Ara's POV
Gift
HABANG binubuksan ko ang regalo ni Chad, hindi ko maiwasang mapangiwi. Damn it, bakit sa dinami-rami ng regalo, ito pa talaga ang napunta sa'kin?
Mabilis kong naalala yung regalo niya sa akin noong birthday ko last year—isang maliit na kahon na may laman na... ugh, ayokong balikan, nakakainis.
"Anong nakuha mo, Vice?" Tanong ni Elchoy habang nakatingin sa regalo ko. Tumabi pa siya para makisilip.
Hinila ko palabas ang laman ng kahon at halos manlaki ang mga mata ko. What the hell is this?! Isang stuffed toy na hugis hotdog na may mukha at nakalagay pa sa ibabaw, "Hotdog Queen."
Napatingin ako kay Chad na halatang nagpipigil ng tawa. "Anong kabalastugan 'to, Chad?!" Sigaw ko habang hawak ang stuffed toy.
Nagsimula nang magtawanan ang mga tao sa paligid. "Bagay naman sa'yo, Vice! Hotdog Queen ng Asia International!" Bungisngis ni Chad na parang sobrang proud pa sa ginawa niya.
Diyos ko, bakit ako nasali sa game na 'to? Naisip ko na lang habang hinahampas ko ang stuffed toy sa mesa, dahilan para mas lalo silang tumawa.
Tumingin ako sa stuffed toy na to, This is so freaking ridiculous! Parang nararamdaman ko pa yung init ng mukha ko habang hawak-hawak ko 'tong "Hotdog Queen" na toy na gawa ng utak ni Chad.
"Tangina, Chad," bulong ko, pero narinig niya iyon at tumawa pa lalo.
"Relax, Vice! Cute naman 'yan eh!" Tumatawa niyang sabi, halos mahulog na sa kinauupuan niya sa kakatawa.
Napabuntong-hininga na lang ako at nilapag ang stuffed toy sa table. "Kung wala kang matinong maiisip na regalo, 'wag ka na lang magbigay," malamig kong sagot, sabay baling ng tingin sa ibang direksyon para huwag na siyang makita.
Pero siyempre, hindi papatalo ang kumag. "Vice, 'wag mo nang i-deny, bagay naman talaga sa'yo!"
Napaisip ako, bakit ba ako nasesentro sa lahat ng kalokohan? Lord, konting patience pa please... baka hindi ko na kayanin 'tong si Chad.
"Ara! May gift ako sayo!" Napalingon ako kay Gab, nakangisi pa habang hawak-hawak ang maliit na box na parang may halong kabalastugan na naman.
"Kung kasing gulo ng utak mo 'yan, ibalik mo na lang," malamig kong sabi, pero halatang excited pa rin siya.
"Grabe ka naman, Ara! Special 'to!" Lumapit siya at iniabot sa akin ang box. Ayoko sanang kunin, pero lahat ng mata nasa amin na kaya kinuha ko na rin.
Binuksan ko 'yung box, at— Damn it!
"Keychain ng baboy?!" Napataas ang kilay ko habang hawak-hawak ang pink na keychain na may maliit na baboy na may crown.
"Bagay kasi sa'yo, Vice. Ikaw 'yung piggy queen namin!" Natatawa niyang sabi.
"Gab, gusto mo bang tapusin ko 'yung taon mo nang maaga?" Sinamaan ko siya ng tingin habang pinipigil ang sarili ko.
"Ano ka ba, joke lang! Pero bagay talaga!" Pumihit siya papunta kay Chad, sabay high-five sila na parang ang saya ng trip nila.
YOU ARE READING
Stay With Me
General FictionSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
