CHAPTER 58

17 10 0
                                        

Ara's POV

Ilang buwan na ang nakalipas, at sa ilang buwan na yon ay ang ginagawa ko lang ay mag review, review ng review sa mga lesson, notes. At ngayon..... ngayon na ulit ang Exam. Third Exam.

Pagpasok ko sa campus, nagulat ako ng binibigyan nila ako ng daan, tumatabi sila sa gilid para makadaan ako...ano meron?

"Uy, ang yaman yaman mo pala talaga Zahaira no? kasi nandito ang parents mo! nakita namin ang yaman!! ang ganda ng kotse sport cars!" Sigaw saakin ng isang babaeng estudyante. Kumunot ang noo ko at hindi na lang yon pinansin

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglakad. Ano naman kung nandito ang parents ko? At kung may sports car man sila, bakit ba kailangan pang pag-usapan ng mga ‘to?

Nang makarating ako sa hallway, nakita ko na lang si Enzo na nakasandal sa locker ko, nakangiti ng tipid habang nakatitig sa akin. Agad akong napatingin sa paligid, dahil kahit saan ako lumingon, naririnig ko pa rin ang mga bulungan at titig ng mga estudyante.

"Ano bang meron? Bakit parang pinagpipiyestahan na naman ako ng mga tao dito?" iritado kong tanong kay Enzo habang binubuksan ang locker ko.

Ngumiti siya. "Kaya nga nandito ako para kumalma ka. Go na sa room, I’ll see you after the exams. Good luck, Belle."

"H-Huh? diba classmate kita san ka pupunta?"

"Hiniwalay muna ng mga teacher's ang mga top 1 sa mga student,"

Lumapit siya saakin at yumakap, hinalikan niya ang buhok ko at saka noo ko bago hawakan ang pisngi ko "Galingan mo ha?"

Napalunok ako at napatitig sa kanya, hindi ko alam kung dahil sa kaba sa exam o sa lapit niya. Ramdam ko ang init ng mga palad niya sa pisngi ko, at parang bigla akong nawalan ng boses.

"G-Gagalingan ko," nahihiyang sagot ko, bahagyang inilayo ang mukha ko mula sa kanya. Ngumiti siya ng tipid, tila ba nakukuntento na sa simpleng tugon ko.

"Basta, I'm here lang, Belle," bulong niya, bago tuluyang bumitaw at tumalikod na naglalakad palayo.

Pagpasok ko halos mapaatras ako ng humiyaw ang mga ungas.

"Ayieeee!!! kita namin yon!!!" Panunukso ni Chad at talagang sinundot pa ang tagiliran ko. Napangiti na lang ako at napatingin kay Heaven na nakatingin lang sa bintana.

Napailing ako at pilit na tinago ang ngiti, pero hindi talaga mapigilan ng mga ungas ang pang-aasar.

"Uy, ano na! Vp in love na ba?" dagdag pa ni Kokoy, na may halong tuksong ngisi.

"Grabe, may spark talaga kanina, boss!" singit naman ni Gab, sabay tawa nila. Tinapik ko ang ulo ni Chad at huminga ng malalim, pilit pinipigilan ang pamumula ng mukha ko.

"Sira ulo niyo," bulong ko, pilit na binabalewala sila at naghanap ng mauupuan pag kasi exam pumili ka na lang kung saan ka uupo. Napansin ko si Heaven, nakatanaw pa rin sa labas ng bintana, tila ba walang paki sa ingay ng paligid. Ang tahimik niya, at parang may iniisip siyang malalim.

Naupo ako sa kaliwang unahan, inaayos ko ang mga gamit ko habang naririnig ko pa rin ang mga huni ng tawanan at pang-aasar sa likod. Hindi ko na lang sila pinansin at nag-focus sa pagkuha ng ballpen at notes para sa exam.

Pilit kong iniiwasan ang tingin ni Heaven, pero ramdam ko ang presensya niya sa di kalayuan. Tahimik lang siya, ngunit alam kong aware siya sa mga nangyayari sa paligid. Sa isang iglap, nagkatinginan kami, at napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Agad ko namang iniwas ang tingin at kunwari ay busy sa notes ko.

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now