CHAPTER 71

25 10 2
                                        

Ara's POV

War

Habang nag-uusap kami pumasok na lang bigla ang isang tauhan ni Reign, si Charles malakas ang pagkakabukas ng pinto nito kaya napakunot noo ako.

"Yung mga Blaze Legend nasa labas!" Hinihingal niyang anunsyo, napangisi ako at wala sa sariling natawa. Ang lakas din talaga ng mukha ng mga yon, imagine nagawa pang makatungtong dito kahit bawal na sila. Mga dukha talaga.

Lumabas agad si Reign at sumunod naman ako, naka-cross arms lang habang nakangiwi. Ang kapal din talaga ng mga mukha ng Blaze Legend, parang wala silang pakialam kahit na alam nilang bawal sila dito. Palibhasa, wala silang ibang mapuntahan, kaya panay ang pilit nilang makisali.

"Anong trip niyo?" Malamig na tanong ni Reign, kasabay ng matalim niyang tingin sa grupo.

"Relax, hindi kami nandito para manggulo," sagot ng isa sa mga Blaze Legend na si Greg. Nakataas pa ang kamay niya na parang nagdedeklara ng peace.

"Tss, as if maniniwala kami," sabat ko, sabay irap. "Pagkatapos niyong sugurin ang bahay nila Zielle, ngayon dito naman kayo? Walang originality."

Biglang nagbaba ng tingin si Greg, halatang na-offend sa sinabi ko. Well, good. Hindi naman ako magpapakita ng awa sa kanila.

"May gusto lang kaming pag-usapan kay Reign," sagot ng isa pa sa kanila. "Wala kaming balak manggulo."

Napatingin ako kay Reign, pero tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang grupo. Nakakainis talaga yung itsura niyang parang laging may alam na hindi ko alam.

"Hindi ko trip makipag-usap sa mga wala sa lugar," malamig niyang sagot bago siya tumalikod. "Sabihin niyo sa leader niyo, kung meron man kayo, huwag kayong bumalik dito kung ayaw niyo ma-ban for life."

Napangisi ako sa sinabi niya. Classic Reign.

"Gusto lang kita makausap, Reign," kalmadong sabi ni Greg. Tibay, nagpahabol pa ng salita kahit halata namang wala siyang welcome dito.

Napahinto si Reign sa paglalakad, pero hindi siya agad lumingon. Ang tagal ng tensyon sa paligid, parang hinihintay lang ng lahat kung ano ang magiging next move niya.

"Tss," mahinang sambit ni Reign bago siya tuluyang humarap. "Anong gusto mong pag-usapan, Greg? Kung tungkol lang sa walang kwentang bagay, mas mabuting lumayas na kayo ngayon."

Halatang kinakabahan si Greg, pero pilit niyang itinatago. "Hindi tungkol sa amin 'to, Reign. Tungkol 'to sa—"

"Sa ano?" sabat ko, tumabi kay Reign na naka-cross arms pa rin. "Kung tungkol sa drama niyo sa buhay, save it. Walang may pake."

"Quiet, Ara," malamig na sabi ni Reign habang tinitingnan ako nang matalim.

Napapikit na lang ako sa inis. Fine, ikaw na. Pero seryoso, bakit binibigyan pa niya ng chance makapagsalita ang mga 'to?

"Make it quick," dagdag ni Reign, nakatingin kay Greg na parang susuriin ang bawat salitang lalabas sa bibig nito.

"Gusto namin magkaroon ng patas na laban, sa December 15 bukas na bukas ay magkakaroon tayo ng labanan dito mismo at kung sino ang manalo ay mapapasaamin ang teritoryo na ito." Matalim na sabi ni Greg.

"Hell no," malamig kong sagot habang tumingin nang masama kay Greg. "Ang lakas din ng loob niyong magbigay ng kondisyon dito, ha? Mukhang nakalimutan niyo na kung sino ang boss."

Tumawa si Reign ng malakas, halatang hindi niya siniseryoso si Greg. "December 15? Bukas na bukas? Do you really think we’d agree to something so... pathetic?"

Stay With Me Stories to obsess over. Discover now