Ara's POV
Pagkauwi ko sa bahay, halos malaglag ang katawan ko sa pagod. Pakiramdam ko, ilang Oras akong hindi huminga sa dinner na 'yon. Kinuha ko agad ang mga heels ko at hinagis sa gilid, sabay bagsak sa sofa.
"Tss, anong napasok ko," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.
Biglang nag-ring ang phone ko. Si Nathan.
"Yes, Nathan?" sagot ko nang medyo iritado.
"Hey, just checking kung okay ka lang. Alam kong sobrang awkward kanina," sabi niya, may bahid ng pag-aalala sa boses.
"Okay lang ako," maikli kong sagot. Pero ang totoo, hindi.
"Good. Ara, tandaan mo, this is just the beginning. Mas magiging intense pa ang mga susunod."
Napabuntong-hininga ako. "Yeah, I know. Pero Nathan, sana lang hindi natin pagsisihan 'to."
"Tiwala lang, Ara. Trust me."
Bago pa ako makasagot, narinig kong may kumatok sa pinto.
"Wait lang, Nathan," sabi ko, sabay baba ng phone. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Kuya Maverick, ang nakatatandang kapatid ni Matthew.
Anong ginagawa niya dito?
"Ara," seryosong sabi niya. "Can we talk?"
Pinatuloy ko si Kuya Maverick sa sala namin. I motioned for him to sit down habang ako naman ay naupo sa kabilang sofa.
"Kuya Maverick, anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na," tanong ko, halatang nagtataka.
Tumingin siya sa paligid bago ako sinagot, parang sinisigurado niyang walang ibang nakikinig. "Ara, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong may tinatago kayo ni Nathan."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Anong tinatago?"
"Don't play dumb, Ara," malamig niyang tugon. "I saw the way Nathan introduced you. And the way Matthew looked at you. Hindi ako tanga. May something dito na hindi ko pa alam, and I'm here to find out."
Napakuyom ako ng kamao. Pakiramdam ko, para akong na-corner. "Kuya Maverick, whatever you're thinking, it's none of your business."
"It is my business," sagot niya, medyo mataas na ang boses. "Matthew is my brother. Ayokong masaktan siya. If you're just playing games, Ara, I'll make sure it stops here."
Tumayo ako, pilit na pinapakalma ang sarili. "Kuya, hindi ko alam kung bakit mo ako ginaganito. Pero isa lang ang sigurado ko-wala akong intensyon na saktan si Matthew o kahit sino sa pamilya niyo."
Tinitigan niya ako nang matagal bago tumayo. "I hope you're telling the truth, Ara. Dahil kung hindi..." hindi niya na tinapos ang sasabihin niya at dire-diretsong lumabas ng bahay.
Pagkasara ng pinto, bumagsak ako sa sofa. Napahawak ako sa dibdib ko, ramdam ang mabilis na tibok ng puso ko.
"Tss...ano bang pinasok ko," bulong ko sa sarili ko, sabay lagok ng tubig mula sa baso sa mesa.
Tama ba ang naging desisyon ko? tama ba na pumayag ako sa kasunduan namin ni Nathan na maging fake relationship kami para makuha ko si Matthew? this is freaking insane!!
Pumunta na ako sa kuwarto ko, kaagad akong tumingin sa salamin na basag-paalala ng kagabi. Syempre, yung ginawa ko kagabi, hindi ko makakalimutan 'yon.
Napabuntong-hininga ako, ramdam ko pa rin ang bigat ng bawat nangyari. Yung mga salita ni Catherine, yung tingin ni Matthew, at higit sa lahat, yung kasunduan namin ni Nathan na bigla na lang nagiging mas komplikado kaysa dapat.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
