Ara's POV
It's already 4:47 AM, and there were no more visitors left. Mama had already gone home, but the Phoenix clan remained. Tito Marton, Tita Mitzi, and even Kuya Maverick and Maxine had left, but Matthew and Catherine decided to stay. Bakit ba kasi nagpaiwan pa sila? Tss..
Pumunta ako sa living room, at nakita ko si Ate Zariah na nakaupo at natutulog. Si Zarina naman ay nasa kuwarto niya na, mukhang inaantok na talaga. Dahil marami sa mga rooms na hindi na nagagamit, doon na natulog ang Phoenix. Si Matthew at Catherine naman ay nandun pa rin sa kanilang upuan, parehong tulog. Nakasandal pa si Catherine sa dibdib ni Matthew, parang wala nang pakialam sa mundo, at si Matthew... he looked so peaceful while sleeping.
Matagal ko nang nararamdaman na may mga bagay na hindi ko pa natatanggap, at isa na doon si Matthew. Pero hindi ko na kayang balikan pa ang mga nangyari.
Bumalik na lang ako sa kwarto ko at pinilit kalmahin ang sarili. What's done is done.
Nagpalit na lang ako ng suot ko, nagsipilyo, hilamos, at patalon na humiga sa kama ko. I'm so tired of everything. Siguro, bahagi na lang ng buhay ko ito-yung mga bagay na mahirap tanggapin, pero kailangan ko pa ring ipagpatuloy. Sobrang lala na ng mga nangyari, pero sa totoo lang, ayoko na lang pag-isipan.
Habang nakahiga, naalala ko pa rin si Matthew. Ang mga ngiti niya, ang sakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako... pero andiyan pa rin siya. Hindi ko pa rin siya matanggal sa isip ko. At si Catherine, wala akong magagawa kundi tanggapin na siya ang pinili niya.
Hindi ako makatulog kaya bumaba ulit ako at dumeretso sa living room. Nandoon pa rin sila Matthew at Catherine, mahimbing ang tulog. Ganon rin si Ate, mukhang pagod na pagod din. Gusto ko silang gisingin at sabihing tumaas na lang at sa kuwarto na matulog. Kaso, wag na, iisipin ko pa lang na magkasama sila Matthew at Catherine matulog sa iisang kuwarto, naiinis na ako. Hindi ko na kayang makita pa yun.
Dahil dito, naglakad ako palayo at dumiretso sa kusina, baka may makain lang o kaya ay maghilom ang sakit sa dibdib ko. Hanggang kailan ba ako magiging ganito?
Binuksan ko ang ref at kinuha ang Chuckie doon, tumambay saglit sa kusina habang pinapalamig ang ulo ko. Pagkatapos, bumalik ako sa living room, palihim na binanggit ang pangalan ng mommy ko sa isip ko at tinignan ang kabaong. Walang katapusang sakit na naman ang nararamdaman ko. Alam kong wala na siya, pero hindi ko pa rin kayang tanggapin.
Ang mga mata ko ay tumutok sa kabaong habang unti-unting lumabas ang mga luha sa mata ko. Hanggang ngayon, hindi ko matanggap na hindi na siya magiging katulad ng dati. Tinutok ko ang tingin ko sa mesa at nagsimula akong mag-isip, baka masyado lang akong nagiging mabigat sa sarili ko.
"Tsh, ang hina-hina mo Ara..." bulong ko sa aking sarili habang pinupunasan ang aking luha. Alam kong hindi ko dapat hayaang manatili ako sa ganitong estado, pero ang sakit lang talaga.
Bumuntong hininga ako at nilapitan ang salamin na nasa gilid ng living room. Tumingin ako sa sarili ko, tinangka kong magpakatatag, pero hindi ko magawa.
"Wala nang babalik pa, Ara," sabi ko sa sarili ko. "Kailangan mong lumaban."
Hindi ko na kayang magpatalo pa. Kailangan ko nang magpatuloy, para kay mama, at para sa sarili ko.
"Bakit hindi ka pa magpahinga?" Tanong ng pamilyar na boses mula sa aking likod. "You know what? you are still stubborn."
Lumingon ako at nakita ko si Matthew, na bagong gising. Malamig ang tingin niya saakin, nakapamulsa habang diretso ang tingin saakin.
"Don't pretend na you care about me," malalim at malamig na sabi ko, hindi ko na kayang magtago ng sama ng loob.
Tiningnan niya ako ng matalim, ngunit hindi agad nagsalita. Parang may bigat na bumagsak sa pagitan namin. Naglakad siya papalapit sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. Ang lamig ng mga tingin ko sa kanya, halos gustong sumabog ang galit ko.
YOU ARE READING
Stay With Me
Genel KurguSa isang engrandeng party, chill ka lang dapat, enjoying the vibe and everything. Pero bigla na lang may guy at diretsahan na sinabi sayo na... "I want you to be my fake girlfriend." Papayag ka ba? Or Tatanggi na lang?
