A/N: Hi readers! Please don't forget to vote, comment and share!
O_o
Zariah Yazmin's POV
"Mahal!!!"
Kunot-noo akong lumingon sa likod ko, napairap ako ng makita ko naman ang siopao na lalaki na ito! Parati na lang siya ang nakikita ko sa t'wing pupunta ako dito sa company ni dad!papunta kasi ako sa opisina ni daddy may inutos siya saakin, ayoko sanang pumayag dahil may tatapusin pakong papers at ipapasa kay Prof. Chua pero syempre si daddy na yon, baka ipahiya niya lang ako sa Prof ko kaya pumayag na lang ako.
Nakangiting lumapit saakin siopao na lalaki na ito at aastang yayakapin ako ngunit nabatukan ko na, nakanguso niyang hinimas himas ang kanyang ulo at saka ngumuti ulit, abnormal talaga.
"Bakit ba nandito ka nanaman siopao?!" Inis kong tanong sakanya
"Mahal, hindi siopao ang name ko Cedrick ang name ko 'no" Saad niya
Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito kung bakit niya ko tinatawag na mahal, palagi na lang siyang sumusulpot kung nasaan ako pag nasa hospital ako ng Luna university, nandoon din siya.
Napabuntong hininga akong naglakad
ngunit kahit anong bilis ko ay nasa tabi ko na agad siya, bumati saamin ang guard ng makapasok kami, hindi ko hindi pinansin at deretso lang ako naglakad hanggang sa makapasok na ako sa loob, kasunod ko pa rin ang siopao na lalaking ito! Para siyang
linta! dikit na dikit, para din babae ang daldal.
"Good morning po madame" Bati saakin ng secretary ni daddy, hindi ko ito pinansin sumabay siya sa lakad ko at ng nasa harap na kami ng pinto ng opisina ni daddy ay humarap ako kay siopao
"Siopao! puwede bang umalis ka na? baka sumama ka pa sa loob!"Inis kong sabi sakanya, natigilan akong mag bow ang Secretary ni daddy sa siopao na ito"What are you doing huh?" Masungit kong tanong, kaagad lumingon saakin ang Secretary
"A-Ah Madame, siya po ang anak ni Mr. Montero nandito po siya para po sa meeting nila ng daddy ninyo" Paliwanag niya, Kunot-noo akong lumingon kay siopao pero
nakangisi itong nakatingin saakin
Nanliliit ang mata kong tinignan siya at saka umirap"I don't care." Sambit ko at binuksan na ang pinto,nakita ko si daddy na nagbabasa ng papers, naka upo ito sa swivel chair niya. Tumikhim ako at lumapit sakanya"So, anong gagawin ko dito dad?" Naiirita kong tanong
Binaba na niya ang paper at saka deretsong tumingin saakin "May meeting ako, paki check ang financial reports, at tapusin mo na rin ang mga papers na ito hindi ko pa natatapos." Saad ni dad at tumayo walang salita siyang naglakad sa pinto at lumabas.
Inis akong suminghal sa hangin at umupo sa swivel chair, tinignan ko ang financial reports, mga balance sheet, at mga statement. Sunod non ay inayos ko na ang mga papers na hindi pa natatapos ni daddy.
Nagbasa na rin ako ng Management and leadership books, na about sa company. Actually wala pa ako masyadong alam about sa company ni dad, si mommy and daddy lang ang kumikilos sa company, ako naman ay paminsan minsan lang si Zarina ay malabo pang maka tulong siya sa company, si Zahaira tamad yon at walang pakialam sa
company ni dad ang sabi niya nga ay nagtataka daw siya kung bakit pagod lagi si daddy eh nagbabasa lang naman ng papers si dad. Stupid diba? Tss
Kasalukuyan ako nagbabasa about sa company ni daddy ng may kumatok sa pinto.
"Come in." Saad ko, nasa book ang paningin, ng marinig kong bumukas
yon ay inilapag ko na ang book at
deretsong tumingin sa pumasok.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
