CHAPTER 78

24 8 0
                                        


Ara's POV

In fairness, maganda ang Luna University. Ngayon kasi ako mag-eenroll, may nakikita naman akong ilan na mga students dati sa AIS. Nakakalungkot kasi si Kristell and Claude sa Benison sila, which is sa Manila, ang layo. Yung mga ungas naman na sila Chad ay stay pa rin sa AIS kasama ang hari nila na si Matthew. Tss.

Papunta ako ngayon sa Dean's Office, kay Mrs. Montemayor, mag-eenroll na kasi talaga ako, para sa susunod, Luna University student na ako, isang ganap na College girl. Para bang isang bagong chapter na naman sa buhay ko. Pero hindi ko maiiwasang mag-isip ng mga nangyari-kung anong ginugol ko sa AIS, kung paano nagsimula lahat.

Habang naglalakad, naiisip ko na sana mas okay ang magiging buhay ko dito. Hindi na kailangan magpakita ng pagiging matigas at cold, hindi na rin kailangan magpanggap na okay lang ako sa lahat ng nangyayari. Sa Luna University, sana fresh start na talaga.

Papasok na ako sa office ni Mrs. Montemayor nang makita ko siya sa loob. Tumango siya at ngumiti ng maluwang, na parang hindi ko alam kung ano ang itatanong ko o sasabihin ko.

"Ara, you're enrolling now?" she asked, checking her clipboard.

"Yes, ma'am," sagot ko, medyo kabado. "Ready na po ako."

"Good. Alam ko naman na you've been through a lot, but I know you'll do well here. You're a smart student. I hope you'll continue to make us proud."

"Thank you, ma'am." I forced a smile, pero deep down, kabado pa rin ako. Pati ba naman ang new chapter ng buhay ko, may pressure?

Pagkatapos ng mga ilang paperworks at ilang clarifications, sinabi na ni Mrs. Montemayor na officially enrolled na ako.

"Welcome to Luna University, Ara."

I smiled, pero hindi ko pa rin maiwasang isipin si Matthew at yung mga nangyari. Isa na lang ang natitira sa akin na hindi ko kayang kalimutan.

Biglang bumukas ang pinto, at hindi ko na tinignan kung sino pa yon, masasayang lang ang oras ko. Pero nung narinig ko ang pamilyar na boses, hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Kaagad akong lumingon sa lalaki at kumunot ang noo ko.

"Nathan?" tanong ko ulit, mas madiin. Hindi ko kayang itago ang iritasyon sa boses ko.

Lumingon siya ulit, this time may kasamang slight smirk. "Yes, Ara. It's me. Surprised?"

"Tss." Napatiklop ako ng braso at sumandal sa dingding. "Sa lahat ng schools, dito ka pa talaga nagpunta? Ano 'to? Stalker moment?"

Nagulat pa ako nang tumawa siya nang bahagya. "Stalker? Really, Ara? Huwag kang assuming. I'm here for my own reasons, not because of you."

"Good," mabilis kong sagot. "Kasi kung ako ang dahilan, masyado kang nagsasayang ng oras."

"Hindi naman lahat ng bagay umiikot sa'yo," balik niya, sabay lingon kay Mrs. Montemayor. "Excuse me, ma'am, I'm here to submit my requirements."

Napairap ako at nagbuntong-hininga. Ang kapal talaga. Tss, sa dami ng schools, bakit dito pa? Kainis.

"Do you know each other?" tanong ni Mrs. Montemayor habang nilingon niya kami ni Nathan.

Nagkatinginan pa kami saglit bago ako sumagot. "We are schoolmates dati sa AIS." mabilis kong tugon, casual lang kunwari.

"Yes, ma'am," dagdag ni Nathan, nakangiti pa. "We go way back."

Tss. Ano 'to, nostalgic moment? Tumayo lang ako doon, pinipilit na huwag siyang pansinin kahit ramdam ko ang tingin niyang parang may ibig sabihin.

"That's good," sabi ni Mrs. Montemayor na mukhang aliw na aliw. "It's nice to see familiar faces reconnecting. College life is better with friends."

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now