Ara's POV
"Good morning class!!" masiglang bati ni Sir Alvarez. "First of all, gusto kong i-congratulate ang mga nagkamit ng karangalan! Please, tumayo ang mga nagkamit ng karangalan!"
Narinig ko ang mga kaklase kong nagsimula nang tumayo isa-isa, may mga nagkakatuwaan, at tila proud sa kanilang mga nakuhang resulta. Napatingin ako sa listahan na hawak ni Sir, at alam kong kasama ang pangalan ko roon. Ayoko pa sanang tumayo, pero narinig ko na ang pangalan ko.
"Akira Rhian Hernandez " tawag ni Sir Alvarez.
Tumayo ako ng dahan-dahan, pilit na ngumingiti kahit may halong kaba. Parang biglang tumahimik ang paligid ko habang nakikita ko ang mga mata ng kaklase kong nakatingin sa akin.
"At syempre, Matthew Lorenzo Villamor," sunod na tawag ni Sir.
Nakita kong tumayo si Matthew sa di kalayuan. Narinig ko ang mga pagbati at papuri mula sa mga kaklase. Ang saya ng mga tao, pero sa loob ko, hindi ko alam kung bakit parang may bigat pa rin. Nagpalakpakan sila, pero may bahagi ng isip ko na naguguluhan pa rin sa mga nangyari.
"Congratulations sa inyo! Keep up the good work!" dag-dag ni Sir Alvarez habang tumitingin sa aming lahat.
Binigyan kami ni Sir Alvarez ng certificate at medal. Napaisip ako, I thought binibigyan lang ng medal pag graduation na? Pero siguro dahil special recognition ito para sa top students, kaya may ganito. Medyo awkward din kasi habang inaabot ko 'yung medal, naririnig ko 'yung bulungan ng mga kaklase ko, pero deadma na lang.
"Congrats, Hernandez" narinig ko pang bulong ni Sir habang inaabot 'yung certificate ko.
"Thank you, Sir," tipid kong sagot, forcing a small smile. Pero sa totoo lang, mixed emotions pa rin.
"Again, palakpakan natin ang mga nagkamit ng karangalan!" masiglang sabi ni Sir Alvarez, at kasabay noon ang malakas na palakpakan mula sa buong klase. Medyo nahiya pa ako habang nakaupo na, lalo na't parang damang-dama ko 'yung mga titig ng iba.
"Ang galing mo talaga, Haira" bulong ni Nathan, pero sinuklian ko lang siya ng mabilis na ngiti.
"Okay, class, balik na tayo sa regular lessons," dagdag ni Sir. Napabuntong-hininga ako, grateful na tapos na ang attention, pero may parte ng isip ko na hindi pa rin mapakali. Ang dami kong iniisip—pati na 'yung tingin sa akin ni Enzo kanina.
Habang nagsisimula na ulit si Sir Alvarez sa lesson, halos hindi ako makapag-focus. Panay ang balik ng isip ko sa mga nangyari kahapon—ang gulo sa usapan namin ni Enzo at 'yung hindi ko maipaliwanag na pakiramdam habang tinitingnan ako ni Enzo kanina.
"Zahaira, are you with us?" Tanong bigla ni Sir, dahilan para magulat ako.
"Y-Yes, Sir!" sagot ko, kahit na alam kong huli na ako sa sinasabi niya. Narinig ko pa 'yung ilang bulungan mula sa mga kaklase ko, pero pilit kong hindi na lang pinansin.
"Okay, just making sure," sagot ni Sir bago itinuloy ang lesson.
Nagpanggap akong nag-aayos ng notes habang sinisilip ang oras. Gusto ko na sanang matapos 'tong araw na 'to, pero parang lalo lang lumalala ang kaba sa dibdib ko.
Sa totoo lang, natapos ang lesson na wala man lang akong naintindihan. Tulala lang akong nakatitig sa whiteboard habang naglalaro sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon. Yung mga sinabi ni Enzo, ang awkward na tinginan namin kanina.
"Good morning, Section B!" Hindi ko namalayan na si Miss Lira na pala ang pumasok. Nakatayo siya sa harap, nakangiti at hawak ang ilang papeles. "Hindi ako magle-lesson ngayon," patuloy niya, "nandito ako para ibigay ang aking special award — Best in Mathematics — sa isa sa mga estudyante dito!"
YOU ARE READING
Stay With Me
Fiksi UmumSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
