanna, Raine, Kevin, and Zeke! Syempre kasama rin ang mga kaibigan ni Matthew, ang mga ungas—si Chad, Gab, Kokoy, Zion, David, and... Nathan.

Lahat ng mga kakilala ko, sinama ko! At sagot ko lahat ng gastusin! Pati na rin yung mga pagkaing na sulit na sulit. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipapaliwanag, pero basta, masaya ako na magkakasama kaming lahat.

"Let's cheers! because natapos na tayong lahat sa kolehiyo!" Saad ni Kristell at tinaas ang drink niya.

"Pwede ng mag asawa!" Sigaw naman ni Alyanna natawa tuloy kami!

"Cheers din for Matthew and Ara! 4 years na silang mag Fiancé and...malapit na silang ikasal!!" Hirit ni Farrah.

"Cheers!!" sabay-sabay kami, tumawa at nag-toast habang ang mga kalasingan namin ay mas lalong nagpatibay ng aming kasiyahan. Ang saya ko lang dahil hindi lang ako nakatapos, kundi nandiyan pa ang mga taong masaya para sa akin, lalo na si Matthew.

"Grabe, parang kailan lang ang hirap, tapos ngayon andito na tayo sa celebration!" saad ni Raine habang iniiwas ang kanyang baso mula sa pagkain at tumingin sa lahat. "Ang saya lang."

"Tama ka, Raine!" sagot ni Zeke, at sumayaw siya habang hawak ang drink.

Nakita ko si Matthew na abot ang isang malapait na ngiti sa akin. Napangiti ako at tinapik siya sa balikat. "Thanks, baby. Hindi ko kaya lahat ng to kung wala ka."

Sumulyap siya sa akin at ngumiti, "Tara, maglakad tayo."

Habang naglalakad kami sa beach, napansin ko si Nathan na nag-iisa sa isang sulok, tinitingnan ang mga alon. Hindi ko alam kung anong trip niya, pero sa pagkakataong ito, parang masaya na lang akong nakasama ko si Matthew at hindi na ako magpapadala sa mga negative vibes.

"Let’s make the most of this night, okay?" sabi ko kay Matthew, sabay hatid ng malambing na ngiti.

"Of course, we will," sagot niya, at naglakad kami nang magkasabay, parang kami lang dalawa sa buong mundo.

"Saan mo gusto ikasal?" tanong ni Matthew habang hawak ang kamay ko. Ang mga alon sa tabing-dagat ay kumakalabit sa mga paa namin, at parang ang lahat ng nangyayari ay isang magandang panaginip.

Nag-isip ako sandali, pero sa totoo lang, gusto ko ng kasal na simple pero puno ng pagmamahal. "Siguro sa isang lugar na tahimik... tulad ng dito, sa beach, kung saan malaya tayong magsaya, at walang istorbo."

Tumango si Matthew, at may malambing na ngiti sa labi. "I love that idea. I want our wedding to be memorable... just like us."

"Just like us, huh?" tawa ko. "Sana nga."

"Oo," sagot niya, "Basta ikaw, kahit saan, basta ikaw lang ang kasama ko."

Para akong pinukaw mula sa isang masayang panaginip, at sa mga salitang iyon, ramdam ko ang lahat ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.

Huminga ako ng malalim at ngumiti. "Siguro kung hindi tayo lumaban sa isat-isa, hindi tayo sa huli."

Napakunot ang noo ni Matthew, at bago pa siya makapagsalita, nagpatuloy ako, "Minsan, naiisip ko na kung hindi ako umattend sa en grandeng party ng besfriend ko na si Kristell hindi sana kita makikilala, hindi mo sana magugulo ang buhay ko." Natawa kaming pareho sa huli kong sinabi

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now