CHAPTER 72

18 9 0
                                        

Ara's POV

Dumeretso kami sa BGC, kami lang ng phoenix may balak pa atang isama sila Reign kaso umayaw ako, ayoko kasama ang lalaking yon kinaiinisan ko pa rin siya no.

Pagdating namin sa BGC, agad kaming pumunta sa paborito naming spot—isang exclusive na café na madalas tambayan ng Phoenix. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Reign, kainis kasi ang yabang ng lalaking 'yon.

"Seriously, Ara? Hindi mo talaga isinama si Reign?" tanong ni Yvan habang inaayos ang upuan niya.

Tumagilid ako ng tingin sa kanya. "Bakit ko naman isasama? Ayoko nga ng epal sa trip ko."

Tumawa si Farrah, halatang inaasar ako. "Grabe ka naman, Ara. Nagbuwis buhay na nga yung tao para sa atin, tapos ngayon ayaw mo siyang kasama?"

"Excuse me? Nagbuwis buhay? Hindi naman. At saka, kahit na, choice ko 'to." Nakasimangot akong tumingin sa kanila. "Kung gusto niyo, kayo na lang sumama sa kanya next time."

Nagkatinginan lang sila at natawa. Alam kong hindi nila ko aawayin tungkol dito kasi kilala nila ako—kapag galit ako, walang makakapigil.

"Okay, chill. Ano bang plano natin dito?" tanong ni Zeke, halatang gustong magpalit ng topic.

Umupo ako at nag-order ng paborito kong caramel macchiato. "Wala lang, tambay muna. Gusto ko ng peace of mind pagkatapos ng kaguluhan kanina."

"Peace of mind daw pero mukhang badtrip pa rin," asar ni Yvan.

"Baka gusto mong masipa palabas para makuha ko yung peace of mind ko?" sagot ko, sinamaan siya ng tingin.

Nagtawanan ulit sila, at kahit papaano ay nabawasan ang inis ko. Kahit na nakakairita sila minsan, masarap pa rin silang kasama.

"Inis na inis ka don kay Reign, pero bakit niligtas mo siya kanina nung sasaksakin na siya?" tanong ni Raine habang hinihigop ang iniinom niya.

"Malamang may konsensya pa din ako, no? Hindi naman sobrang sama ng ugali ko," sagot ko, sabay irap.

"Pero bakit parang galit ka pa rin sa kanya hanggang ngayon?" tanong naman ni Yvonne, sabay tingin sa akin na parang gusto akong basahin.

"Basta. Naiirita lang talaga ako sa presensya niya," sagot ko, pilit na umiiwas sa mga titig nila.

Tumawa si Kaivan. "Mukhang iba ang dahilan niyan, ah. Aminin mo na kasi, Ara. Baka naman—"

"Baka ano? Wag mong ituloy yan, Kaivan, kung ayaw mong mahila palabas ng café na 'to," banta ko, sabay tigil sa pagkain ng cake ko at tumingin sa kanya ng masama.

Nagtawanan sila, pero hindi ko na lang pinansin. Alam kong iniinis lang nila ako.

"Ang cute mo pag naiirita," asar pa ni Farrah, sabay abot ng tissue para punasan ang mukha ko kunwari.

"Farrah, baka ikaw ang mairita sa mukha mo mamaya kung hindi ka titigil," sagot ko, sabay bato ng tissue pabalik sa kanya.

Tahimik lang akong uminom ng kape ko habang iniisip kung paano nila nasisingit si Reign sa usapan. Seriously, bakit ba ang kulit nila?

"Anyway kamusta naman ang lovelife?" Tanong ni Yvan, kaagad kaming lumingon kay Zielle at natigilan pa ito sa paghigop ng kape.

"Why? tss wala akong lovelife, tigilan niyo ko." Nakasimangot agad niyang sabi, lumingon naman kami kay Shawn at natigilan din ito.

"What? my priority is pag-aaral." Depensa niya agad, at sila naman ang tumingin saakin.

"Hoy! wala akong Lovelife! hindi na ako magkakaroon ng ganon! wala na wala!" Depensa ko din

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now